For you :) mana ka sakin, makapal ang mukha.. XD Natutuwa ako sayo, halika pasampal ako ng lima.. chos hahaha Thank you again :) lovelots :* :* *kiss ng madami sa pisngi*
------------------------------------------
Rea's POV
Habang nasa byahe kami, di ko mapigilan na di sya tingnan.. At base sa ekspresyon ng mukha nya, para bang ang lungkot nya..
"Mylabs saan tayo pupunta?" pagbasag ko sa katahimikan.. Bahagya nya akong sinulyapan.
"Sa bahay ni Montereal.." simpleng sagot nya. Nginitian ko sya, pero binalik din nya agad ang tingin sa daan..
"Mylabs, sana libro ka na lang.." di nya ako nilingon, binaling ko naman ang tingin ko sa may bintana..
"Para nababasa ko ang nasa loob mo.." bulong ko..
Di nagtagal nakarating kami sa bahay nina Xevier, grabe ang laki ng bahay nila.. Nakangiti na ulit si mylabs nang makita nya ang mga kaibigan nya, mukhang nandito na lahat..
"Yo! Rea, nagtapat na ba itong si Spencer sayo?" nginitian ko si Turner..
"Di pa nga eh.. Sana naging exam na lang ako para sagutin na nya ako.." biro ko, nagtawanan naman sila. Tumuloy kami sa living room..
"Reaaa!!"
"Makasigaw Tina, sampong taon di nagkita?" grabe makasigaw eh.. Binati ako ng girlfriend ni captain at nung kapatid ni Elvin na si izrah.. Nakipag kwentuhan ako sa kanila habang nagkukulitan naman ang jaguars..
At sa gitna ng biruan, nagulat na lang kami ng biglang mangharana si Xevier kay Tina..
Napapangiti na lang ako habang pinapanuod sila.. Binuhat ng jaguars si Tina at inupo sa single couch.. Tumayo na din ako kasama ang jaguars at sina Hannah, si Tina lang ang nakaupo..
Tiningnan ko si mylabs, ang lawak ng ngiti nya, ang sarap nyang pagmasdan..
"Yes.." narinig kong sabi ni Tina..
"Ikaw mylabs? Kapag ba kinantahan kita sasagutin mo din ako?" nakangiting bulong ko.. Lumingon sya sakin ng bahagya.. Pero di din yun nagtagal dahil binalik na nya ang tingin kay Tina at Xevier.. Palagay ko hindi effective ang pagkanta, di ba nga, kinantahan ko na sya?
"What's up madlang people!" napalingon kaming lahat sa sumigaw..
"Where have you bean Dela Cruz?" tanong ni captain Shield.. Di na ako nagulat ng may bigla na lang sumulpot na babae mula sa likuran nya.. Parang kilala ko sya.. San ko ba sya nakita? Sa HRM department? Di ako sure..
"Ah captain may emergency lang.." narinig kong sagot ni Jason..
"And what was that?" tanong ulit ni captain.. Muli akong naupo sa pwesto ko kanina at kinuha ang gamit ko.. Di na ako nakinig sa usapan nila, nilista ko na lang kung ilan ang gagawin kong handouts at assignment mamayang pag uwi ko..
Naupo na din silang lahat at nagsimulang magkwento si Jason..
Wala akong masyadong maintindihan sa pinag uusapan nila..
"Hi Greshel.." bati ni Hannah sa babaeng kasama ni Jason.. Tiningnan ko si mylabs.. Parang may kung anong tumusok sa puso ko ng makitang titig na titig sya dun sa babae..
Binawi ko ang tingin sa kanya at inabala na lang ang sarili sa pagsusulat..
Dapat sanay na ako sa sakit pag nakikita syang tumitingin sa ibang babae.. pero hindi eh, ramdam na ramdam ko para bang panibagong sugat.. sariwa pa kumbaga..
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...