Dedicated this chapter to asherinakenza
Thank you Ate for inspiring me more.
Salamat din sa mga taong patuloy na naghihintay ng bawat update ng Jaguars' Series.
-----------------
Johnny's POV
Halos malapit ng dumilim nang makarating kami sa pier kung saan sasakay kami ng bangka para makarating ng lubusan sa Jaguars' Island. Tinawagan ko si Captain at pinakiusapan ang iba pang Jaguars na wag munang pumunta sa Island dahil balak kong magbakasyon kami ni mylabs ng kami lang. Kahit man lang sa ganitong paraan, maalis ko sya sa lungkot na bumabalot sa kanya ngayon.
"Gusto ko ng umuwi" hindi ko sya pinansin at bumaba na ako ng kotse, umikot ako sa may passenger seat at binuksan ang pinto.
"Baba" utos ko. Tinapunan nya ako ng masamang tingin. I'm sorry mylabs pero hindi na ako papayag na ikulong mo ang sarili mo sa kwarto mo at magmukmok.
Umirap lang sya sa'kin at humalukipkip. Wala akong nagawa kundi ang buhatin sya pababa sa kotse.
"Johnny! Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo!" Bulyaw nya sa'kin. Maingat ko syang binaba. Nginitian ko sya. Gusto ko mang magalit sa mga kinikilos nya pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong nagkakaganyan lang sya dahil sa pinagdadaanan nya.
Tumalikod ako sa kanya, nilabas ko ang cellphone ko at nag dial.
"Hello Mang Canor! Nandito na po kami." Kanino ko pa naitext si Mang Canor. Nasabi ko na sa kanya na bibisita ako sa isla.
"Ah sige po Sir! Saglit lang po at pupuntahan ko po kayo d'yan, nandito na po ako sa may pampang" sagot nya.
Hindi naman nagtagal ay dumating na din sya kung saan kami nagpark.
"Magandang gabi po Sir Johnny, magandang gabi po Ma'am" agad na bati nya sa amin.
Ngumiti lang ng bahagya si mylabs para magbigay galang din sa pagbati ng matanda.
Kinuha ko ang mga gamit sa compartment. Tinulungan naman ako ni Mang Canor na buhatin ang ilan. Akmang hahawakan ko sa kamay si mylabs pero mabilis syang umiwas at nauna nang maglakad. Sumusunod sya sa direksyon ni Mang Canor.
Napapailing na lang ako sa inaasta ng mahal ko. Naglakad na din ako papunta sa may pampang kung saan kami sasakay ng bangkang de motor. Napansin kong parang natigilan si mylabs.
"Don't worry, its safe. Isa pa, maganda ang panahon, wala masyadong alon." pagpapalakas ko ng loob nya. At isinuot sa kanya ang life jacket. Hindi naman sya tumutol ng ipatong ko din sa balikat nya ang jacket ko.
Inalalayan ko sya sa pagsakay. Naupo ako sa tabi nya. Niyakap ko sya nang bahagyang umihip ang malamig na hangin.
At dahil wala masydong alon ay mabilis din kaming nakarating. Malayo layo pa kami ng konti sa dalampasigan pero mula dito ay matatanaw na ang glass house na ipinatayo namin. Nagtulong tulong kaming lahat na jaguars para maisakatuparan ang pangarap naming magkaroon ng bahay sa isang isla.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang mapansin ko ang pagkamangha ni mylabs sa nakikita nya ngayon.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...