Rea's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan.. At ang buwan na ito? Buwan ng mga puso, halos di ko namalayan, malapit na namin matapos ang second year.. konting kembot na lang..
"Rea, sinong kadate mo sa valentines day?"- tanong ng isa sa mga kaklase ko..
"Kapag valentines kailangan may kadate? Di ba pwedeng ordinary day lang?" bakit ganun? Ang big deal sa kanila ng february 14? Ano bang meron sa araw na yun? Bukod sa madaming naglalakad na babae na may dalang bulaklak, na nagmumukhang puntod.. hehehe biro lang..
Bulaklak? Teka nga.. raket din yun ah..
Tae salamat Valentines day, magkakaraket ulit ako..
"KyaaaaaaaaahhhH!" napatingin kami sa bagong dating.. Problema nya?
"WaaaaaahhH omeged, magkakaron daw ng mga booth for the celebration of Valentines day.." anunsyo nya..
"Yun lang?" tanong ko.. di naman sya masaya ng lagay na yan?
"At narinig ko din na may sariling booth ang jaguars.. kyaaaaaahHH!"
"Kyaaaaaahh!"
Napatakip ako sa tenga, wengya eh ano naman kung magkaron sila ng booth? Magtatayo din ako ng sarili kong booth..
---------------------------
Johnny's POV
"Tungunu naman oh may date ako sa 14 eh wengya.." reklamo ni Gibson,, nandito kami sa headquarters.. Dinala kasi ni Ms.manager ang balita na magkakaron daw ng kanya kanyang booth ang bawat department para sa pagcecelebrate ng Valentines day at makapag raise ng fund para sa mga batang may sakit sa puso, at nalaman namin na magkakaron ng seperate booth ang jaguars..
"Biro ba yan Gibson? hahaha"- Burns..
"Sus, inggit ka lang sunog dahil wala kang kadate na hayop ka.."-Gibson..
"Gago!"
"Tama na yan, pag usapan nyo na ang gagawin nyo sa booth nyo.. aalis na ako.." sabi ni ms.manager sabay tayo...
"Babae, wag kang makikipag date kung kanino ha.." napatingin kami kay Montereal..
Di sya pinansin ni Ms.Manager at lumabas na..
"Pffft boom snob hahahaha.." tinawanan namin si Montereal, lakas magbawal ng gago..
"So anong plano?" tanong ko at nahiga sa sahig..
"Ano bang patok ngayon?"-tanong naman ni Turner..
Napatingin kami sa may pinto ng pumasok si captain..
"Yo! captain!" bati namin.. At tulad ng inaasahan di nya kami pinansin at naupo na lang sa may sofa..
"Captain alam mo na ba ang balita?" tanong ko..
"Yeah.." simpleng sagot nya..
"Wala ka bang naiisip na pakulo dyan?" tanong ko ulit.. tiningnan nya..
Bigla akong kinabahan.. Ganun din ang ibang jaguars..
------------------
[Valentines Event]
Rea's POV
"Lapit lapit may mag inang serena!" malakas na sigaw ko.. Nandito ako sa booth namin, akala ko makakapag tayo ako ng sarili kong booth takte, by department pala dapat.. Kaya heto bukod sa pagtatawag ng ilang mga estudyante eh nagtitinda na din ako ng bulaklak.. Mas mabenta sana kung sa plaza ako magtitinda..
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...