(PART 2) Pick Up 45: The Letter broke us...

59.4K 1.8K 483
                                    

Sa sobrang tagal nito, panis na.. sana lang ma-enjoy nyo pa din. 

HAPPY MOTMOT sa OP ni Joel at Jenny, yieeeeee! Stay strong, dadating din ang pagsubok wait nyo lang hahahahaha. 

-------------------------------------

Johnny's POV 

Naikuyom ko ang kamao ko. Biglang bumangon ang lahat ng galit ko. Naramdaman ko ang pagtapik ni Montereal sa balikat ko.

"Nagsasabi po ba kayo ng totoo?" tanong ni Burns sa matandang babae. Nasaan kami ngayon? Nandito kami sa lugar kung saan nagtatago ang matandang babae na nag abot sa akin ng sulat 2 years ago. Kasama ang jaguars nag imbestiga kami tungkol sa sulat na akala ko ay iniwan ni Rea. Pero putangina pakana lang pala ng hayop na si Blake ang tanginang sulat. Nanginginig ang laman ko sa galit.

"Oo mga hijo, siya nga ang nagdala sa akin sa magandang lugar na ito eh, binigyan nya ako ng bahay at pera manahimik lang daw ako," sagot ng matanda.

Kaya pala di ko na sya nakita noon dahil itinago pala sya ng tarantado. Tumayo ako lumabas ng bahay, sumisikip ang dibdib ko sa sobrang galit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"Spencer pare," naramdaman ko ang pag akbay ni Montereal sa balikat ko.

"Tangina pare, sinira ng hayop na 'yon ang masayang relasyon na meron kami ng babaeng mahal ko," tiningnan ko sya, alam kong nauunawaan nila ako sa nararamdaman ko ngayon.

Nilampasan ko si Montereal at tumuloy sa kotse ko. Yung galit ko mas nadoble para sa sarili ko, di ko napigilan hampasin ang steering wheel, Tangina Johnny! Dahil sa kagaguhan at kawalan mo ng tiwala sa babaeng mahal mo, nawala na sya sayo,

Binuhay ko ang engine ng kotse, narinig ko pa ang pagkatok ng jaguars sa bintana ng kotse ko, pero di ko pinansin 'yon, mabilis na pinatakbo ko ang sasakyan. Wala akong ibang gusting gawin ngayon kundi ang basagin ang mukha ng gagong si Blake.

Mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan. Una akong pumunta sa bakeshop ni Rea. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko. Di dapat sya nagtitiwala sa taong yun.

Pagdating ko sa bakeshop mabilis akong pumasok sa loob, agad na hinanap ng mga mata ko ang babaeng may hawak ng puso ko.

Yung galit na nararamdaman ko kanina ay mas lalong tumindi ng makita kong hawak ni Blake ang kamay ni Rea. Tangina sinira nya ang relasyon namin para makuha nya ang babaeng mahal ko.

Lumapit ako sa kanila. Hinawakan ko sa balikat ang gago, napalingon sya sakin.

"Pare, nagdidilim ang paligid ko lalo na at hawak mo ang mundo ko," sabi ko sabay banat ng suntok sa mukha nya dahilan para tumumba sya mula sa pagkakaupo.

Nagulat ang mga customer na nandito.

"Johnny!" tawag sa 'kin ni Rea. Nilingon ko sya.

"Sinira ng hayop na 'to ang relasyon natin," sabi ko at muling binalingan si Blake, akmang babangon na sya pero tinadyakan ko sya at pumaibabaw ako sa kanya.

Hinawakan ko sya sa kwelyo.

"Tanginamo pare, akala ko ba malinis kang maglaro hayop ka," sabi ko, pero isang ngisi lang ang sinagot sa ''kin ng tarantado, mas lalong nag init ang ulo ko. Sinapak ko ulit sya hindi isang beses kundi madami.

Nang maharangan nya ang sunod kong suntok, tinadyakan nya ako dahilan para mapalayo ako sa kanya, mabilis syang tumayo at sinugod ako, ramdam ko ang pamamanhid sa mukha ko ng tumama ang kamao nya.

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon