Johnny's POV
A week after, unti unti ng bumabalik ang lahat sa dati, matapos yung mga nangyari kay captain at Hannah, nalaman namin na nakita pala ni Hannah si captain na may kahalikang iba, nagpaliwanag naman si captain tungkol sa bagay na yun. Masaya ako dahil unti-unti ng bumabalik ang sigla ng bawat isa..
Si captain nakita namin ang effort nya na makabawi kay Hannah, nagshare nga pala sya saming mga jaguars tungkol sa napag usapan nila ng dad ni Hannah at lahat kami nagulat dahil ang tindi pala ng pinagdaanan ni captain, kung ako yun di ko kakayanin yun.. Pero dahil iba ang personality ni captain, kinakalaban nya ngayon ang future father in law nya, taga-suporta na lang kami, yun lang muna ang kaya namin gawin, takot kasi kami kay Mr. Adaipmil, aba sinong di matatakot doon? Pinagbagsak nya ang isang underground organization, Tang*na kami pa ba di mapagbasak nun? Eh hamak na mga gwapo lang kami.. *wink*
"Nung sinabi ko sa sarili ko na di na kita mahal nabusog ako" narinig kong sabi ni captain kay Hannah.. Nandito kami ngayon sa gym, may meeting kami ngayon hinihintay lang namin si coach..
"nabusog? bakit?" nagtatakang tanong ni Hannah.. Tumahimik kaming lahat at hinintay ang sunod na sasabihin ni captain..
"Kasi kinain ko lahat ng sinabi ko" sagot ni captain..
"Yan ang banat hahaha! alam na kung sino ang nagturo!" sigaw ni Xevier.. Nagtawanan kami pero katakot takot na glare ang natanggap namin kay captain kaya nagsitahimikan din lahat..
Balik tayo dun sa sinasabi ko..
Si Tina ok na sya, nakabalik na sya ng school kaya lang napansin namin na parang may nililihim sila ni Xevier, at yan ang pilit na inaalam ng jaguars.
Si Jason at Greshel naman, ok naman sila.
si Tristan at Mychiel? teka ano na nga bang standing nung dalawa?
Teka lang ah..
"Tristan, ano na nga ang lagay nyo ni Mychiel?"
"Nasa ligawan stage pa lang, wag mo kaming itulad sa inyo hindi uso ang ligaw" sagot ni Tristan..
"Turner 100 push ups" biglang sabi ni captain,
"captain naman, di naman kayo ni Hannah ang tinutukoy ko eh itong si——" di na natuloy ni Tristan ang sasabihin..
"make it 200" sabi ulit ni captain without looking at Tristan..
"Pfffffftt hahahahaha reklamo pa more Turner" pang asar ni Jason,
"Gago" sabi ni Tristan at inumpisahan na ang pagpupush up.. Pero bago yun tiningnan muna nya ako ng masama..
I smirked. Bawi bawi lang din pag may time..
So ayun nasa ligawan stage pa daw sila..
Si Izrah at joel? Aba wag nyo ng itanong dahil sasakit lang ang ulo nyo, parang aso't pusa kung magbangayan, kahit si Elvin nga walang magawa sa kapatid nya eh..
Si Jonathan naman, nanliligaw na kay captain, oo kay captain talaga aba syempre kailangan daw pumasa muna si Miller kay captain bago sya tuluyang makaporma kay Jana, kawawang Miller, lagi na ngang tulala kakaisip kay Jana, pinapahirapan pa ni captain. Ang pag ibig nga naman..
Buti ako, walang problema kay mylabs ko. Puro kilig at pagmamahal ang binibigay nya sakin eh.
BZZZZZTT
Ayan nagtext na sya.
From: My Rea <3
My labs, pwde ba na wag mo ako msyadong patakbuhin sa isip mo? Hinahapo kasi ako.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...