4 Months later...
Joel's POV
Madaming di inaasahang pangyayari ang naganap sa loob ng ilang buwan matapos ang laro namin laban sa eagles.
Gusto nyo pa bang isa isahin ko?
Sige dahil medyo sinisipag ako ngayon, ikukwento ko sa inyo ng pahapyaw, pagkatapos ng laban namin, parang tradition na ng jaguars ang konting celebration tuwing nananalo kaya naman nag inuman kami, at yun yung time na ayaw ko ng balikan kaya di ko na masyadong dadamihan ang kwento tungkol dun, alam ko naman na alam nyo na ang nangyari nung gabing yun.
Oo, tama kayo yun yung gabi na nagsayaw kami sa ibabaw ng lamesa at nagkaron ng pandesal party ang jaguars dahil sa mga hubad na katawan namin.
Okay move on, sunod na nangyari sa nakalipas na buwan ay ang birthday party ni Hannah na nauwi lang din naman sa kaguluhan dahil sa pag announce ni Mr.Adaipmil na arranged marriage na daw si Hannah kay Kyler. Kaya yun nagalit si captain at dinala si Hannah sa Jaguars Island, pero dahil mabangis itong tatay ni Hannah eh kinuha naman sya inuwi sa mansyon, grabe yung mga pinagdaanan ni captain.
Pero di pa din sya sumuko, kahit na pinagbawalan na sya ni Mr. Adaipmil bumanat pa din si lover boy, gusto ko ngang matawa nung ligawan nya si Hannah kahit sila na. Nung time kasi na yun wala na si Hannah sa M.U pinabalik na sya ng dad nya sa Adaipmil University.
Wala kaming kaalam alam na may panganib na naman palang naghihintay para sa lahat. Hanggang sa binigyan kami ng warning ni captain, na posible daw kaming idamay ng mga kaaway nila. Nalaman kasi namin na sumailalim si captain sa training sa pangunguna ng daddy ni Hannah bilang paghahanda. Yun yung mga panahon na akala namin nakikipag basag ulo sya mag isa. Yun pala lumalaban na sya ng patayan.
At kami bilang mga gwapong nilalang lang ay di alam ang gagawin, hanggang sa dumating ang time na nadukot na ang ibang jaguars at ang mga girlfriend nila ng mga kaaway ng pamilya ni captain, parang isang masamang bangungot ang lahat ng nangyari ng mga panahong yun.
Akala namin tapos na ang lahat ng mailigtas kami ni captain, pero hindi pala doon nagtatapos ang lahat, dahil nadukot na naman si Hannah, habang nakikipag laban si captain wala kaming magawa kundi ang maghintay na lang ng balita. Gustuhin man naming tulungan sya, di namin kaya. Hindi dahil takot kami kundi dahil wala kaming alam sa pag gamit ng baril. Kung basketball yun baka nilampaso pa namin ang Ali.
Pero hindi eh, literal na patayan mismo ang naganap. Nakatanggap pa kami ng tawag na sinugod si captain sa ospital. Kulang yung salitang takot at kaba para maipaliwanag yung naramdaman namin, para kaming inagawan ng lakas ng sabihin ng doctor na di daw kinaya ni captain ang tama ng mga baril. Parang gumuho ang mundo namin ng mga oras na yun, lalo nang malaman namin na hindi naman pala si captain ang tinutukoy ng lintik na doctor yun. Pahiya kami dun ha, pero nalungkot pa din kami dahil may isang buhay ang nawala, at si lolo Shawn yun.
At ngayon nga ay nandito kami sa Airport. Ngayong araw ang alis ni captain, may iniwang sulat si lolo Shawn na nagsasabing kailangan pumunta ni captain sa america.
"Captain, di ka na ba talaga papipigil pa?" naiiyak na tanong ni Howard.
"No," tipid na sagot ni captain.
"Buddy, mag iingat ka dun," sabi naman ni Montereal.
"I will," nakatingin si captain sa may entrance, wala pa din kasi si Hannah hanggang ngayon.
"Captain pagbalik mo gwapo pa din ako," kahit kelan talaga napakahangin nitong si Freeman.
Bumalik na sa normal ang lahat, sabado ngayon at sa lunes babalik na ulit kami sa school, ilang buwan din kaming di nakapasok dahil na din sa mga nangyari. Buti na lang sina Montereal ang may-ari ng school kaya walang problema.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...