Johnny's POV
"Ano na? Ang kukupad wengya!" reklamo ni Montereal. Nandito kami sa parking area ng condominium building kung saan kami nakatira lahat.
"Excited? Gusto na agad makaakyat ng puno?" biro ko, at nilagay na ang bag sa loob ng van.
"Gago! Baka naghihintay na si lolo Herald," sagot nya.
"Tungunu lakas maka-lolo," pang aasar naman ni Gibson. Maya maya pa ay dumating na din ang ibang jaguars dala ang kanya kanyang bag.
Saan kami pupunta? Well...
"Talaga bang sa Hacienda Adaipmil tayo magbabakasyon? Mas gusto ko pa sa jaguars' island wengya," komento ni Dela Cruz, inalalayan nyang makasakay si Greshel.
Tama kayo, time for vacation na, at nakatanggap kami ng imbitasyon mula sa lolo ni Hannah.
"Mag stay lang tayo ng 1 week dun, tapos nun punta na tayo ng Jaguars' Island," sagot ni Young. Tumango naman ang lahat bilang pag sang ayon.
Nakatanggap kasi kami ng tawag galing sa lolo ni Hannah na dun daw kami sa Hacienda nila magpalipas ng bakasyon. Di naman namin magawang tumanggi dahil gusto din namin makarating sa lugar kung saan nagmula ang angkan ni Hannah. Mapapaglamangan na naman si captain nito hahaha.
Di nagtagal nagsakayan na din ang lahat ng jaguars sa van.
"Daanan natin si mylabs," sabi ko ng nasa byahe na kami. Abala ako sa pagtetext kay mylabs.
"Sigurado ka Spencer?" tiningnan ko si Burns na nagdadrive ngayon.
"Oo, bakit?" nagtatakang tanong ko.
"Panigurado pirat si Rea pag dinaanan natin," sagot nya. Pinakyuhan ko lang ang gago. Tinawanan lang ako. Puro kalokohan.
Pinaling ko ang pansin sa labas ng bintana. Parang kelan lang nung nag enroll kami sa Montereal University. Ang bilis natapos ng school year pero sa loob ng mga panahong yun napakadami ng nangyari, mga pangyayari na gusto na lang namin kalimutan, kaya ngayong bakasyon na, sisiguraduhin namin na mapapalitan ng magaganda at masasayang bagay ang mga yun, susulitin muna namin ang bakasyon.
"Wengya, di ko akalain na mananalo pa tayo sa taenang eleksyon yun," narinig kong sabi ni Fisher.
Oo tama kayo, nanalo kami sa eleksyon, bago tuluyang nagtapos ang school year nagkaron muna ng eleksyon kinabukasan matapos ang kampanya, yun ay para sa susunod na officers next school year at napasama ang partylist ng jaguars.
"Ikaw ba naman alukin ng PUKKI bread, tatanggi ka?" sabi ko sabay tingin kay Howard.
Tumingin din sya samin pero agad din binalik ang atensyon sa cellphone nya, naglalaro ang gago.
I smiled. Masaya ako dahil kabilang ako sa Jaguars. Hindi lang kami basta basta basketball team, isa din kaming grupo ng tunay na magkakaibigan. Di na nga kumpleto ang araw ko pag wala sila eh. Dahil sa kanila ang dami kong kapatid.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla na lang yun mag vibrate. I smiled again, si mylabs tumatawag.
"Hello mylabs," sagot ko. "Malapit na kami,"
[Mylabs, wag nyo na akong sunduin,]
Biglang napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Why? Di ka na ba sasama? Kung di ka sasama, di na din ako sasama" lintanya ko na ikinatingin naman sakin ng jaguars.
[Kasama pa din ako, ano ka ba] nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Teka eh bakit ayaw nyang magpasundo? Bago pa ako makapag tanong ulit ay nagsalita na sya.[Sinundo na ako nina Hannah at Tina,] narinig ko pa ang tawanan nina Hannah sa background. Wengya naman ang magpinsan oh, gusto ko pa naman katabi si mylabs habang nasa byahe.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...