(PART 2) Pick Up 50: "Let me be your Super Hero"

43.8K 1.3K 511
                                    

Thank you sa Prutas Dolores :*

----------------------------

Johnny's POV

Pagkatapos kong makuha ang room number ni pareng Ryle agad ko syang pinuntahan.

Inaasahan ko na nandito si Rea pero wala sya. Nilapitan ko si Ryle na mahimbing na natutulog sa kama. May mga kung ano anong aparato ang nakakabit sa kanya.

Di ko napigilan ang mga luha ko. Tang*na ang tanga ko bakit di ko man lang nalaman na si Ryle pala ay si Siopao ang kapatid ng nag iisang babaeng mahal na mahal ko.

Bigla kong naalala ang mga kwento nya sa'kin tungkol sa ate nya at kung paano gabi gabing umiiyak ang ate nya dahil sa ginawa ko.

"Gabi gabi ko syang naririnig na umiiyak, alam ko sobrang nasaktan ang ate ko.. Bakit kailangan nyang masaktan ng sobra kung kagustuhan lang naman niya na mailigtas ang buhay ko? Bakit napaka-lupit ng buhay? Mabuting tao ang ate ko, pero bakit kailangan nyang masaktan ng ganito?"

Bumabalik sa ala-ala ko ang mga katanungan niya.

Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kasalanan ko kung bakit sya nasaktan. Pakiramdam ko hindi ko na deserve ang pagmamahal ni Rea. Tiningnan ko si pareng Ryle. Napakabata pa nya para maramdaman ang kalupitan ng mundo.

"Siopao I'm so sorry" hinawakan ko ang kanang kamay nya "Ako ang may kasalanan kung bakit nasaktan ang ate mo, ako rin ang may kasalanan kung bakit ka nasasaktan sa tuwing umiiyak ang ate mo"

Kahit ako galit ako sa sarili ko napakagago ko. Yumuko ako at di mapigilan ang pag iyak.Lalo na sa tuwing bumabalik sa ala-ala ko kung paano ko pinagtabuyan palayo si Rea noon. Wala akong kaalam alam na kailangang kailangan pala nya ng tulong ng mga panahong yun. Pero anong ginawa ko? Minaliit ko sya, sinabihan ng desparada at mukhang pera, nakapaka-gago ko. Inuna ko pa ang sarili ko noong mga panahong yun. Alam kong huli na para pagsisihan ang lahat ng 'yon ngayon pero di ko lang mapigilan na magalit ulit sa sarili ko ngayon.

Ako dapat ang karamay nilang magkapatid, ako dapat ang nag aalaga sa kanila, ako dapat ang nagpupunas sa mga luha ng babaeng mahal ko noong mga panahon di na nya alam ang gagawin pero anong ginawa ko?

"P-pareng Jay?" Unti unti kong inangat ang ulo ko. Agad kong pinunasan ang luha ko.

"Pareng Ryle,kamusta ang pakiramdam mo, may masakit ba sayo? Saan?" nag aalalang tanong ko. Pero isang ngiti lang ang sinagot nya sa'kin.

"Pasensya ka na pareng Jay di ako nakapunta sa usapan natin.." nakangiting sabi nya. "Wag kang mag alala ipapakilala ko pa din si Ate Rara sayo"

Bago pa man ako muling makapag salita biglang bumukas ang pinto at sa paglingon ko bumungad sa akin ang babaeng nasaktan ko ng sobra.

Gulat at pagtataka ang nababasa ko sa mga mata nya, halatang galing sya sa pag iyak dahil namumugto pa ang mga iyon.

"Ate Rara..." tawag ni Ryle sa kanya.

"S-siopao" nilapitan nya ang kapatid. Hindi nakaligtas sa 'kin ang masamang tingin nya at ang katanungan sa mga mata nya, marahil ay nagtataka sya kung bakit ako nandito ngayon.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong nya sa kapatid.

"Maayos na ako ate, gusto ko nga pala ipakilala sayo itong si Pareng Jay ko, sya yung lagi kong kinukwento sayo"

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon