Pick Up 29: Vote Wisely!

62.2K 1.8K 249
                                    

Elvin's POV


Inaantok pa ako. Nandito kami ngayon sa hintayan ng jeep, kasama ko si Burns Gibson at Fisher. Di ko alam kung bakit napasama ako sa tatlong ito.


"Bakit ba kasi gusto nyong mag commute eh may mga kotse naman kayo?" tanong ko. Nakapagtataka naman kasi may mga kotse kami, tas' ngayon gusto nila mag commute? Mukhang tinakasan na naman ng bait itong mga kaibigan ko.


"Gusto naming magpa-late," sagot ni Burns. Napakunot ang noo ko.


"Gusto nyo pa lang magpa-late eh bakit di na lang kayo maglakad?" tanong ko ulit.


"Tungunu edi napagod kami?," komento ni Gibson.


"Edi gumapang na lang kayo, panigurado walang pagod yun," sagot ko, inakbayan ako ni Fisher.


"Howard alam mo ba kung bakit gusto namin magpa-late?" tanong nya.


"Oo naman, palagay mo sakin bobo?" maangas na tanong ko..


"Sige nga, bakit?" - Fisher


"Dahil gusto nyong mag commute," seryosong sagot ko.


"Gago!" pinakyuhan ko si Burns, lakas mang gago eh.


"Kaya tayo magpapalate para di tayo makasama sa kampanya ngayong araw," paliwanag ni Fisher.


"Kampanya? Anong uri ng tinapay yan?" tanong ko.


Lumayo sakin yung tatlo, at tahimik na naghintay ng jeep. Kinulbit ko si Gibson.


"Pare," pero di nya ako pinansin. Sama ng ugali ng mga kaibigan ko taena. Bakit ba kasi napasama pa ako sa mga ito? Edi sana nasa school na ako at kumakain ng tinapay, mukhang ayaw naman nila ng tinapay, kaya nga sila magpapa-late di ba?


Inakbayan ko si Burns.


"Pare seryoso ano nga yung sinasabi nyo?" tanong ko..

"Ang bilis mo naman makalimot Howard, di ba pinag meetingan na natin yan nung nakaraang araw?" napapakamot sa ulo na sagot nya..

"Ang dami ko kasing nakain na peanut butter kahapon kaya di ko na masyado maalala," sagot ko.


——————————

Alfred's POV


"Ay oo nga pala, nag LBM ka pa nga kahapon eh," komento ko sa sinabi ni Howard. Aba banatan ba naman yung isang katerbang peanut butter kahapon, kaya yun, labas masok sya sa banyo at ang matindi sa unit ko pa sya nagbabawas.


"Siguro pati utak mo naitae mo na ano?" pang aasar ni Burns. Tumawa kami ng malakas, pero napatigil din ng mapansin ang pagka seryoso ni Howard tapos may binubulong..

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon