Pick Up 37: This Year

44.8K 1.4K 86
                                    

#8 na sa teen Fiction ang MPUG :) magdiwang yey hahaha.

Salamat sa patuloy na suporta #teamJAGUARS :)

------------------

Johnny's POV 

Months later... 

"Oh ikaw anong problema mo?" tanong ni Miller sa isang estudyante, nandito kami ngayon sa office ng student council, at hinaharap ang mga hinaing ng ilang mga estudyanteng inaapi kuno. At bilang kasapi ng PUKI partylist kailangan namin silang pakinggan at tulungan.  Nakabalik na kaming lahat sa school ilang buwan na ang nakalipas matapos ang bakasyon ng lahat. 

"Iniwan at niloko kasi ako  ng girlfriend ko." sagot nung isang estudyante na kaharap ngayon ni Miller, nakaupo lang kaming jaguars sa may sofa, si Miller sa may table sa harap nya yung mga may reklamo sa buhay. 

"At sa palagay mo, may maitutulong kami sa problema mo? Eh yung sarili ko ngang lovelife di ko maayos, yung sayo pa kaya?" asar na sabi ni Miller, napapailing na lang kami at lihim na natatawa. 

Di na kami nagulat ng mag walk out ang gago. 

"Oh Howard, ikaw na ang tumulong dito kay pareng-- teka ano nga ulit pangalan mo tol?" tanong ni Burns. 

"Nilo"

"Nilo? Ano apleyido mo brad?"- Fisher

"Co"

"Nilo Co?" sabay sabay na tanong namin

"Tungunu pare pati pangalan mo niloko ka," utas ni Gibson.

At hindi namin napigilan ang di humagalpak ng tawa, langya hindi sa binubully namin sya ha, medyo malakas lang talaga ang dating ng pangalan nya hahaha.

"Brad, palagay ko tadhana mo na talaga ang maloko, kasi nakatatak na sa pangalan mo" seryosong sabi ni Howard.

"Grabe ka naman Howard, baka naman nagkataon lang," sabi ko at tiningnan si Nilo.. 

"Nilo pare, ano ba pangalang ng ex mo?" tanong ko.. Baka sakaling makatulong ako. 

"Pina," sagot nya. 

Natigilan ako, pati na rin ang lahat ng jaguars. 

"Pina? Wengya, alam na namin kung bakit ka niloko at iniwan ng girlfriend mo," agad na sabi ni Burns. 

"Dahil natakot sya sa apelyido mo," segunda naman ni Gibson. 

"Baka daw kasi mapako sya wengya hahaha" di pa din kami magkanda mayaw sa pagtawa.

"Isipin mo tol ha, pag kinasal kayo magiging Pina Co na ang pangalan nya," - Dela Cruz.. "Kaya siguro minabuti na lang nya na iwan ka kesa ang mapako sya," 

"Hahahaha taena da best ka brad," tinapik ko pa ang balikat ni Nilo. 

"Pffftt hahahaha pasensya ka na pare, masayahin lang talaga kami," palusot ni Turner..

"Ehem!" tumikhim kami ng mapansing seryosong seryoso si Howard, ganun din si Nilo. Umayos kami ng upo. 

Nilabas ko na lang ang cellphone ko, malapit ng maglunch. Tatawagan ko sana si mylabs, kaya lang biglang may nagtext, agad ko yung binasa. 

[mylabs! d ako makkasabay sau sa lunch ha. I love you :*]

Napakunot ang noo ko. Agad ko syang tinawagan, Damn! Di nya sinasagot. Sigurado ako madami na naman syang ginagawa. 

Tumayo ako at sinukbit ang bag. 

"San ka Spencer?" tanong ni Montereal. 

"Tulungan ko lang si Rea," sagot ko. "Mauna na ako sa inyo jaguars, kita na lang tayo mamaya," dagdag ko pa at tuluyan ng umalis ng office. 

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon