Rea's POVTiningnan ko si Johnny. Kitang kita ko sa mukha at mga mata nya ang pagsisi. Kinukwento ko sa kanya ngayon ang mga dahilan kung bakit ako umalis noon ng walang paalam. Sinasabi ko sa kanya ngayon kung ano bang dahilan sa likod ng mga pangyayari sa buhay ko 2 years ago. Ayaw ko na sanang pag-usapan pa, pero tama sya, kailangan namin mas maunawaan ang isa't isa ngayon. Ito na ang tamang pagkakataon na ibinibigay sa'min ng tadhana upang ayusin ang nagulong love story ng buhay namin.
"Naalala mo pa yung nag-suntukan kayo ni Blake sa mall noon?" tanong ko sa kanya, muli nyang binalik ang tingin sa'kin. I really missed those eyes. Tumango sya ng bahagya.
"Una sa lahat wala kaming affair, at lalong hindi ako nag cheat sa'yo, gusto nya akong makausap that day dahil inaalok nya ako ng tulong. He was there, sa Sagada noong atakihin si Siopao, he witnessed everything. And I told him to stay away from us, from me. I know it was wrong. I can't help but to blame everything to Blake kahit alam kong wala naman talaga syang kasalanan dahil di naman nya alam na may sakit ang kapatid ko"
"Tapos nagalit ako sa'yo at hindi man lang kita pinakinggan mylabs......" hinawakan nya ang kamay ko, alam kong nagsisisi sya sa mga nangyari sa'min, ganun din ako, alam kong may mali din ako.
"Bakit di mo agad sinabi sa akin noon ang mga nangyari sa inyo ni Siopao, noong makabalik ka galing sa Sagada? Kapag tinatanong kita kung anong problema, lagi mong sinasabi na ok ka lang" sa wakas naitanong din nya ang bagay na 'yon.
"That time kasi mylabs may malaking problemang kang hinaharap, remember the company of your father? Halos di ka na nga natutulog noon, so I decided na ilihim na lang muna ang problema ko para hindi na madagdagan ang problema mo"
"Damn" naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko.
"Alam kong mali ako sa part na 'yon dahil naglihim ako sa'yo, dapat sinabi ko sa'yo agad ang lahat, unang una dahil may karapatan kang malaman ang nangyayari sa buhay ko dahil boyfriend kita, huli na pero gusto ko pa din mag sorr-----" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, hinila na nya ako at niyakap ng mahigpit.
"Kung may magsosorry man sa ating dalawa, ako 'yon at hindi ikaw" matigas na sabi nya.
"J-Johhny"
"Dapat gumawa ako ng paraan, dapat ako mismo ang kumilos at umalam ng lahat ng mga bagay na nangyari sayo, kahit ang pinakamaliit na detalye ng buhay mo dapat inalam ko, pero hindi, pinangunahan agad ako ng selos at galit.. alam kong di na natin maibabalik pa ang kahapon, pero meron pa rin tayong pagkakataon para ayusin ang nagulong buhay natin noon" malambing na sabi nya.
Lumayo ako ng bahagya sa kanya at pinagmasdan ang mukha nya, ramdam ko pa din ang mga kamay nya sa bewang ko. I smiled.
Bigla kong naalala ang tungkol sa sulat.
"Tungkol sa sulat mylabs, nakausap ko na si Blake at nalaman ko na hindi naman pala sya ang nagbigay ng sulat"
Flashback
"Di ko alam Blake pero sobrang nasasaktan ako sa nalaman ko.. Totoo ba? Alam mo ang mga pinagdaanan ko noon sa america. Ikaw mismo ang nakasaksi sa bawat pag-iyak ko.."
"Rea please! Will you please listen to me first..." tiningnan ko sya ng masama ng pagtaasan nya ako ng boses.
"Hehehe pakinggan mo muna kasi ako bago ka mag emote diyan, oo aaminin ko...."
"Kita mo na! Ikaw nga, sige aminin mo ang lahat ngayon. Sige sige"
"Kapag di ka tumahimik hahalikan kita"
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...