Pick Up 33: The Training

62K 1.8K 189
                                    

Joel's POV

"Jaguars wake up!" nagtakip ako ng unan ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula sa labas. Pero di pa man nakakabalik ng tuluyan ang diwa ko sa pagtulog bigla na lang akong napamulat ng maramdaman ko na may yumakap sakin.

Napakunot ang noo ko ng marealize na wala ako sa unit ko. Bigla akong napatingin sa tabi ko.

"Amput*" bigla kong naitulak si Spencer.

"Fvck!" mura nya ng magpatak sya sa sahig. "Taenaka Burns," pupungas pungas na tumayo ang gago.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko? Eh ang dami naman kwarto dito sa mansyon ni Don Herald," sabi ko at umayos ng higa, wengya inaantok pa ako.

"Jaguars!" Bigla kaming nagkatinginan at sabay na tumayo para sumilip sa may pinto.

Gusto kong matawa ng mabungaran namin ang eagles na naka-linya at nasa likod ang mga kamay. Dinaig pa nila ang sundalo.

"Pfftt ano na naman bang katangahan yan?" Tanong ko, pero parang wala silang narinig. Lakas din ng tama ng mga pinsan ni Hannah taena.

Bumukas ang pinto ng mga kwarto at naglabasan na din ang ibang jaguars.  Halos lahat nakaboxer lang at walang pang itaas.

"Good mornin——pffftt tungunu anong tinira nyo at ganyan ang mga itsura nyo?" tanong agad ni Gibson at nag silapit na nga sila sa pwesto malapit sa eagles na naging bato na yata dahil hindi nagalaw.

"Di ko akalain na mas malakas pala ang tama nyo samin," inakbayan pa ni Miller si Blake.

"May makati ba sayo brad?" Nilapitan ko naman si Jax, isang matalim na tingin lang ang binigay nya sakin. Ano bang ginagawa ng mga 'to?

"Pfftt Jax pare wag kang magpapakamot dyan kay Burns, alam mo na, nakakapaso ang gagong yan," pinakyuhan ko si Dela Cruz. Nagtawanan sila. Pero bigla din naman tumigil at sabay sabay na humanay sabay lagay ng kamay sa likod tulad ng sa eagles. Napakunot  ang noo ko.

Pati sila nakikisali? Wengya, para silang mga bata, makapag almusal na nga lang. Pagharap ko, bigla akong natigilan.

Si  Don Herald, may hawak na baril. Napalunok ako ng ikasa nya yun at itutok sakin. Tang*na ito na ba ang huling umaga ko? Wag naman sana, di pa ako nag aalmusal, ayokong mamatay ng gutom.

"On your position Burns!" Bigla akong napatakbo sa pwesto ng jaguars at humanay din sa kanila.

Tangna bakit di man lang nila sinabi na nasa likod ko na pala si tanda? Mga kaibigan ko nga sila, mga hayop eh.

"Attention!" Sabay sabay kaming tumayo ng tuwid. Wengya boses pa lang ng matandang ito nakakatakot na, yung baril pa ba nya?

Tiningnan nya kami isa isa habang naglalakad sa gitna namin, nasa kanang bahagi ng pasilyo ang eagles habang nasa kaliwa naman kami.

"Listen up jaguars!"

Di ba nya nakikitang nakikinig kami?

"Your captain called me weeks before your vacation days,"

Si captain? Sya ang may pakana ng bakasyon namin dito sa Hacienda Adaipmil? Bakit?

"He requested na i-train kayo," sabi pa ni Don Herald.

"Permission to speak sir," napatingin kami kay Miller.

"Marunong ka na ng ganyan Miller? Pfftt" mang aasar na sana ulit ang jaguars kaya lang isang tikhim lang ni Don Herald, tumahimik na ulit sila.

"Speak," sagot ni tanda kay Miller.

"Para saan po ang training?"

"Your training will serve as preparation in protecting your love one, nag aalala ang captain nyo na baka di nyo maprotektahan ang mahal nyo kapag may naulit na insidente tulad ng nangyari sa kanila ng apo kong si Hannah," paliwanag ni tanda. Napatango kaming lahat.

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon