I dedicate this last chapter to @Vhiie_Ylw thank you so much nak 😘
==========Johnny's POV
"Anong oras daw sila dadating mylabs?"
"On the way na din siguro sila mylabs, 4 pm kasi ang call time na binigay ni captain" sagot ko habang sinusuot ang damit ko. Kakatapos lang namin maligo mag-asawa. Dadating ang Jaguars ngayong hapon kasama ang mga asawa at anak nila. Napagpasyahan na dito na lang ganapin ang 1st Anniversary ng JAGUARS CORPORATION at konting business meeting.
Its been 2 years and 8 months at ang dami na ng nangyari sa loob ng mga panahong 'yon.
Nilapitan ko ang asawa ko nang mapansin kong nahihirapan syang itali ang sandals nya. Naupo ako sa paanan nya at tinali 'yon. Tiningnan ko ang namimilog nyang tiyan.
"Hello baby, dadating dito ang mga ninong at ninang mo" hinalikan ko ang tiyan ng asawa ko, hinawakan ko ang kamay nya ng haplusin nya ang kanang pisngi ko.
"Thank you" hindi ko maiwasan na laging magpasalamat sa kanya dahil dumating sya sa buhay ko.
Nagpapasalamat din ako sa Diyos dahil kahit natagalan man bago nagbuntis ang asawa ko, ipinagkaloob pa din sa amin ang isang anak.
"Ako ang dapat magsalamat sa'yo dahil sa labis labis na pag-aalaga mo sa amin ni baby" nginitian ko sya. Napaka-swerte ko dahil napakabait ng asawa ko.
Tinulungan ko syang magbihis dahil medyo malaki na ang tiyan nya.
"Napaka-ganda mo mylabs" seryosong sabi ko.
"Pwede ba Johnny, nakikita mo 'tong malaking tiyan kong ito? Hindi ko pa nga nailalabas ito, baka masundan mo na agad" natatawang niyakap ko na lang sya. Nagsusungit na naman ang asawa ko.
"Halika na baka dumating na sila" inalalayan ko syang makababa hanggang sa makalabas ng bahay.
"Ok na ba lahat?" tanong ko sa ilang mga tauhan namin dito sa resort.
"Yes sir. Ok na din po ang mga food. May ilang putahe na lang po ang niluluto" sagot ng pinaka-manager. Tinapik ko ang balikat nya at pinasalamatan din ang iba pa.
"Sir! Dumating na po sila" anunsyo ng isa sa mga tauhan namin.
"Yo! Spencer! Long time no see!" sinalubong ko sina Burns, nakipag-brohug ako sa kanila.
"Laki na ng tiyan mo ate Rea" nilingon ko na Izrah, girlfriend ni Sunog.
"Oo, lalabas na sya next month" nakangiting sagot ng asawa ko.
Di nagtagal dumating na din ang iba pang Jaguars.
Agad akong niyakap ni Howard. Ano na naman bang problema ng gagong 'to?
"WaaahH Spencer huhuhu!"
"Problema mong hayop ka?"
"Napanaginipan kita kagabi. Nakaupo ka sa tabi ng ilog, nag-iisa at mukhang mabigat ang loob."
"Oh tapos?" Tanong ko.
"Lalapitan sana kita at yayakapin. Pero bigla kang tumayo...
at naghugas ng puwet."Akmang uupakan ko sya kaya lang nakalayo na ang gago habang panay ang tawa. Inakbayan nya ang kasama nyang babae. Si Jane. Fiance nya.
"Tito Johnny!" Napatingin ako sa batang sumigaw. Si Xena ang panganay na anak ni Xevier at Tina.
Agad ko syang binuhat.
"I miss you and Tita Rea. Di na po kayo bumibisita sa bahay" nauutal na sabi nya. Inakbayan ko naman ang asawa ko.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...