(PART 2) Pick Up 47: The Reason of Tears and Pain

47.2K 1.4K 175
                                    

Para kay UBAS :) :) 

Enjoy Reading...

------------------------

Rea's POV

"Siopao kong mahal na mahal, patabi si ate ha," humiga ako sa tabi ni Siopao dito sa kwarto nya. 

"Ang laki laki mo na ate tumatabi ka pa din sa 'kin," ngumuso ako para mapigilan ang mga ngiti ko dahil sa sinabi ng kapatid ko. 

"Eh sa namiss kita buong araw eh bakit ba," sagot ko at niyakap sya ng mahigpit. 

"D-di ako makahinga ate Rara," reklamo ni Siopao. 

"Ok lang yan, gwapo ka pa din naman," biro ko. At di ko na napigilan ang di matawa ng pisilin nya ang pisngi ko. 

"Lagi mo na lang akong inaasar ha, sige ka hindi ko ipapakilala sa 'yo ang bago kong kumpare," nakangising sabi nya. Bagong kumpare? May bagong kaibigan ang kapatid ko? 

Bigla akong nakaramdam ng konting saya sa puso ko sa kaalamang may kaibigan ang kapatid ko sa bago naming tirahan. 

"Talaga? Bakit? Mabait ba yang kumpare mong yan?" tanong ko, at hinaplos ng bahagya ang malambot nyang buhok.

"Hindi lang mabait, gwapo pa," may pagmamalaking sabi nya. 

Ngumiti ako. Sigurado akong matutuwa sya sa ibabalita ko sa kanya. For sure mas madadagdagan ang kaibigan nya.

"Siopao may good news ako sa'yo" nakangiting sabi ko.

"Ano 'yon ate?" inaantok na tanong nya.

Muli akong ngumiti.

"Bukas ko na lang sasabihin lumalaki na kasi yang butas ng ilong mo," biro ko.

"Ate naman eh, wag kang paasa," natawa ako ng malakas ng makitang naka-busangot na ang mukha ng kapatid ko. 

Masaya ako dahil sa kabila ng sakit at lungkot na nararamdaman ng puso ko, may isang Siopao na handang patawanin ako.

Tumikhim ako saka sumeryoso. 

"Babalik ka na sa School mag aaral ka na ulit," sabi ko at kitang kita ko kung paani nagliwanag sa saya ang mga mata nya. 

"Talaga ate? Peksman? Madulas man si batman?" masayang paniniguro nya. 

Ngumiti ako at niyakap sya ng mahigpit. Alam kong hindi pa lubos na maayos ang kalagayan ni Siopao pero ayoko naman maramdaman nya na hindi sya kagaya ng normal na bata. Gusto kong maramdaman nya na sa kabila ng lahat may mga kakayahan pa din sya na pwede nyang gawin, tamang pag gabay at alaga lamang sa kalusugan nya alam kong dadami ulit ang mga kaibigan nya. 

**

Bumalik na ako sa kwarto ko ng makatulog na si Siopao. Naupo ako sa kama ko. Heto na naman ako, di ko na naman mapigilan ang lungkot sa tuwing mag iisa ako. 

  "Mylabs, sinira ng sinasabi mong kaibigan mo ang masayang relasyon na meron tayo, sya ang may pakana ng sulat na natanggap ko 2 years ago."  ilang linggo na ang nakaraan simula ng pumunta si Johnny sa bakeshop para komprontahin si Blake tungkol sa sulat at hanggang ngayon naririnig ko pa din ang boses nya sa isipan ko. 

Hindi ko alam pero natakot akong pakinggan sya. Natakot ako na baka muling bumuka ang sugat na hanggang ngayon tinatapalan ko pa din ng saya kasama ang kapatid ko. 

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang daloy ng ala-ala dalawang taon na ang nakararaan. Ang dahilan kung bakit ako umalis ng walang paalam, ang dahilan kung bakit isang gabi ayaw na nya akong kausapin at pakinggan. 

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon