(PART 2) Pick Up 42: Two Years Later

53.5K 1.5K 109
                                    

Siopao's POV

"Ate Rara! Grabe! Ang sarap mo talaga magbake ng cake!" masiglang sabi ko. Nandito kami ngayon ni ate Rara sa isa sa mga bake shop nya dito sa america. We've been here for 2 years, pero sa loob ng 2 years na yun, di ko na nakita ang totoong ngiti ng ate ko. 

Umuwi sya ng Pilipinas 2 years ago para kausapin si Kuya Johnny, di ko alam kung anong nangyari basta pagbalik nya dito sa america, walang gabing hindi ko naririnig ang pag-iyak nya. 

Minsan di ko mapigilan na di sisihin ang sarili ko sa nangyayari sa mahal kong ate. Dahil sa 'kin nawala ang lalaking mahal nya. 

"Syempre ikaw ang main ingredient nyan eh," nakangiting sabi ni Ate Rara. Nginitian ko sya. Gusto ko syang maging masaya ulit, kaya lang hindi ko alam kung paano. Isa lang akong bata, maaring may kalaliman ako kung mag-isip pero di pa rin maaalis na isa lang akong bata. At hindi ko alam kung paano sya muling papasayahin. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para mapangiti sya, di ako umaalis sa tabi nya,ganun din naman sya sa 'kin. 

Sobrang mahal na mahal ko ang ate Rara ko. 

Bigla akong napatingin sa entrance ng bakeshop ng mamataan ko si lola. 

"Momscake!" tumayo ako at patakbong lumapit kay Lola Rossa.

"Mahal kong apo," niyakap nya ako. "Kanina pa ba kayo?" tanong nya. 

"Hindi naman po 'la," sagot ni Ate Rara na nakalapit na pala sa 'min. Nagmano sya kay lola. 

Ito nga pala si Lola Rosa namin, momscake ang tawag ko sa kanya, matakaw din kasi sya sa cake tulad ko, sya ang ina ni tatay, ayon sa kwento ni Ate, si momscake ang tumulong sa 'min nung panahon na kailangan na kailangan namin ng tulong. Mabait yang lola ko na yan, sya nga ang tumulong kay Ate Rara na maipatayo itong dream business niya eh. 

"May nagpadala pala nito sa bahay kanina," sabi ni lola ng makaupo ulit kami, may inilabas sya galing sa bag nya, sumubo naman ako ng masarap ni cake. Kinuha ni Ate Rara yung inabot ni lola. 

"Invitation?" takhang tanong ni Ate. 

"Mukha bang laptop ate?" biro ko, natawa si lola sa sinabi ko. Ginulo naman ni ate Rara ang buhok ko. 

"Alam kong invitation 'to Siopao, what I mean is invitation ng ano.." paliwanag nya. Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis. Napapailing na binuksan nya ang invitation, tiningnan kong mabuti ang reaksyon nya. 

Bigla syang napangiti. 

"Ano Ate?" tanong ko at hinihintay ang sasabihin nya, gusto ko din kasing malaman kung ano ang nakasulat doon. 

"Invitation para sa kasal ni captain Shield at Hannah," sagot nya, kasabay nun ang unti unting pagkawala ng ngiti nya. Sumubo ulit ako ng cake, at tiningnan mabuti kung paano unti unting natulala si Ate Rara. Alam kong iniisip nya kung paano nya haharapin si kuya Johnny. Minsan di ko mapigilan di magalit kay kuya Johnny, wala man akong alam sa nangyari sa kanila. Pero sapat bang saktan nya ang ate ko? 

Nangako ako sa sarili ko na hindi ako aalis sa tabi nya kahit anong mangyari, pilit akong lalaban para sa kanya. Ayaw ko syang makitang ganyan, nasasaktan at nalulungkot. 

"Ready na ba kayong bumalik ng Pilipinas?" maya maya ay tanong ni momscake. Oo nga pala babalik na kami ng pilipinas bukas. 

"Basta promise mo momscake susunod ka ha," nagpapuppy eyes ako kay lola. Ginulo nya ang buhok ko at binalingan si Ate Rara. 

"Susunod in agad ako sa inyo doon, we will live their for good," sabi ni momscake, pinong ngiti lang ang sinagot ni Ate Rara. 

-----------------------

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon