(PART 2) Pick Up 56: Missing Siopao

25.7K 759 81
                                    

Johnny's

Parang pinipiga ang puso ko sa mga sandaling ito lalo na dahil nakikita ko kung gaano kalungkot ang babaeng mahal ko. Hinalikan ko si mylabs sa ulo at niyakap sya. Nandito kami ngayon sa burol ni Ren. Huling araw na ngayon ng burol at ililibing na sya bukas. Napaka-sakit ng pagkawala n'ya. Kaya pala lagi nyang hinahabilin sa'kin ang ate nya araw araw. Dahil alam nyang mangyayari ito.

Humahanga ako sa kanya dahil sa tapang at lakas ng loob nyang hinarap ang buhay n'ya. Napaka-buting bata ni Ren. Tiningnan ko ang munting kabaong n'ya at ang malaking litrato malapit dito. Buhay na buhay ang mga ngiti nya sa larawan.

Marahan akong tumayo para kumuha ng tubig. Umiiyak na naman ang mahal ko.

"Johnny kamusta si Rea?" tanong ng Jaguars nandito silang lahat.

Umiling lang ako sa kanila bilang sagot. Unti-unti nang dumadami ang mga tao. May eulogy kasi ngayong gabi. Ibibigay ng mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ang huling paalam at mensahe nila para kay Siopao.

Pabalik na sana ako kung saan nakaupo si mylabs kaya lang napatigil ako sa paglapit. Yakap sya ngayon ni Blake. Tumalikod muna ako. Hindi ako pwedeng magselos ngayon. Kailangan din ni mylabs ng yakap galing sa mga kaibigan at pamilya nya.

Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa balikat ko. Si Howard. 

"May mga pangyayari talaga sa buhay ng tao na nakakabigla, mga bagay na hindi natin inaasahang mangyari. Mga bagay na wala tayong kakayahan pigilan, dahil hindi natin kontrolado ang lahat, tanging ang Diyos lang ang nakakaalam ng lahat. Ang naging mali lang natin hindi natin kinausap ang Diyos sa mga plano nya kaya tayo nabibigla ng ganito" nilingon ko si Howard. Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin. 

Pero bago pa man ako magtanong ay umalis na sya sa tabi ko at lumabas.

Bigla akong napaisip. Paano ko mapapasaya si mylabs pagkatapos ng lahat ng ito? Paano ko matutupad ang pangako ko kay Ren? Muli kong nilingon si mylabs nasa unahan na sya ngayon at may hawak na mikropono. Huminga sya ng malalim at tumingin sa mga taong nandito. Mga kaibigan, pamilya at malalapit na mga kamag-anak. Ngumiti ang babaeng mahal ko pero hindi 'yon umabot sa mga mata nya.

Naupo ako kasama ang jaguars. At sabay sabay kaming nakinig kay mylabs.

------------------
Rea's POV

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga nandito ngayon, sa huling gabi ng burol ng kapatid ko. Ngumiti ako sa kanila ngiting hindi ko alam kung totoo ba o hindi.

"Sa mga taong malapit sa mahal kong kapatid, at sa aming mga kaibigan at kapamilya, at sa inyo na nandito ngayong gabi, maraming salamat sa pakikiramay"

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na iniwan na ako ni Ren. Sya na lang ang meron ako. Sya na lang ang pamilya na meron ako. Bakit kailangang kunin din sya sa'kin? Ano bang nagawa kong mali para maranasan ko ang lahat ng ito? Naging masama ba akong tao para masaktan ako ng ganito?

Naramdaman kong may yumakap ng mahigpit sa'kin. Hindi ko namalayan na natulala na pala ako at panay ang tulo ng luha ko.

"Tahan na mahal ko. Nandito lang ako. Hinding hindi kita iiwan" napahagulhol na lang ako nang marinig ko ang boses ni mylabs. Yumakap ako sa kanya. Naramdaman ko na may kumuha ng mikroponong hawak ko. Hindi ko na 'yon pinansin at nagpatianod na lang ako ng marahan akong hilahin ni mylabs para maupo.

"Magandang gabi po sa inyong lahat. Hindi na po ako magpapakilala pero isa po ako sa mga kaibigan nitong si bulinggit" napatingin kami sa nagsalita. Si Elvin, sya pala ang kumuha ng microphone sa akin.

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon