HAPPY 6th ANNIVERSARY TEAM JAGUARS!
__________Johnny's POV
"MYLABS ma-li-late ako ng uwi dahil may dadaanan ako sa bar ni Miller." inihinto ko ang sasakyan nang makita ang red light sign.
"Mabilis ka lang ba doon?" Tanong ng asawa ko. Kausap ko sya sa cellphone ngayon.
"Oo mylabs, kakausapin ko lang ng mabilis si Miller at kukunin ang ilang documents tapos uuwi din ako agad." Muli kong pinatakbo ang sasakyan ng mag-green light.
"Sige. Hintayin kita para sabay na tayong mag-dinner."
"Sige mylabs. Teka, kumain na ba ang mga bata?" Maya-maya ay tanong ko.
"Oo kumain na sila. Nasa kwarto na nila at pinaglilinis ko ng katawan. Nandito naman sa tabi ko si Naiara." Tumango ako at ngumiti. Ang bilis ng panahon, walong taon na agad ang nakakalipas. Walong taon na din si Reina Love, limang taon naman si Zane Jharen at tatlong taon naman si Naiara Jhearn.
"Sige na mylabs. I'm driving. See you later, I love you so much."
"I love you. Ingat ka pag-uwi mylabs."
"Yes Ma'am." Nakangiting ibinaba ko ang tawag. Di naman nagtagal at narating ko din ang bar ni Miller. Ang laki na ng pinagbago nito. Mas maganda at mas malaki na ngayon. Kilalang kilala na din itong bar n'ya at puntahan na din ng mga taong mahilig mag-bar hopping. Lalo na sa mga sikat at kilalang tao.
Pagpasok ko sa loob, sumalubong agad sa'kin ang maingay at maharot na tugtog ng musika. Marami ng tao ang nagsasayaw sa dance floor, halatang may mga tama na ang mga tao dito.
Fvck! Kung bakit naman kasi, dito pa naisipan ng gagong 'yon makipagkita.
Tumuloy ako sa third floor kung nasaan ang opisina ng walanghiya. Hindi pa man ako nakakakatok ay bumukas na iyon at bumungad sa'kin ang mga nakangising Jaguars.
"Yo! Spencer is in the house!" Tiningnan ko ang mga gago. Agad na hinanap ng paningin ko si Miller. Tumatawa ang walanghiya.
"Kaya pala ayaw mong pumunta sa opisina kanina dahil may plano kayo." Binatukan ko sya.
"Alam kasi namin na tatanggi ka, kaya gumawa na lang kami ng paraan." Nakangiting sabi ni Gibson.
Wala na akong nagawa at naupo na lang din. Kailangan kong tawagan si mylabs dahil mukhang seryoso talagang maglasing ang mga gago.
"Mamaya ka na mag selpon wengya. Kami na lang ang tatawag kay Rea para ipagpaalam ka." Biglang inagaw ni Dela Cruz ang cellphone ko, akmang babawiin ko 'yon kaya lang hinawakan ako ni Gray at Turner.
"Tagay muna pare, mamaya ka na lumandi." Pang-gagatong naman nila.
Tinanggap ko ang baso na may lamang alak..
"Siguraduhin nyong tatawagan nyo si Rea, papatayin ko kayo kapag nag-alala ang mahal ko." Banta ko sa kanila bago ko tuluyang nilagok ang alak na binigay nila.
Napansin ko naman ang paglayo nina Gibson at Freeman dala ang cellphone ko. Mukhang tatawagan na nila asawa ko.
"Chill Spencer, minsan ka lang naman ma-late ng uwi at isa pa tatawagan na nina Freeman si Rea kaya kumalma ka lang dyan at mag-enjoy ng konti." Tumango lang ako sa sinabi ni Dela Cruz.
Mabilis na lumipas ang mga oras at tinatalaban na ako ng alak.
"Pare..." nilingon ko si Howard.
"Bakit?"
"Mag-usap nga tayong dalawa."
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" Tanong ko at ininom ang alak na nasa baso ko.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...