Pick Up 15: Song of Hearts

85.7K 2.5K 282
                                    

Dedicated to you ;) mag avail ka na ng jaguars shirt hahaha :D

Enjoy Reading!!

------------------------

Rea's POV

"Rea! tara na magsisimula na ang game.." - narinig kong sigaw ng isa sa mga kaklase ko.. Tae, mas lalo kong binilisan ang pagsusulat.. Tinatapos ko kasi ang reviewer na pinapagawa ng mga first year students.. Sikat na sikat na ang pangalan ko, lalo na sa mga estudyanteng tamad. Feeling ko nga writer ako eh dahil tinatangkilik nila ang mga sinusulat ko. 

"Sige mauna na kayo, tatapusin ko lang 'to!"- sigaw ko din.. Ako na lang ang tao dito sa classroom, may practice game ngayon ang jaguars with St.Agustin. At dito sa M.U gaganapin ang laban. 

Nakapag desisyon na ako, di ako titigil hanggat di napupunta sakin si mylabs.. Di ba nga may kasabihan tayo na kung mahal mo ipaglaban mo, hindi yung kung mahal mo palayain mo, tanga lang? Mahal mo nga eh, bakit mo hahayaan mawala sayo? 

Siguro nga di pa nya ako gusto ngayon, pero di ako susuko. Dahil ang pag ibig di sinusukuan, pinaglalaban yan.. Kung ayaw nya sakin.. pwes I will make him fall inlove with me, by hook or by crook. 

Di ko malimutan ang sinabi ni Siopao nung nag-usap kami na 'kung mahal mo wag mong pakawalan, lalo  na at madaming nakaabang, kailangan lumaban, hanggat di nya sinasabing ayaw nya sayo, wag mong  titigilan'..

Oh di ba bongga? Profound si Siopao.

Mabilis kong tinapos ang pagsusulat, niligpit ko agad ang mga gamit ko at lumabas na ng classroom. Wala na masyadong estudyante dito sa labas halos nasa gym na ang karamihan. Agad kong nilabas ang cellphone ko at tinext ang nagpagawa sakin ng reviewer.

To: 1st Year- Heizel 

Neng, ok na ang reviewer mo, wer na u?

Message sent!

Ganun din ang ginawa ko sa iba pang nagpagawa, dapat pala nag GM na lang ako.. Habang hinihintay ko ang mga reply nila, naglakad na ako papunta sa direksyon ng gym, malakas ang kutob ko na nandun sila. 

Nasa may entrance pa lang ako, naririnig ko na agad ang hiyawan ng mga estudyante, mukhang nagsisimula na ang game, pumasok ako sa loob. Napangiti ako ng makita ko si mylabs, kasama sya sa first five. 

Bzzzzzzt!

Biglang nagvibrate ang cellphone ko. 

From: 1st Year-Heizel

Nandito po kami sa gym, ate Rea.

As I expected. 

Agad na namataan ko ang mga first year students sa di kalayuan, halatang kinikilig sila.. Sila yata ang pinaka-malakas humiyaw dito eh.. 

Nilapitan ko sila..

"Reviewer! Tubusin nyo na ang mga reviewer nyo!"- sigaw ko, napatingin silang lahat sakin. I smiled. 

"Mamaya na kayo humiyaw, bayaran nyo na tong reviewer nyo!" inabot ko sa kanila ang mga papel kung saan nakasulat ang reviewer nila.. 

"Langya ate Rea, wag kang humara, nag iinit na si captain Shield sa court oh.." reklamo ng isang estudyante.. 

"Anong gusto nyo? Ang mainit na laro ni captain o ang mag init ang ulo ko?"- bulyaw ko sa kanila, wengya di pa agad magbayad, gusto ko din manuod aba!

"Magbabayad na, ito na oh.. magkano ba?" sabi nung isa, nginitian ko sya...

"Singkwenta neng.." kinuha ko ang inabot nyang pera, ganun din ang ginawa ng iba.. 

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon