Johnny's POV
"Spencer!" sinalo ko yung bola na binato ni Young. Nagpapasahan kami ng bola. Nandito kami sa court, ngayong araw ang laro namin laban sa Eagles, hinihintay lang namin si coach at ang iba pa.
Kanina pa ako patingin tingin sa paligid. Ba't ba ang tagal ni mylabs? Tatlong araw na ang nakaraan simula ng ipakilala ko sya kayna mama at ipakilala nya ako kayna nanay.
Binato ko pabalik kay Young ang bola. Lumapit ako sa bag ko na nasa may bench, nadaanan ko pa sina captain at Hannah na naglalandian.
Naupo ako at tiningnan ang cellphone ko. Bakit di sya nagtetext? Sinimulan kong i-dial ang number nya.
"100 rounds around the court Dela Cruz!" narinig kong sigaw ni captain. I smirked. Ano na naman kayang ginawa ng gago?
Napatingin pa ako kay Dela Cruz ng simulan nitong tumakbo sa palibot ng court.
"Ang lagkit mo kasing tumingin kay captain, Dela Cruz bwahahaha" pang aasar ni Turner.. Napapailing na lang ako.
Napakunot ang noo ko ng customer service lang ang sumagot sa tawag ko. Out of coverage? Di ba nakapag charge si mylabs ng phone nya?
Binalik ko ang cellphone sa bag, papunta na din siguro yun dito. Sabi naman nya kagabi manunuod naman daw sya eh.
"Hahahaha sabi ko naman sayo Dela Cruz tayo na lang eh!" lumapit ako sa jaguars, pinag titripan nila si Dela Cruz.
"Ano ba ginawa ng hayop na yan?" tanong ko ng makalapit ako kay Turner.
"Pinagnanasahan si captain," sagot nya.
Tumawa ako ng bahagya.
"Pinagnanasahan o nakikitsismis?" paninigurado ko.
"Both," napalingon kami sa may entrance, pumasok si Jana at Miller.
Kasunod nila si Mychiel at Greshel. Inaasahan ko na ang sunod na papasok ay si mylabs. Pero lumipas ang sampong minuto wala pa ding Rea ang dumarating.
Medyo kinakabahan na ako wengya. Naupo ulit ako sa may bench at pinanuod ang pakikipag landian ng ibang jaguars.
"Johhny, pinapasabi ni Rea na baka sumunod na lang daw sya dun sa Adaipmil University.." napatingin ako kay Greshel.
What? Langya may nangyari ba kay mylabs?
Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng gym. Di ko na nilingon ang jaguars. Paglabas ko ng gym, nagkagulo pa ang ilang mga estudyante pero di ko sila pinansin. Aba syempre, girlfriend ko muna bago sila.
Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa room, yun agad ang naisip kong puntahan.
Pagpasok ko sa loob, nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sya. Abala sya sa pagsusulat. Tiningnan ko ang ibang estudyane na nandito, mukhang may exam sila.
Nilapitan ko si prof.
"Prof. Didn't you know that Miss Snyder is part of basketball team?" tanong ko.
Mukhang nagulat pa syang makita ako dito, napakunot ang noo nya. Mukhang iniisip pa nyang mabuti.
"Ah yes nabanggit nga sakin ni coach Roger" he answered afterwards.
I smiled.
"Pwede ko na po bang sunduin? Di po kasi ako makakalaro ng wala sya sa paningin ko eh," Sabi ko at tiningnan si mylabs. Abala pa din sya sa pagsasagot sa exam nya.
Binalik ko ang tingin kay prof nakangiti sya habang napapailing. Napakamot ako sa batok.
Totoo naman, si mylabs ang pinaghuhugutan ko ng lakas. *wink*
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...