Rea's POV
Nasaan na ba yun? Kanina ko pa inaabangan si mylabs, ayon sa aking pag iimbistiga, maaga pumapasok ang jaguars dahil may everyday practice sila ng basketball..
Nakasanayan ko na guluhin muna si mylabs, bago ko simulan ang buong araw ko.. Simula nung song presentation namin sa mapeh at makita ko na may pag asa ako sa kanya dinoblehan ko pa ang pangungulit sa kanya.. Akala ko nga susuko na sya sa pagtatago ng feelings nya eh, pero nagkamali ako dahil kung minsan tinataguan nya ako. Pero dahil wala sa list of vocabulary ko ang salitang 'suko', di ko sya tinitigilan, pasasaan ba at magiging kami din.
Naniniwala ako, na ako talaga ang nakatadhana sa kanya, di ba nga kamukha nya yung future boyfriend ko. hehehe
Kaya yung mga duwag dyan, na di kayang humarap sa crush nila o sinisinta, may tinda ako dito na fighting spirit baka gusto nyong mag avail.
Biglang nagka-puso ang buong paligid ko ng mamataan ko si mylabs sa di kalayuan.. Ang gwapo talaga nya tae ang puso ko nagkikipaghampasan sa atay at apdo ko sa sobrang kilig. See? Kung gaano kalakas ang tama ko sa kanya, pati laman loob ko nagsasakalan dahil sa kagwapuhan nya.
"Mylaaaaabs!!"- malakas na sigaw ko. Napalingon naman sya sa gawi ko. Kumaway kaway pa ako para madali nya akong mapansin.
Bigla syang lumiko ng daan. Aba, talagang iiwas pa sya ha.. Di ka mananalo sakin mylabs, dahil ang pag ibig ko sayo ay parang abs-cbn mobile, happy lang walang ending..
Tumakbo ako para sundan sya...
"Reaaaa!!" di ko nilingon yung tumawag sakin. Mamaya na kayo takte, gusto kong mahawakan si mylabs kahit sa kamay lang, pampagana ng araw.
"Reaaaa!!" lumingon ako ng konti at nakita ko yung tatlong estudyante na nagpagawa sakin ng handouts. Naman eh, tiningnan ko ulit si mylabs, malapit na ako sa kanya nang biglang harangan ako ng limang estudyante..
"Rea, yung project ko? ngayon na ang pasa nun eh.."
"Wengya naman kayo eh, may morning momentum pa kami ni mylabs, alam nyo yung habulan portion? yun kami eh, tapos sinisira nyo, mamaya nyo na kunin, gagawin muna namin ni mylabs yung morning rituals namin.." reklamo ko, nakalapit na din yung tatlo pang humahabol sakin kanina..
"Anong morning rituals? Yung tatakbo sya tapos hahabulin mo?.." tanong nung isa..
"Oo yun nga, ganun kami mag exercise, palibhasa di kayo nag eexercise mga tae kayo.." bulyaw ko sa kanila..
"Langya, tibay mo Rea, di ka nasuko.." di ko pinansin ang komento nila. Paulit ulit na lang nila sinasabi ang bagay na yun. At ayoko na din ulitin na ang pagsuko ay para lang sa mga kriminal..
Napansin ko na naglapitan na din ang iba pa.. Takte talaga, tiningnan ko silang lahat.. Alam ko na kung anong sunod nilang sasabihin..
"Rea, kukunin ko na yung pinagawa ko.." -student 1.
"Ako din.."- student 2
"Yung sakin din.."-student 3
"Yung sakin handouts sa analytic"- student 4
"Sakin yung sa bio"
"Rea yung project ko sa marketing.."
"akin assignment sa math"
Sinimangutan ko silang lahat, panira ng moment ang mga 'to wengya.. Nagsimula ng magkagulo ang ilan sa kanila..
"Mga tae kayo! Nang dahil sa inyo di ko man lang nahawakan si Johnny my labs ko!!" sigaw ko sa kanila, yung iba ngumiti lang, sanay na sila sakin.. Kaasar talaga..
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Novela JuvenilJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...