Pick Up 31: Vacation Days (PART 2)

48K 1.5K 50
                                    

Rea's POV

"Ibalik mo ako, dadating na si mylabs anumang oras!" bulyaw ko kay kuyang lampa na nagdadrive ngayon. Bakit ba kailangan pa nya akong isama eh mamamalengke lang naman pala sya. Palagay nya sa 'kin basket na lalagyan ng gulay at isda na dapat isama sa palengke?

"Hahaha relax, kailangan ko lang ng taong kuripot pagdating sa pera" natatawang sagot nya. Tiningnan ko sya ng masama, wala kasi akong maintindihan sa sinasabi nya.

"Lampa na nga feeling close pa," sabi ko pero tinawanan lang ulit nya ako.

"Di pa naman huli ang lahat para maka close ko ang isang tulad mo, hindi ba? " sabi nya sabay kindat pa.

"Di bagay sayo nagmumukha kang gago sa kanto," inismiran ko sya.

"Hahahaha," binaling ko na lang ang tingin sa daan dahil tumawa na naman sya.

Maya maya pa ay tumahimik na sya.

"Bakit mo ba ako sinama pa?" naaasar na tanong ko, wala talaga kasi akong ideya kung anong dahilan bukod sa pagiging kuripot ko daw.

"Simply because I need your wise technique in spending money lalo na pag sa palengke," sagot nya at sinulyapan ako. He smiled ng mapansin ang nagtataka kong tingin.

Kung di ako nagkakamali, Adaipmil sya. Bakit kailangan nya magtipid sa pamamalengke kung mapera naman sila?

"Sige, ikukwento ko na lang sayo para mas maintindihan mo ang ibig kong sabihin," binalik nya ang tingin sa daan, nakikinig lang ako at naghihintay sa sunod nyang sasabihin. Wala na akong choice alangan naman tumalon ako palabas sa sasakyan na 'to habang umaandar.

"Kasama ito sa task na binibigay samin ni lolo, tuwing bakasyon sinasanay nya kami, maging bahagi ng Adaipmil Agents," napakunot ang noo ko,

"Ano namang kinalaman ng pamamalengke sa pagsasanay bilang agent aber?"

"A good agent is wise even the little, such as finacial, sinisimulan namin ang pagsasanay sa mga malilit na bagay," sagot nya.

"Magkano bang binigay ng lolo mo na budget para sa pamamalengke mo?" tanong ko.

"200 pesos," nakangiwing sagot nya, tapos may inabot sya sakin na papel. Tininggap ko yun at tiningnan.


2 kilo- patatas

3 kilo -tambakol

2 kilo- hipon

3 kilo- bangus


"Tae di ko akalain na ang lakas pala mang gago ng lolo nyo," di ko napigilan sabihin. Aba, dalawang daang piso para sa kilo kilong isda? Eh pang patatas nga lang yata yung 200 pesos eh.

"Exactly, ang lakas nya talaga mang gago," natatawang sabi nya. Tumikhim ako at tiningnan ulit sya ng masama.

"Ano naman sa palagay mo ang maitutulong ko sayo? Kung ikaw sa sarili mo mismo di mo alam kung paano pagkakasyahin ang 200 pesos?" pagsusungit ko.

"Eh kasi sabi ni Princess magaling ka daw mag budget ng pera,"nakangiting sagot nya at di pinapansin ang nakataas kong kilay. Ano pa bang sinabi ni Hannah sa mga pinsan nya at sa lolo nya wengya naman eh.

"Di ba sabi mo, a good agent is wise even in a little? Wala akong balak mag agent, trabaho mo yan kaya labas ako dyan," sabi ko at humalukipkip.

"Kung di mo ako tutulungan, samahan mo na lang ako," balewalang sabi nya.

"Hahanapin ako ni mylabs!" sigaw ko.

"Edi maghanap sya, di ko naman sya pipigilan ah,"

"Aba't---"

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon