Pick Up 20: My Crush, My Lover

86K 2.1K 105
                                    

See the picture of Johnny and Rea >>>>>

----------------------

Johnny's POV

I cut the kissed.. Automatic na nag init ang mukha ko ng makitang titig na titig sakin si Rea... Wengya naman oh, ayaw na naman kumalma ng puso ko.. 

Di ko mapigilan na di mapangiti ng mapansin kong tulala si mylabs ko.. Kahit ako medyo nagulat din sa ginawa kong paghalik sa kanya, sinunod ko lang naman kung ano yung sinigaw ng puso ko.. 

"Tara na babae baka hinahanap na nila tayo.." gusto kong murahin ang sarili ko sa tinawag ko sa kanya, wengya bat ba nahihiya akong tawagin din syang mylabs? Akin naman sya di ba? 

Nauna na akong  maglakad.. Langya ang dami ko ng naging girlfriend pero pakiramdam ko baguhan pa lang ako sa larangan ng pakikipag relasyon.. 

'KyaaaaaaaaaaahhhH.." nagulat ako ng bigla na lang syang sumigaw at akmang lilingunin ko sya kaya lang bigla na lang syang sumampa sa likuran ko.. I smiled.. Alam ko na kung bakit ganito ang pakiramdam ko, yun ay dahil iba siya sa lahat ng babae na nakilala ko.. 

"Sobrang saya ko mylabs!" she said habang nakaback ride sakin.. Inalalayan ko naman sya para di sya mahulog, at sinimulan ko ng maglakad.. 

"Wala ng sasaya pa sakin ngayon.." I smiled.. 

Nagkakantahan at nagkakasiyahan na ang jaguars ng makalapit kami sa kanila.. 

~~Sama-sama tayo sa ilalim ng araw
Magkantahan, magsayawan
Mga problema natin ay kalimutan muna~~

Naupo kami ni Rea at nakijoin sa kanila.. Si captain at Gray ang nag gigitara habang ang jaguars naman ang kumakanta.. 

Nakisabay na din kami..

~~Sama-sama tayo sa gabing walang hanggan'
Bilog ang buwan, magkantahan
Tayo na at magbasaan sa dalampasigan~~

Muntik ko ng mabato ng kahoy si Miller ng bigla nya kaming buhusan ng tubig.. Tumayo ako at sumalok din ng tubig sa dagat agad naman nagtakbuhan ang lahat lalo na ang mga babae.. Hanggang sa nagsimula ng magbasaan ang lahat.. 

Walang maririnig dito kundi tawanan at asaran ng jaguars.. 

"One, two.." bilang namin, hawak namin si Howard ngayon at balak namin syang ihagis sa dagat.. 

"Taena nyooooo!!" nagpupumiglas sya pero dahil anim kaming nakahawak sa kamay at paa nya wala syang nagawa kundi ang limutin ang sarili sa dagat.. 

"Pfftt bwahahaha.." 

Sunod naman ay ang labanan ng mga babae.. Nakasakay sa balikat ko ngayon si Rea.. 

"Ang unang magpatak sa tubig talo.." excited na sabi ni Greshel, nakasakay sya sa balikat ni Dela Cruz.. 

"Game." natatawang sabi naman ni Hannah, nakasakay sya kay captain.. Di ko mapigilan di mapangiti lalo na dahil sumasali na si captain sa mga ganitong bagay.. 

Kasali din ang kapatid ni Howard na si Izrah, nakasakay sya kay Burns, sina Turner din at ang nililigawan nya na si Mychiel, at syempre papahuli ba si Jana at Miller.. 

"Prrrrrrrt.." signal yun na umpisa na.. Halos puro tawa lang ng mga babae ang maririnig pati kaming jaguars natatawa na din sa kalokohang ito.. Habang tinutulak ni Rea si Tina, sinasabuyan ko naman ng tubig sa mukha si Montereal.. 

"Ang daya.. buti kayo may mga girlfriend, eh pano naman kaming mga single?" narinig kong reklamo ni Freeman.. 

"Manghuli na lang kayo ng sirena!" pang aasar ni Dela Cruz.. 

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon