Johnny's POV
Nandito kami ngayon sa mansyon nina Hannah, ngayong araw ang labas ni Tina sa ospital, nandito kaming lahat para sabay sabay na salubungin ang paglabas ni ms.manager, para na din sunduin si Hannah at magkakasamang pumunta ng ospital.. Isang linggo na ang nakaraan simula nung nagkatampuhan kami ni Rea..
Tiningnan ko si mylabs, nasa tabi ko sya ngayon, napakunot ang noo ko ng mapansing titig na titig sya sa mga katulong na nagseserve samin ngayon ng meryenda.. Ano na naman kayang tumatakbo sa isip ng raketera kong girlfriend?
"Ano na naman ang tumatakbo sa isip mo mylabs?" tanong ko.. Lumingon sya sakin.
"Bakit mylabs, ramdam mo na ba ang pagod?" napakunot ang noo ko.. Pagod? Pagod saan?
"Pagod? Anong pagod ang sinasabi mo dyan?" tanong ko, di ba nya alam na kahit kelan di ako mapapagod pag dating sa kanya..
"Kala ko kasi ramdam mo na ang pagod, kanina ka pa kasing tumatakbo sa isip ko.." automatic na gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko dahil sa sinabi nya wengya banat pala..
"Bumanat na naman si Rea.." komento ni Turner..
"Matamis pa ang banat na mo sa cake na 'to ate Rea, tara sa pluto magkakape.." sabi naman ng kapatid ni Howard habang ngumunguya ng cake na siniserve ng mga katulong.
"Magkakape ka na nga lang sa pluto pa?" sagot ni Rea.. Masaya ako dahil, isang tulad nya ang binigay sakin ng Diyos. I smiled, ang swerte ko. Isang unique na girlfriend ang meron ako.
"Pero, seryoso my labs, ang iniisip ko talaga kanina ay mag apply dito kayna Hannah bilang katulong, palagay ko kasi malaki sweldo dito tapos ang ganda pa ng uniform tapo---" di na nya natuloy ang sasabihin nya ng mapansing natulala na sa kanya ang jaguars.
"bwahahaha" nag umpisa ng magtawanan ang lahat.. Di ko sila masisisi, iba kasi mag isip itong babaeng minahal ko eh.. Pero nauunawaan ko na sya. At napag usapan na namin yan, ang pagiging raketera nya..
Flashback
Dapat na ba akong magpagawa ng bahay namin? Langya, the best ang feeling mga dre dahil nasa iisang bubong kami at kami lang dalawa. Nung kumakain kaming dalawa at pinagsisibilhan nya ako, bigla kong nakita ang future, kasama sya.
"Lakas ng tama ng adobo, ano mylabs? Natutulala ka eh.." narinig kong sabi nya.
Nagpupunas sya ng kamay, katatapos lang nyang maghugas ng pinggan. Ngumiti ako, naalala ko na naman yung lasa nung adobo, wengya yun na ang paborito kong ulam simula ngayon, lalo na kung luto nya.
Naupo sya sa tabi ko.
"About dun sa pagkanta ko sa lamay mylabs, pinakiusapan lang ako ni aleng Nena, wala daw kasing makita na pwedeng kumanta yung namatayan, kaya pinakiusapan nya akong kumanta dahil nakita na daw nya akong nagigitara at kumakanta, eh naisip ko kawawa naman yung namatayan, tapos dagdag kita na din kaya tinanggap ko na.." umpisang paliwanag nya di pa man ako nagtatanong.
"Aling Nena? Sinong aling Nena?" tanong ko..
"Si Aling Nena? Sya yung may ari ng malaking tindahan sa kabilang barangay, tumatanggap ako ng labada mula sa kanya kung minsan.."
Heto na naman yung inis na naramdaman ko. Di ko napigilan ang pag tiim ng bagang ko, wengya naglalabada din sya? Pinigilan ko ang sarili ko at sinabing dapat ko syang unawain.
Nagbilang muna ako hanggang lima bago ako muling nagtanong.
"Ano pa bang mga raket mo sa buhay mylabs?" kalmadong tanong ko..
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...