Rea's POV
"Damn!" Hinawakan ko si mylabs sa braso at marahan na hinarap sakin, nandito na kami sa apartment ko kakauwi lang namin kahapon mula sa Hacienda Adaipmil.
Tiningnan ko sya sa mga mata.
"Ok lang, makikita mo din si Siopao soon." sabi ko, pero di pa din nawawala ang pagka irita sa mukha nya. Gusto nya kasing sumama sakin, uuwi kasi ako sa probinsya para dalawin si Siopao, kaya lang nakatanggap sya ng tawag galing sa dad nya na nagkaron daw ng problema sa company nila dito sa pilipinas, hindi daw agad makabalik ang parents nya dahil may mahalagang bagay na inaasikaso sa ibang bansa kaya sa kanya muna pinapaayos, ngayon ko lang nalaman na kaya na pala ni mylabs humawak ng isang corporation.
Biglang lumiit ang tingin ko sa sarili ko bilang girlfriend nya. Pero naisip ko din na wala man akong salapi at kayamanan, tunay at tapat naman ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya.
Ngumiti ako at hinawakan ang nakasimangot na mukha ng boyfriend ko.
"Ganito na lang, ipapakiusap na lang kita kay Siopao pagdating ko dun" naramdaman ko ang mga kamay nya sa beywang ko.
"Di lang naman yun ang dahilan kung bakit naasar ako ng ganito, una oo gusto kong makilala si Siopao, pangalawa, ayokong malayo ka sakin, ngayon pa lang namimiss na kita" biglang nag init ang mukha ko sa sinabi nya. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na mahal ako ng lalaking hinahabol habol ko lang noon.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit na labi nya sa noo ko.
"Mag iingat ka doon, pasabi kay Siopao maglalaro kaming dalawa ng basketball pag nagkita kami," narinig kong sabi nya. I smiled.
Napaka-swerte ko sa kanya. Tumango ako bilang sagot at tiningnan sya.
"Mamimiss kita mylabs," sabi ko at nginitian sya, limang araw kasi ako dun. Sumimangot na naman sya.
Di na ako nagdalawang isip pa, tinawid ko ang pagitan naming dalawa, tumiyad ako at hinalikan sya. Nakita ko pa ang paglaki ng mata nya bago ko pinikit ang mga mata ko, at ng makabawi sya sa pagkabigla naramdaman ko ang pagtugon nya.
***
"I will, tss" binaba ni mylabs ang tawag, nasa byahe na kami ngayon, ihahatid nya ako sa terminal ng bus.
"Dammit! Sinasagad ng taenang problema ng kumpanya ang pasensya ko," mahinang sabi nya pero narinig ko pa din.
"Ok ka lang ba?" tanong ko, nilingon nya ako ng bahagya.
"Gusto sana kitang ihatid hanggang sa probinsya nyo mylabs, kaya lang sabi ni dad nagpatawag na daw sya ng urgent meeting, at kailangan na ako dun," naaasar na sabi.
"Sus, kala ko ba nagkalinawan na tayo kanina, bat naasar ka pa din," nginitian ko sya.
"Gusto ko lang makasigurado na safe kang makakarating doon," sagot nya, heto na naman yung kilig naglipadan na naman ang mga paro paro sa tiyan ko.
"Tatawagan agad kita pagkarating na pagkarating ko doon," sabi ko na lang para hindi na sya mag alala pa.
Pagdating namin sa terminal ng bus, gusto kong matawa dahil ayaw nyang bitiwan ang kamay ko.
---------------------------
Johnny's POV
Fvck! Kung bakit naman kasi wrong timing ang pagkakaron ng problema ng kumpanya. Di ko magawang bitiwan ang kamay ni mylabs, nandito kami ngayon sa terminal.
"Mylabs maiiwan na ako ng trip," nginitian ako ni Rea, damn! limang araw kong di makikita ang mga ngiting yun.
"Tawagan mo 'ko agad pagdating na pagdating mo doon mylabs," I said sabay hila sa kanya para mayakap sya ng mahigpit. Limang araw lang Johhny, limang araw lang. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. 'Tang*na magbabakasyon lang sya at hindi ka iiwan ng tuluyan,' sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...