(PART 2) Pick Up 51: Forgiveness

37.7K 1.2K 103
                                    


Freeman's POV

Pinapanuod namin ang papalayong si Spencer, sinundan nya si Rea. Hanga ako sa kanya dahil sa kabila ng lahat ng nangyari at sa kabila ng pagkakamali nya may lakas pa rin sya ng loob na itama ang lahat.

Labintatlong lalaki na lang ang alam ko na may ganoong lakas ng loob dito sa mundo. At kami yun, ang jaguars. Kaya nga di ako sumusuko sa mga paninigaw at mga pagsusungit sa'kin ni Jenny, dahil alam ko mapapasagot ko din sya, sa panahong itatakda nya. Sya talaga ang magtatakda alangan namang ako, eh ako nga ang nanliligaw edi sya lang ang nakakaalam kung kailan nya ako sasagutin.

"Freeman tara, tulala ka na namang hayop ka!" bigla akong natauhan sa sigaw ni Burns.

Paglingon ko naglalakad na din sila paalis. Napakamot na lang ako sa ulo at patakbong sumunod sa kanila.

"Tara kain muna tayo, bigla akong nagutom sa laro natin," di na kami nagkomento nang nagsalita si Gibson. Nagkanya kanya na ng sakay sa van ang lahat. Sino ba naman ako para tumutol? Isang hamak na gwapo lang naman ako na nagmamahal ng tapat at totoo sa isang babaeng pinaglihi sa sama ng loob. Lagi kasing masama ang loob sa'kin ng kapatid ni Dela Cruz, walangya, kailan nya ba mapapansin ang kagwapuhan ko? Ano bang nakita nya kay Sunog na di nya makita sa'kin? Crush nya kasi si Burns, alam kong di dapat ako magalit sa kaibigan ko dahil wala naman syang alam sa bagay na yon, isa pa may nililihim din ang sunog na 'yon, isang lihim na pag-ibig para kay Izrah, ang nakababatang kapatid ni Howard.

Teka nga, ano bang kinalaman ng POV ko dito, eh hindi ko naman kwento ito?

---------------------------

Rea's POV

"Mylabs..." napahinto ako sa paglalakad ng humarang sa harapan ko si Johnny. Pilit nyang kinuha si Siopao sa'kin. Hindi ako nagsalita at hinayaan na lang sya. Sumabay sya sa paglalakad ko pabalik sa kwarto ni Ren.

Nakatulog na ang kapatid ko. Marahan syang ibinaba ni Johnny sa kama. Tiningnan ko sya saka ako lumabas ng kwarto, naramdaman ko naman ang pagsunod nya.

Marahan nyang isinara ang pinto paglabas nya. Agad ko syang tiningnan sa mga mata.

"Pagod na pagod na ako, Johnny, hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya please lang, wag ka ng dumagdag pa, gusto mo ng forgiveness? Matagal na kitang pinatawad, pero di ko itatanggi na masakit pa rin sa 'kin ang lahat ng nangyari, pero napatawad na kita, at kung hihilingin mo ngayon na ibalik natin ang lahat tulad ng dati, sorry pero di ko alam kung paano, gusto mong malaman kung mahal pa kita? Oo! Mahal pa kita! Ikaw pa rin ang sinisigaw nito?" tinuro ko ng madiin ang puso ko, pakiramdam ko sasabog na ito sa sobrang emosyon na nararamdaman ko.

"Pero di ko alam kung dapat ko pa din bang ibigay sayo ang pagmamahal kong ito. Dapat pa ba Johnny? Dapat pa ba akong magtiwala sa puso ko? Magtiwala sayo? Hindi ko na alam, mababaliw na ako" wala na akong pakialam kung humahagulhol na ako sa harapan nya. Naramdaman ko ang marahan nyang pagyakap hanggang sa unti unti itong humihigpit.

"Sobrang mahal na mahal kita Rea, God knows kung gaano ko pinagsisihan lahat ng ginawa ko sa'yo.." naririnig ko ang mahinang paghikbi nya. It breaks my heart even more. Ano ba naman 'to? Nasasaktan na nga ako at nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon. Pati ba naman sa pag-iyak nya ngayon nasasaktan pa din ako?

Lumayo ako ng bahagya sa kanya, hindi ko napigilan ang sarili ko na haplusin ang mukha nya at punasan ang luha nya. Naramdaman ko din ang pagpunas nya sa mga luha ko.

"I'm so sorry mylabs," sya naman ang humahagulhol ngayon, para kaming tanga dito. Nilapat nya ang noo nya sa noo ko.

"Hayaan mo sana akong paghilumin ang sugat na nagawa ko dyan sa puso mo...hayaan mo sana akong maitama ang lahat ng mga pagkakamali ko, hayaan mo akong alagaan ka, hayaan mo akong maging sandalan mo lalo na sa mga oras na ito, hayaan mo sana ulit akong maging kasangga mo sa lahat ng bagay mylabs"

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon