Joel's POV
"Saan yan?!" napatayo ako, may kausap ako sa cellphone, lahat ng jaguars napatingin sakin.
"Sige, papunta na kami,"ibinaba ko ang tawag at hinarap ang jaguars.
"Nasa away si Spencer," sabi ko sa lahat.
"Tangina!" agad na tumakbo ang lahat palabas ng bar ni Miller, at nagkanya kanya na ng sakay sa kotse ang lahat, nagulat pa ako ng sumakay sa passenger seat si Howard.
"Pasakay na lang ako Sunog, may war kami ngayon, a-attack pa ako, kaya di ako makakapag drive" sabi nya habang dinudotdot ang cellphone nya, nag cCOC ang gago p*ta.
Mabilis kaming nakarating sa bar kung nasaan si Spencer, di naman ito kalayuan sa bar ni Miller. Di na namin na-ipark ng maayos ang mga sasakyan namin, sa pag-aalala sa kaibigan namin. Nasa labas pa lang kami maririnig na ang ilang sigawan.
Patakbo kaming pumasok sa loob, at putangina duguaan na ang mukha ni Spencer. Wala ng tanong tanong sa nangyari, sinugod na namin ang mga gagong may hawak sa kanya ngayon.
"Hindi nyo kilala kung sinong inupakan nyo mga hayop kayo!" narinig kong galit na galit na sabi ni Montereal habang hawak sa kwelyo yung isang lalaki.
Nakita ko pa ng mawalan ng malay si Spencer, agad syang dinaluhan nina Turner at DelaCruz at mabilis na inilabas ng bar.
Pagkatapos namin mapatumba ang mga putanginang bumugbog sa kaibigan namin, nag iwan ako ng pera sa manager ng bar, na nasa tabi ni Howard na busy pa din sa COC.
"For the damage," sabi ko, at lumabas na ng bar, nakatanggap ako ng text galing kay Turner na dinala nila sa ospital si Spencer dahil sa natamo nitong bugbog.
"Wengya bugbog na bugbog na nga ang puso ni Spencer, binubog pa ng mga tarantadong yun," galit na sabi ko habang nagdadrive. Tiningnan ko ng bahagya si Howard, tahimik lang sya buti naman at tapos na syang mag COC.
Pagkarating sa ospital, tahimik lang kaming lahat, seryoso ang lahat, dahil alam namin na sobrang hirap para kay Spencer ng lahat ng ito.
Yung pakiramdam nga na iniwan ka ng mahal mo sobrang sakit na, how much more ang malaman mo na ikakasal na sya sa iba?
Naramdaman ko ang pagtapik ni Montereal sa balikat ko.
"Hayaan na muna natin syang makapag-pahinga ng maayos," mahinang sabi nya, di ko napansin na nakalabas na pala ang ibang jaguars. Tumango ako at muling tiningnan si Spencer na natutulog sa hospital bed.
"Maging matatag ka sana pare," bulong ko na lang, at sumunod na din sa jaguars.
Sabi ng doctor dalawang araw daw muna si Spencer sa ospital dahil bukod daw sa mga sugat nito sa mukha, nagkaroon din daw ito ng emotional breakdown.
Umuwi kaming lahat na sobrang tahimik. Ang hirap ng ganito, di ba pwedeng puro saya na lang?
-----------------------------
Johnny's POV
Nagising ako ng masakit ang ulo, mukha at katawan. Unti unti kong minulat ang mga mata ko, at bumungad sa 'kin ang puting pintura ng buong kwarto. This is not my fvcking room! Where the fvck am I? Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto, at gusto kong mapamura ng mapagtantong nasa ospital pala ako.
Napatingin ako sa dextrose na nasa kamay ko. Muling bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kung bakit ako nakahiga ngayon sa hospital bed na ito. Mula sa sulat na iniwan nya, hanggang sa tanginang dyaryo, at sa pakikipagbugbugan ko.
Walang pagdadalawang isip na hiniklas ko ang dextrose . Kahit kumikirot sa sakit ang buong katawan ko di ko ininda kahit isa man sa mga yun, dahil di kayang pantayan ng sakit ng katawan ang sakit ng damdamin na halos pumatay na sa 'kin. Tumayo ako at hinubad ang hospital gown at sinuot ang mga damit ko na nakapatong sa side table, dinala siguro ito ng jaguars. Sinuot ko din ang hoody jacket na kasama sa mga damit ko.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...