Johnny's POV
Bakit ba, lagi na lang kaming tumatakbo at nagmamadali sa pagpasok tuwing umaga? Third year na kami at hanggang ngayon, ganito pa rin ang routine namin, wala na bang bago? Di ba pwedeng si captain naman ang nagmamadali araw araw at kami naman ang magpapahirap sa kanya pag nalate sya? Wengya!
Pagpasok ko sa gym, napakunot ang noo ko.. Tapos unti unting gumuhit ang ngiti ng tagumpay sa mga labi ko..
Sa wakas! First time in history naunahan namin si captaaaaaain!!!
*talon*
*talon*
*suntok sa hangin* whoa!
"At laaaaaast!! naunahan din natin si captain!" - di ko napigilan di sumigaw sa saya..
"Pfftt Spencer, nasa likod mo si captain.."- biglang nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Young..
"Pfftt"
Unti-unti akong lumingon, at muntik na akong himatayin sa takot... pero kasabay nun ang pagluwag ng hininga ko..
"Taenamo Young!.."- hinabol ko si bata, wengya, kala ko talaga nasa likod ko na si captain,..
"Hahahaha ang epic ng itsura ni Spencer taena.." - di magkamayaw sa pagtawa ang jaguars.. Aba ang mga gago ako agad ang nakitang pagtripan, pwede namang si Howard.. Bakit ako agad?
"Tungunu priceless mga tsong hahahah"-Gibson
"Sana pala vinideo ko taena hahaha.."- Fisher
"Sige lang tawa pa mga hayop kayo.." tumigil na ako sa kahahabol kay bata, wala akong mapapala sa kanya, mabilis talaga tumakbo ang gago -___-
"Magwarm na tayo, nandito na si Shield maya maya lang.." kumilos na kami pagkasabi nyan ni Montereal..
Kung itatanong nyo kung anong nangyari noong pabilhin ako ni captain ng tubig sa canteen, taena wag nyo ng itanong.. dahil di ako umabot sa tamang oras, salamat sa baliw na babaeng yun.. wengya katakot takot na limang daang free throw ang inabot ko.. T^T nakauwi na lahat ng jaguars at lubog na din ang araw pero ako nagpapashoot pa din ng bola takte bangungot.
"Bakit kaya late si captain?.." tanong ni Turner habang nag wawarm up..
"Yan din ang tanong naming lahat Turner, kaya wag ka ng umasang may sasagot dyan sa tanong mo gago.."- Miller
Habang nagbabanat ng buto, di ko napigilan na di isipin ang babaeng baliw at patuloy na nagpapabaliw sa puso ko.. Ano kayang ginagawa ngayon ng babaeng yun?
Bakit ganun? Kapag papunta ako dito sa school tuwing umaga ang bilis bilis ng oras, halos madapa na ako sa pagmamadali wag lang malate, pero kapag nandito na sa school ang bagal ng oras, lokohan lang? Wengya, gusto ko ng umatend ng klase.. Syempre para makita ko na ulit sya.. Kahit pa sagad hanggang buto ang kakulitan nya, gusto ko pa din syang makita..
Hayys, Nagsimula lang naman ito sa simpleng ngiti nya na naging dahilan ng pag ngiti ko ng di ko namamalayan..
Mga ilang minuto pa ay dumating na din si captain.. Lumapit sya samin. Teka tama ba ang nakikita ko? Nakangiti sya? Anong mabuting espirito ang sumanib sa kanya? Dapat na ba kaming magdiwang?
"Assemble everyone!"- maawtoridad na sigaw ni captain.. Agad naman kaming nag assemble, ganito talaga kami tuwing umaga, di pa ba kayo sanay?
"Ok, this will be the division of the players" - pinakita samin ni captain ang isang maliit na white board at doon nakasulat ang division ng players na tinutukoy nya..
Napakunot ang noo ko ng makita ang apelyido ni captain..
"Maglalaro ka din captain?" tanong ko, nakapag tatakang maglalaro sya ngayon gayong di naman nya ugaling sumabay ng laro samin maliban na lang kung may practice game laban sa ibang school o kaya naman ay nirequest ni coach..
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...