Rea's POV
Field trip? Kahapon ko pa naririnig ang tungkol sa field trip na yan at mukhang lahat ng second year students ay excited na, maliban sakin..
"Rea, yung handouts ko sa marketing?" napalingon ako sa nagsalita. Isa sa mga kaklase ko sa ilang mga subject..
"Ah, eto.." binuksan ko ang bag ko at kinuha ang mga handouts na pinagpuyatan ko kagabi.. "Singkwenta, pero dahil maganda ako, singkwenta pa rin para sayo.." biro ko..
"Ikaw talaga.." inabutan nya akong singkwenta pesos.. Ngumiti ako sa kanya, at tumuloy na sa library, maaga pa kaya naman dun muna ang punta ko, alam nyo na, duty again..
Iniisip ko kung sasama ba ako sa field trip, gastos lang yun takte.. Alam ko na, kakausapin ko na lang si dean, na magtitinda na lang ako ng mineral water sa bus.
Pagpasok ko sa library, napakunot ang noo ko, nakapagtatakang ang dami na agad na nakatambay dito..
Napatingin din ako sa tinitingnan nila.. I smiled.. Sino bang hindi tatambay dito ng ganito kaaga kung lahat ng jaguars ay nandito? Agad na hinanap ng mga mata ko si mylabs.. teka bakit parang wala sya?
"Excuse Miss, wag ka ngang pahara-hara.." may babaeng nagsalita..napalingon ako sa likuran ko, natigilan ako..
Si mylabs may kasamang hipon..
Nilampasan lang nila ako, ni hindi man lang ako tiningnan ni mylabs.. Wengya di ba nya alam na mas bagay kami kesa sa kanila..
"Yo Spencer!.." narinig ko pang babi ng mga kaibigan nya.. Bago ako pumasok sa office na nandito sa library.
"Anong mukha yan Rea?" tiningnan ko si Ate Eva ang librarian ng M.U..
"Mukha ko po? Mukha po ng babaeng bigo.." sagot ko at nilagay ang bag ko sa may locker na nasa office nya..
Tumawa lang sya, di naman lingid sa kaalaman nya na crush ko si Johnny. Para ko na nga syang ate dahil ang gaan ng loob namin sa isat isa..
" ano bang bago?" nakangiting tanong nya..
"Bago po? Yung kasama nya po, bagong hipon.." sagot ko, at muli na naman syang natawa..
"Sige na mag umpisa ka na para makapunta ka agad sa klase mo, at yang pagkabigo mo ipunin mo lang tapos isampal mo kay Mr.Spencer.." she said with a smile. I smiled back.. At lumabas ng office nya..
Nilapitan ko ang ilang mga libro na ginamit ng mga estudyante kahapon, tinulak ko ang book cart papunta sa bookshelf para maibalik ng maayos..
Di ko mapigilan ang sarili ko na tingnan ang grupo ng jaguars.. Masaya silang nag uusap, patatlong beses na silang nasaway ni ate Eva dahil sa lakas ng boses nila..
"Rea, san ko makikita ang book na ito?" napalingon ako sa nagsalita.. Si Liam, isa sa mga kaklase ko, he's a nerd, di na talaga siguro nawawala sa isang school ang mga nerd na tulad nya.. Don't get me wrong, napapaisip lang ako kung bakit may mga tulad nila? Sometimes sila ang laging biktima ng bullying..
"Ah doon yan.. halika samahan na kita.." sagot ko ng mabasa ko yung nasa papel nya na pangalan ng libro na kailangan nya..
"Pasensya ka na, wala na kasi akong oras para maghanap pa kaya lumapit na ako sayo.." medyo nahihiyang sabi nya..
"Sus wala yun, bente pesos lang ang tanong sakin plus ten pesos dahil sinamahan kita.." biro ko, he smiled, cute sya, lalo na kung aalisin yung makapal na salamin na tumatakip sa mata nya.. Nadaanan namin ang grupo ng jaguars pero iniwasan kong tingnan sila..
Agad kong kinuha yung libro at inabot sa kanya..
"Salamat ha.." nahihiya pa din sya..
"Wala ng libre sa panahon ngayon.." sagot ko.. Tiningnan nya ako sa mata pero agad din naman nyang binawi, gusto kong matawa dahil para syang tuta sa ginagawa nya..
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...