Rea's POV
Nagising ako dahil sa pakiramdam na may humahalik sa pisngi ko.
Pagmulat ng mata ko automatic ang pag guhit ng ngiti sa labi ko.
"Good morning ate Rara!" masiglang bati ni Siopao.
"Good morning din sa pinaka-cute na Siopao sa buong mundo" nakangiting bati ko. At bago pa man sya magsalita ulit ay niyakap ko na sya, pagkatapos ay kiniliti.
"Hahahaha tama na ate Rara, pffftt hahahaha" namiss ko ang tunog ng tawa nya.
Tumigil lang ako sa pagkiliti sa kanya ng makarinig kami ng katok sa pinto, bumukas yun at niluwa si tiyang.
"Bumangon na kayo dyan at ng makapag-almusal na tayo," nakangiting sabi nya.
"Sige po tiyang susunod na lang po kami,"sagot ni Siopao, nagkatinginan kami ni tiyang.
Ayan na naman sya sa pag akto na matanda na sya.
"Oh sya sige sige ayusin nyo na ang sarili nyo at bilisan nyo't baka lumamig ang pagkain," natatawang sabi ni tiyang bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Maghilamos ka na bata batuta," baling ko sa kapatid ko, at inumpasahan kong ayusin ang hinagaan namin.
"Namiss kita Ate Rara," niyakap ako ni Siopao sa bewang, naupo ako para maging magkasing pantay kami.
"Mas namiss kita, lagi kang iniisip ni ate," sabi ko. Gusto kong matawa ng bigla nya akong pitikin sa noo.
"Liar, eh di ba si Mylabs mo nasa isip mo lagi"
"Syempre dalawa kayo," malawak ang ngiting sagot ko.
"Di mo pa sya pinapakilala sakin," nakangusong sabi nya, "Di ko pa sya nakikilatis, di ko pa binibigay ang basbas ko sa kanya,"
Di ko na napigilan, natawa na ako ng tuluyan, seryosong seryoso kasi ang itsura nya, parang hindi sya 7 years old.
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Nag dial ako, habang hinihintay kong sagutin ni mylabs ang tawag ko, tiningnan ko si Siopao na matamang nakatingin sakin with matching cross arm pa, di ko mapigilan ang ngiti ko.
[Damn! Mylabs! Bakit ngayon ka lang tumawag? Hindi mo ba alam na halos mabaliw ako sa pag iisip sayo, hindi ko alam kung nakauwi ka ba ng maayos o ano] bungad agad sakin ni Johnny.
Oo nga pala, sabi ko nga pala sa kanya na tatawagan ko sya pagkarating ko dito sa sagada.
"Pasensya ka na mylabs," hinging paumanhin ko. Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya, mukhang pinag alala ko nga yata sya ng husto.
[Nasa inyo ka na ba? Kamusta ang byahe mo? Kasama mo na ba si Siopao?] sunod sunod na tanong nya. I smiled.
"Ok naman po ang naging byahe ko, at kasama ko na din ngayon si Siopao, actually gusto ka nyang makausap mylabs," sabi ko sabay tingin kay Siopao na ngayon ay kunot na kunot ang noo.
[Talaga?] nahimigan ko pa ang excitement sa boses ni mylabs. Alam kong tulad ng kapatid ko gusto na din syang makilala nito.
Nakangiting inabot ko kay Siopao ang cellphone ko. Tinanggap naman nya yun.
"Hello, ikaw ba yung mylabs ni ate Rara?"
-----------------------------
Johnny's POV
[Hello, ikaw ba yung mylabs ni ate Rara?] weird pero bigla akong kinabahan, pakiramdam ko makikipag usap ako sa tatay ng babaeng mahal ko.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Ficção AdolescenteJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...