[Third Year]
Johnny's POV
Ang bilis ng takbo ng oras, halos di na nga namin namalayan na natapos na namin ang second year namin sa college, at napakaraming ala-ala at kalokohan ang iniwan at binaon namin..
Di ko malilimutan ang Field trip namin, dahil sa trip naming yun, malakas na magyaya ang tatlong ugok sa amusement park.
Marami pang nangyari sa huling buwan namin nung second year na masasabi kong puro lang kalokohan at meron din namang mga ala-ala na medyo seryoso..
Isa na dun ay ang pagbagsak namin nina Howard sa isang subject, natakot kami na baka maging irregular students kami, pero dahil mahal na mahal kami ni captain di nya hinayaan ang bagay na yun.. Pinagmura nya kami ng wagas, nadamay pati ibang jaguars.. At dahil sa mga mura nya, pumasa kami.. Ganun sya kabangis, mura pa lang natutulungan na kaming pumasa..
Sakit kaya nya sa tenga magtutor wengya.. Nakiusap ang lahat ng jaguars sa prof namin sa subject kung saan kami bumagsak na bigyan kami ng special exam.. Kasama ko sa kamalasan si Howard at Miller.. At sa mga panahong tinotorture kami ni captain sa pagrereview, di kami iniwan ng mga hayop na jaguars, lagi silang nandyan para pagtawanan at asarin kami..
At sa paglipas nga ng panahon, mas lalong lumalaki ang kagaguhan namin.. Katulad na lang ngayon, halos madapa kami sa pagtakbo.. Late na kami sa practice dahil sa katakawan sa alak kagabi ng mga tukmol kong kasama, si Montereal, Dela Cruz, Freeman at Burns..
"Wengya, ang sakit pa ng ulo ko taena.." reklamo ni Burns.. Di namin sya pinansin at nagderetso na kami sa gym..
Pagdating namin, tapos na ang morning practice, palabas na din ang ibang jaguars...
"Yo! Kamusta naman ang mga late.." pang aasar agad ni Miller.. Pinakyuhan lang sya ni Dela Cruz.. Kasalanan nya kung bakit kami late ngayon, taena feeling ko pinagplanuhan talaga na lasingin kami at hayaang di magising ng maaga, mga gago talaga..
"Go to your fvcking class assholes.." sabi ni captain sa ibang jaguars at tiningnan kami..
Base pa lang sa tingin nya alam na namin ang ibig sabihin.. Agad kaming humanay sa harap nya.. Narinig ko pa ang tawanan ng jaguars..
"Alak pa more mga brad hahaha.." taena mamaya kayo samin..
"Where have you been?"- captain asked, nang makalabas ng gym ang ibang jaguars..
"Napasarap kami ng inuman kagabi buddy..kaya nalate kami ng gising heheh.." paliwanag agad ni Montereal..
"200 push ups.." wengya sinasabi ko na nga ba eh.. Kahit nanlalambot pa kami dahil sa hangover eh sinunod na lang namin si captain, aba, mahirap na baka madagdag pa ang 200.. Hinagis na lang namin sa kung saan ang bag namin at inumpisahan ang pagpupush up..
Third year college na kami ngayon, at nakakatuwang malaman na sa pagdaan ng mga minuto at taon, matatag pa rin ang pagkakaibigan naming lahat..
Pagkatapos ng halos kalahating minuto..
"F*ck"- narinig kong mura ni Dela Cruz.. Pfftt katulad ko pagod na din sya.. Pinagpatuloy ko ang pagpupush up.. Hingal na hingal na ako, tumatagaktak na din ang pawis ko..
Napansin ko na nakangisi si Dela Cruz, problema ng taong ito?
"another 200 push ups Dela cruz"- bigla kami napabungisngis sa sinabi ni captain..
"What the.."- magrereklamo pa sana si Dela Cruz kaya lang isang matalim na tingin ang natanggap nya mula kay captain..
"Pfftt pinagpapantasyahan yata ni Dela Cruz si captain wengya.." bulong ni Burns sabay bungisngis na naman, napabungisngis na naman kami ng makita ang itsura ni Dela Cruz..
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...