(PART 2) Pick Up 58: This is it!

24.1K 729 101
                                    

3 years later

Rea's POV

"At last, matutuloy na din ang araw na pinakahihintay ni Johnny!" Tiningnan ko sa repleksyon ng salamin si Greshel. Inaayos nya ngayon ang suot kong gown.

Nginitian ko sya. Napakadami ng mga nangyari sa loob ng tatlong taon na nakalipas. Hindi natuloy ang kasal namin 2 years ago dahil sa di inaasahang pangyayari. Pero mas naunang ikinasal sina Tina at Xevier 3 years ago. 

"Ang ganda ganda mo Ate Rara!" napalingon ako kay Fren. Nilapitan ko sya at binuhat.

"Pasensya ka na sa anak ko idol na idol ka talaga nya" tiningnan ko si Kevin na nakasuot ngayon ng black tuxedo. I smiled. 

"Ok lang. Masaya ako kapag nakikita ko si Fren"

"E ako Tita Rea? Di ka ba masaya kapag nakikita ako?" Nilingon ko naman si Ken na kapapasok lang dito sa kwarto.

"Syempre masaya din, love na love ko nga kayong dalawa e"

Si Ken at Fren ay kambal na anak na iniwan ni Freya sa piling ng asawa nyang si Kevin. Tiningnan ko si Kevin. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng taong pinakamamahal. Alam ko kung gaano kasakit kay Kevin ang pagkawala ni Freya.

"Sigurado ka ba Ate Rea na papakasalan mo si Tito Johnny? Di mo na ba talaga ako mahihintay?" Inosenteng tanong ni Ken. Ibinaba ko si Fren at hinarap si Ken.

"Ikaw talaga, di ba nasabi ko na sa'yo. Destiny ko talaga si Tito Johnny mo, at ikaw meron ka ding destiny, ang kailangan mo lang gawin ipag-pray mo sya araw araw, hanggang sa ibigay ng Lord ang tamang panahon kung kailan mo sya makikilala" paliwanag ko sa kanya. Tatlong taon na si Fren at Ken at tatlong taon na din wala sa piling nila ang kanilang ina.

"Wag nyo na kulitin si Tita Rea nyo, baka di na mapakali ang Tito Johnny nyo doon sa labas" awat ni Kevin sa mga bata.

Nandito kami sa beach resort kung saan kami dating nagbakasyon nina Siopao. At dito din sa lugar na ito kami ikakasal ni mylabs.

"Nasa labas na ang mga bisita! Ready ka na ba Rea?" Napalingon kaming lahat sa sigaw ni Joel.

"Halina kayo, doon na muna tayo sa labas, doon na lang natin hintayin ang Tita Rea nyo"

Tumango ako kay Kevin nang mag paalam na sya.

Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin.

This is it! Ito na ang araw na hinihintay namin ni mylabs. Napakasaya ko.

Ren dumating na ang araw na pinakahihintay ni Ate. Sana masaya ka na din kung nasaan ka man ngayon. Mahal na mahal ko kayo nina inay at itay. Masaya na ako ngayon. Salamat sa kuya Johnny mo.

Huminga ako ng malalim. I smiled nang i-abot sa akin ni Ate Crissy ang boquet of flowers.

"Thank you" sabi ko at nginitian ko sya. 

"Ready?" tumango ako. Inalalayan nila akong makalabas. 

"Ok na po ma'am?" tanong ng wedding coordinator namin ni mylabs. 

Tumango lang ako at ngumiti bilang sagot. Iniwan na ako ni Greshel at Ate Crissy at pumunta sa upuan nila. Nakapag-simula na ang processional, ako na lang ang hinihintay. 

Mula dito sa kinatatayuan ko, natatanaw ko ang dalampasigan. At ang mga taong nakatingin sa'kin habang naka-ngiti. May aisle sa gitna papunta sa stage na nasa tubig. This is my dream wedding. Hindi ko alam pero bata pa lang ako pangarap ko na ang ikasal sa dalampasigan.

Lumakas ang kabog ng puso ko nang pumailanglang ang malamyos na musika. Mula dito kitang kita ko nang i-abot ni Jason kay mylabs ang isang microphone. 

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon