Johnny's POV
"Oh reviewer mong hayop ka, pagawa ka ng pagawa di mo naman ginagamit na gago ka.." sinampal ko sa mukha ni Burns yung reviewer na pinagawa nya kay Rea. Kung di ko pa alam na nang aasar lang ang sunog na 'to, alam kasi nila na tinutulungan ko sa mga raket si Rea dahil kung minsan ako na ang nag susulat ng mga reviewer ng mga customer ni mylabs..
"Buti nga nagpapagawa pa ako sa inyo eh, dagdag kita din yun aba..mahal na ang gatas at bigas, mag aasa-asawa ka tapos magrerekla---ARAY KO!" binato ko sa kanya yung bag ko na madaming lamang libro. Kung ano ano pang sinasabi, pwede namang magbayad na lang langya.
"Magbayad ka na sunog, dami mo pang daldal eh.." sabi ko, tumayo sya at padabog na hinampas nya sa palad ko yung singkwenta pesos.
"Salamat, bukas ulit ha.." sabi ko, hinarap ko naman si Howard, halatang naghihintay din sya hawak na nya yung pambayad nya.
"Howard wala yung sayo, nakatulog na daw si mylabs kagabi kaya di nya naisulat yung assignment mo.." sabi ko.
"Pfftt patay ka Howard.." nag umpisa ng mang-asar ang jaguars..
"Wag ka ng pumasok mamaya sa class hahaha.."
"Magsitigil nga kayong mga hayop kayo.." reklamo ni Howard sabay tingin sakin.
Nagkibit balikat lang ako, di na ako nagulat ng bigla na lang nya ako hawakan sa kwelyo..
"Bakit?" madramang tanong nya.. Gusto kong matawa sa pagmumukha nya ngayon, para bang naiiyak na sya na di ko maintindihan hahaha.. Binigyan ko sya ng seryosong tingin..
"Kasasabi ko lang di ba? Nakatulog na si mylabs.." sagot ko..
Binitiwan nya ako, at tulalang lumayo sakin..
"Bakit sa dami ng pwede nyang tulugan yung assignment ko pa? Pwede namang yung reviewer na lang ni Burns.."
"Pfftt" napapailing na lang kami sa kadramahan nya.
"Ano bang subject yun Howard?, ako na lang ang gagawa.." natatawang sabi ni Montereal, nandito kami sa headquarters ngayon, kagagaling lang namin sa practice.. Wala pa rin balita kay captain, nakabalik na kaming lahat sa school maliban kay ms.manager na nagpapahinga pa rin sa bahay, di sya pinayagan ni Kuya Mick na pumasok agad, medyo sariwa pa kasi ang sugat nya..
"Math.." nakangusong sagot ni Howard..
"Sus math lang pala eh, kayang kaya mo yan.." tinabihan ni Dela Cruz si Howard at inakbayan..
"MATHakaw lang ako, pero di ako MATHalino.." sagot ni Howard..
"pfftt hahaha aminado ang gago.." natatawang komento ni Fisher..
"Lamang pala ako sa inyo sa math.." napatingin kaming lahat kay Young..
"Aba ang yabang ng hayop na bata.." komento ko..
"Sige nga anong lamang mo samin?" tanong ni Fisher..
"MATHgwapo, MATHastig, MATHmayaman, MATH------"
"Mayabang" dagdag ko..
"MATHgago hahaha" nagtawanan kami ng sumimangot si Young..
"Oh eto na Howard, pasalamat ka masipag ang girlfriend ko.." nilapitan ko si Howard at inabot sa kanya yung assignment nya..
Biglang nagliwanag ang mukha ni Howard sa sinabi ko.. Agad nyang inabot sakin ang bayad nya.
"Dapat pala nung una pa lang niligawan ko na si Rea, para-----OUCH! tangna ka Spencer" binato ko ng sapatos si Howard.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...