Thank you Spencerific sa pagsponsor!
ENJOY READING!
--------------------
Johnny's POV
Flowers! check
Chocolates! check
Human size teddy bear! check
Inamoy ko ang sarili ko. Check! Sinipat ko ang mukha ko sa salamin na nandito sa kotse ko. Check. Huminga muna ako ng malalim, nandito ako sa harap ng bakeshop ni mylabs. Langya grabe ang kaba ko para akong teenager na aamin ng nararamdaman sa crush ko.
Nung huling punta ko dito nilampasan lang ako ni mylabs wag naman sanang maulit yun. Ilang gabi ko ding dinamdam ang bagay na yon langya. Bago pa man ako tamaan ng kaduwagan ay bumaba na ako ng kotse dala ang mga pinamili ko para sa kanya.
Pagbukas ko pa lang ng glass door napatingin na agad ang ilang customers na nandito kasama na ang ilang mga estudyante na tumatambay dito.
Di nakaligtas sa pandinig ko ang ilang impit na tili nila na para bang sa kanila ko ibibigay itong mga dala ko.
"Good day sir! Welcome to forever sweets" bati ng mga empleyado ni mylabs. Ngumiti ako. Alam ko kilala na nila ako.
"Good day din nandyan na ba si Rea?" tanong ko, nagkatinginan lang sila para bang nag aalangan pa kung sasagutin nila ang tanong ko o hindi.
"May meeting si Miss Rea ngayon Sir and di namin alam kung dadaan sya ng bakeshop ngayong araw," napalingon ako kay Miss Dolores, sya ang manager dito.
"Ganun ba, maghihintay na lang ako," sagot ko at iniwan na sila para maupo sa isang bakanteng table na malapit sa glass window. Di ako dapat mawalan agad ng pag asa. Kung si Rea nga napagtiisan ako ng ilang taon. Kaya dapat ko ding ipakita sa kanya na kaya ko din syang suyuin kahit gaano pa katagal.
Lumipas ang mga oras nakailang tasa na din ako ng kape at nakailang slice ng cake. Wala man kasiguraduhan na dadaan sya ngayon dito susubukan ko pa din. Di ko naman sya pwedeng tawagan para itanong kung nasaan na sya dahil una sa lahat wala akong karapatan, pangalawa medyo masakit ma-who you aba naman.
Muli akong tumingin sa labas konti na lang papatak na ang ulan. May dala kaya syang payong? Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan pero nang mapatingin ako sa pinto pakiramdam ko biglang sumikat ang araw lalo na nang makapasok sya ng tuluyan.
Agad akong tumayo at inabutan sya ng panyo, nabasa sya ng ulan wala kasi syang dalang payong.
"Sabi ko naman sayo magdala ka ng payong di ba?" di ko pinansin ang masama nyang tingin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya at binalewala ang hawak kong panyo.
"Hinihintay ka, ah nga pala" mabilis akong tumakbo sa mesa na inuupuan ko kanina at kinuha ang mga dala ko.
"For you.." sabi ko ng makabalik ako sa harapan nya.
----------------------
Rea's POV
"For you.." tiningnan ko ang mga dala nya, isang human size teddy bear, flowers and chocolates.
"Hindi ko kailangan ang mga yan.." sabi ko at nilampasan sya pero agad din akong napahinto.
"Rea please...alam kong malaki ang kasalanan ko sayo, and all I want from you is a chance. Chance na itama ang mga nagawa kong mali, chance na maipakita sayo kung gaano kita kamahal, pumayag ka lang na ligawan kita kahit na tumagal pa nang one hundred years ang panliligaw ko sayo basta huwag mo lang akong itaboy palayo sa buhay mo!" malakas na sabi nya. Halos hindi ako makaibo sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto ko syang harapin, gusto ko syang hampasin sa dibdib. Gusto kong isigaw sa kanya na sa ginagawa nya lalo lang akong naguguluhan. Ok na ako eh, masaya na ako pero bakit kailangang maramdaman ko na naman ito?
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...