(PART 2) Pick Up 44: No Pain! NO Gain!

72.8K 1.9K 670
                                    

Mahabang UD para sa matagal na paghihintay!!!

Pagpasensyahan nyo na, nabiktima ako ng palaso ni Kupido.hahaha

BELATED HAPPY BIRTHDAY JENNY's OP. I LOVE YOU, SORRY LATE. (Nawawala ako sa sarili eh hahahaha)

HAPPY 16 Monthsary sa KBAYM. Yieeeeee!!!

ENJOY READING!!!

____________________

Johnny's POV

"Ha? Eh sino nag iwan ng sulat?" tiningnan ko si Burns.

"Yan din ang tanong na gusto kong masagot pare," sabi ko, nandito sya ngayon sa unit ko. Wala pa akong tulog dahil kagabi ko pa iniisip ang sinabi ni Rea na wala syang iniiwang sulat.

"Pare palagay ko dapat mo syang kausapin, malakas ang kutob ko may mali sa mga nangyayari sa inyong dalawa," napatango ako sa sinabi niya.

Yun din kasi ang plano ko. Ang kausapin sya, I should have done this 2 years ago, pero di ko ginawa. And I know, I should blame myself about it. Dahil mas inuna ko pa yung sakit na naramdaman ko.

Dapat ko na syang pakinggan. Kaya lang ang malaking tanong, handa pa ba syang sabihin sa 'kin ang lahat?

"Spencer, kausapin mo sya, kung kinakailangan kulitin mo sya ng paulit ulit tulad ng ginawa nya nung college days gawin mo, dahil sigurado ako na ang ending no'n magiging ok din kayo," ngumiti ako ng bahagya, nagdiwang ang puso ko sa sinabi ni Burns.

Sabay kaming napatingin sa may pinto ng biglang padarag na bumukas yun at niluwa ang mga hayop na jaguars. Mukhang kadadating lang nila dahil suot pa din nila yung suot nila sa kasal kagabi. Mga lasing ang mga gago.

"Yow! washap Spensher at Burnshs" bati ni Miller bigla kaming napatayo ni Burns mula sa pagkakaupo sa sofa dahil muntik na kaming madaganan ng gago.

"Tangina! Ngayon lang kayo nakauwi?" napapakamot sa ulo na tanong ko.

"Ay hindi Spencer kanina pa kami dito di nyo lang kami pinapansin,"pinakyuhan ko si Turner, sya lang yata ang matino sa kanila ngayon. Di na ako nagreklamo ng tumuloy sa kwarto ko ang ibang jaguars at dun natulog.

Napansin ko lang, simula ng umalis si Rea 2 years ago, di ako iniiwan ng jaguars mag isa dito sa unit ko. Iniisip ba nila na magpapakamatay ako?

Bigla kaming nagkatinginan ni Burns ng makarinig kami ng ingay sa mini kitchen ko. Sabay kaming pumunta sa kusina, at di na kami nagulat ng makita dun si Howard.

"Howard anong ginagawa mo?" lumapit kami sa kanya ng mapansin na naghahanda sya tipong magluluto ng masarap na putahe.

"Binibilang ko lang ang mga pagkain mo dito sa ref pare," sagot nya.

"Binibilang? Eh bakit ginagayat mo yan?" tanong ni Burns ng mapansin na nag gagayat na ng ilang bawang at sibuyas si Howard.

"Napansin ko kasi na kokonti na pala ang pagkain ni Spencer dito sa ref nya, pinapadami ko lang pare, alam mo na, concern lang ako sa kaibigan natin," -Howard

Napapailing na nagtimpla na lang ako ng kape at pinanuod si Howard sa ginagawa nya. Naupo naman si Burns at nilabas ang cellphone nya.

"Wengya, di ko na alam kung sino uunahin kong replyan," maya maya ay reklamo ni Burns habang nagdudutdot sa cellphone nya.

"Bakit tol?" tanong ni Howard, naupo na din ako.

"Ang dami kasing nag memessage sa 'kin sa fb, eh alam nyo naman ako, hindi ako snobero," - mayabang na sagot ni Burns.

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon