Rea's POV
"Kahit ano pang isuot mo ikaw pa rin ang pinaka-magandang babae sa paningin ko" hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sinabi ni mylabs. Nandito kami ngayon sa botique ni Ate Crisssy at nagsusukat ng wedding gown. One month from now ikakasal na kami ng lalaking kailan lang ay hinahabol habol ko pa. Di ko akalain na aabot kami sa ganito.
"Eh eto bagay ba sa'kin?" Napatingin kami pareho kay Siopao na nakasuot ng white tuxedo. Sabay pa kaming natawa ni mylabs nang umikot sya at nagpapogi. "Ano pareng Jay? Ayos ba?" pagyayabang nya.
"Ayos na ayos mas lalo kang pumogi dyan sa suot mo! Manang mana ka talaga sa'kin" nilapitan sya ni Johnny at inayos pa ang pagkakalagay ng tie. Masaya ako dahil kapiling ko ngayong ang dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.
"Di pa ba tayo kakain? Nakakagutom pala ang magsukat ng magsukat ng mga damit dito" reklamo ng kapatid ko. Nilapitan ko silang dalawa.
"San ba masarap kumain?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan silang dalawa at sabay na sumagot.
"Sa restaurant ni Howard!" at sabay pa silang nag apir. Yung totoo trip nila kumain sa restaurant ni Elvin o trip nilang asarin yung tao?
Matapos namin magpalit ng damit ay nagpaalam na kami kay Ate Crissy at sumakay na sa kotse papunta sa lugar kung saan matatagpuan ang restaurant ni Elvin.
"Ren are you ok?" bigla akong naalarma nang mapansing medyo namumutla sya.
"Ok lang ako ate, gutom na kasi ako hahaha" masiglang sagot nya. Naramdaman ko naman na binilisan ni mylabs ang pagdadrive.
"Inom ka muna" inabutan ko sya ng tubig.
"Salamat Ate!" Kinuha nya 'yon at ininom. "Ano palang plano mo sa birthday ko ate Rara?" maya-maya ay tanong nya. Bigla kaming nagkatinginan ni mylabs dahil lingid sa kaalaman ni Siopao may hinahanda kaming party para sa kanya.
Birthday na nya sa sunod na linggo. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil patuloy nya dinudugtungan ang buhay ng kapatid ko. Magsasampung taon na si Ren sa susunod na linggo.
"Ano na? Wala bang ganap?" Tanong ulit nya.
"Ano bang gusto mo?" tanong naman ni mylabs nakikinig lang ako sa kanila.
"Gusto ko sana sa isang court ganapin ang birthday ko tapos lahat ng pupunta naka-jersey ng Shohoku, tapos yung cake ko parang bola" sabay kaming natawa ni mylabs dahil ganung ganun ang nakalagay sa plano namin.
"Wengya may di ba kayo sinasabi sa'kin" hindi ko napigilan napahagalpak na ako ng tawa dahil sa sinabi nya. Kuhang kuha na ng kapatid ko ang expression ng jaguars.
Napatigil lang ako sa pagtawa nang mapansing titig na titig silang dalawa sa'kin.
"I really love the sound of her laugh" sambit ni Johnny at muling binalik ang atensyon sa pagmamaneho.
"Me too" sagot naman ni Siopao. Tumikhim ako at umayos ng upo. Mga ilang minuto pa ay narating din namin ang restaurant ni Elvin. Kapansin pansin ng dami ng taong bumibisita dito.
Pumasok kami sa loob at agad din naman kaming inasikaso ng ilang empleyado dito. Nasa kalagitnaan kami ng pagpili ng kakainin nang may lumapit sa table namin.
"Ayos may makakasabay pala ako sa pagkain" si Elvin at mabilis na naupo sa tabi ni Siopao.
"Ayos libre na naman ang kain natin" nakangising sabi ng kapatid ko.
"Hoy ikaw bulinggit pasalamat ka maganda 'tong ate mo kaya nakakalibre ka dito sa restaurant k------" hindi na naituloy ni Elvin ang sasabihin dahil sinipa sya ni mylabs sa ilalim ng lamesa. Napapailing na lang ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...