FAQ's

24.8K 435 80
                                    

FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Ate Yna ano ba talagang nangyari kay Freya?

👉 Ito yung tanong na lagi nyong tinatanong na hindi ko naman din dito sasagutin wengya edi kapag sinabi ko wala ng thrill sa Beats of Heartbeat. Kalma lang tayo ha. Malalaman nyo din yan. Mawawasak din ang puso nyo katulad ng pagkawasak ng puso ni Young. Be updated na lang po sa BOH.  Yieeeee I'm so excited.

Ate Yna pwede po bang lagyan nyo ng book 2 ang Kiss Back and You're Mine at saka po itong My Pick Up Girl?

👉Wengya ang tagal ko na nga mag update humihingi pa kayo ng book 2. Yung tataa ayaw nyo pa ba matapos ang Jaguars' Series? Pasensya na po pero sa ngayon hindi ko pa po masasabi kung malalagyan ko ba ng book 2 ang mga story na natapos ko na.

Miss A, available pa din po ba ang book ng KBAYM? Paano po umorder? At magkano po?

👉Yes po. Tumatanggap pa din po kami ng orders. Add nyo lang po ako sa facebook o di kaya naman po ay i-like ang page ng Immac One Stop Shop. Mayroon po doon na details kung paano umorder.

Ynay mapu-published din po ba itong MPUG?

👉 Yieeeeee 😍😍 bakit alam mo agad? Yes po, SOON TO SELF PUBLISHED na po ito. Sana makumpleto ninyo ang collection ng books ng Jaguars. Kaya simulan natin ang pagbili sa KBAYM ha. And hopefully magkita kita tayo sa MIBF this year.

Miss Author maglalagay ka din po ba ng special chapter dito sa MPUG?

👉 To be honest po, pinag-isipan kong mabuti ang sagot sa tanong na ito. And my answer is YES. Maglalagay po ako ng special chapter sa MPUG pero sa book version na po para mas bongga. Hahaha so meaning wala dito sa wattpad kundi sa book ko ilalagay ang special chapter. So start na tayo mag-ipon para sa MPUG.

Ate kailan mo po itutuloy ang kwento ni Kevin?

👉 Eto na nga po itutuloy na, nabwelo na ako kaya kalma lang ha😂

Ate kailan ka po mag-uupdate sa story ni Howard? Bitin po talaga.

👉 after 3 years pa siguro. Chos hahah wengya isa isa lang naman nag-iisa lang ako madami kayo. Sapakan na lang ano? Hahaha joke. Pero seriously wag nyo ako ipressure para naman maganda ang bawat update ko di ba? At talagang bitin po 'yon dahil masarap ibitin ang bida este dahil ongoing pa po talaga ang story. Kung hindi na po kayo makapaghintay sige po kayo na po ang magtuloy. Charot hahaha

Miss Author totoo po ba na 13 yrs lang po kayo?

👉 Walanjo apat na taon na ang nakakaraan eto pa din ang tanong nyo? Joke lang yang 13 years old na yan. 21 yrs old po ako noong isinulat ko ang KBAYM at 25 na ako ngayon. May poging asawa na ako at may magandang anak, kaya please lang mag move on na kayo sa age ko ha. Hindi ako galit nagpapaliwanag lang hahahaha.

Author pwede pong akin na lang si Howard? Aalagaan ko po sya ng maayos at mamahalin ng sobra.

👉 sige lang at ng makatipid naman kami sa pagkain.

Ate kailan mo po sisimulan ang story ng ibang Jaguars?

👉 sarap nyong tsenelasin sa mukha. Mygawd hahahaha kalma lang tayo ha. Ano ba gusto nyo? Sabay sabay ko silang isulat pero isang beses lang sa isang buwan ang update? Gusto nyo 'yon? O kaya naman isang story muna para medyo mabilis ang update?

KUNG MAY MGA KATANUNGAN PA PO KAYO NA HINDI NAPASAMA DITO FEEL FREE TO COMMENT DOWN YOUR QUESTIONS PO. At buong puso ko itong sasagutin. Wag lang Math ha baka duguin ang utak ni Howar-------ni Burns tama ni Burns nga muntik ko na malimutan wala nga palang utak si Howard.

-Miss_Yna

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon