Rea's POV
"Rea! Tara na!" mas binilisan ko ang kilos dahil kanina pa sumisigaw sa labas ng kwarto ko si Izrah, kapatid ni Elvin. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko.
"Finally!" excited na sabi nya at hinawakan ako sa kamay, kulang na lang ay gumulong ako sa hagdan dahil sa mabilis na paghila n'ya sa'kin pababa.
Pagdating namin sa living room, bumungad sa akin ang iba pa, sina Tina, Greshel, Mychiel, Jana at si Hannah na medyo malaki na ang tiyan. Kung di ako nagkakamali ay nasa anim o pitong buwan na ang tiyan nya. Alanganin akong ngumiti sa kanila. Aaminin ko nagulat ako nang makita ko sila dahil si Izrah lang naman ang nag-chat sa'kin na sasabay papunta sa venue kung saan gaganapin ang fashion show event ni Ate Crissy.
Ate Crissy invited me to her newest fashion show event for her new designs. Sinabi din nya na inimbitahan daw nya lahat ng girls ng barkada kaya naman pumayag ako, reunion na din, di naman nila ako ininform na susunduin nila ako.
"Nice dress Rea" tiningnan ko ang sarili ko at ang dress na suot ko, its off shoulder red dress at tinernohan ko ng high heels Nabanggit kasi ni ate Crissy na may dress code daw. Red and black.
"Let's go?" tumango ako kay Hannah. At nagsitayuan naman silang lahat. Natutuwa ako dahil mga kaibigan ko sila.
Paglabas namin ng gate bumungad na sa amin ang isang van, malaki ito at mukhang bago. Isa isa na kaming sumakay.
Wala si Siopao sa bahay dahil maaga syang sinundo ni mylabs may pupuntahan lang daw sila, ayaw pa nga nilang sabihin sa akin kung saan sila pupunta mga pasaway talaga.
Habang nasa byahe ay nagtext muna ako kay mylabs.
[On our way to the event] inform ko kay Johnny, nasabi ko na sa kanya kagabi na may pupuntahan ako ngayong araw.
[Take care mylabs. I missed you already] di ko napigilan di mapangiti sa reply nya.
[Magkasama lang tayo kagabi Spencer]
[I know. Namimiss kasi kita bawat segundo] tae kinikilig ako.
[Kamusta pala si Ren?] Pag-iiba ko.
[Ok naman s'ya, ayon busy sa pamimingwit ng isda] so namimingwit pala sila ng isda huh?
[sige na mylabs, mukhang may nahuli na si Ren. Ingat ka mylabs mahal na mahal kita] pagpapaalam nya. Hindi na ako nagreply.
Ilang minuto pa ay narating din namin ang venue kung saan gaganapin fashion show event. Hindi na ako nagulat nang makitang mga sikat at kilalang personalidad ang nandito ngayon. Sa pagkakaalam ko sikat na sikat si Ate Crissy bilang isang designer, hindi ito ang unang pagkakataon na magkakaroon sya ng sariling fashion show para sa mga bago nyang designs.
Kapansin pansin ang mga camera malapit sa may stage. Naupo na kami dahil malapit nang magsimula ang event.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may nakatutok sa'kin na camera. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, mga busy ang tao. Imagination ko lang siguro.
---------------------
Kevin's POV
"Captain di ka na pwedeng umatras pa, ito na ang napag-usapan di ba?" narinig kong sabi ni Spencer.
Nandito kami sa back stage kung saan gaganapin ang newest fashion show event ni Crissy. Abala sa pagpapa-body paint sa parteng tiyan ang lahat ng jaguars, maliban kay captain na nagdadalawang isip pa yata. Ang naka-assign na letra sa kin ay Y.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...