Pick Up 4: My Labs

94.9K 2.7K 124
                                    

Kevin's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng mag umpisa ang klase.. Nandito kami sa gym, ngayong araw ang umpisa ng practice namin..

"Hoy Spencer, nakangiti ka na naman dyan di mo pa aminin na kinikilig kang hayop ka.." sigaw ko..

"Oh piso hanap ka ng kausap mo gago!" sigaw din nya..

Tinawanan ko lang sya..

"Wag mong asarin si Spencer bata, alam mo namang pahard to get ang peg ng taong yan.."-Burns..

Nabalitaan kasi namin, na may crush kay Spencer, si Snyder tapos itong si Spencer na gago, tinatanggi na di nya type si Rea, eh halatang halata naman na mas patay na patay sya..

"Assemble jaguars!" mabilis kaming kumilos ng marinig ang sigaw ni coach Roger..

"Yo! Coach.." bati namin ng makalapit kami sa kanya..

"Jaguars, Welcome to Montereal University, I saw your games when you were in High School, and I am looking forward for your games for this university" he said..

"Makakaasa ka coach.." sagot naming lahat..

Kung gaano namin kamahal ang isat isa bilang magkakaibigan, ganun din namin kamahal ang basketball..

Bumalik na kami sa practice, every morning magkakaron kami ng practice, para mamaintain ang physical condition namin sa game..

"Wohohoho! ganado ang gago!" - sigaw ni Montereal kay Spencer..

"Pano di gaganahan, crush din ng crush nya, whoa! Isako na yan.." panggagatong naman ni Miller..

Pero parang walang naririnig si Spencer dahil di pa tin nawawala ang mga ngiti nya..

Pinagpatuloy namin ang practice..

-----------------------

Rea's POV

Anong problema ng panahon? At ako lang nilalamig.

Nandito ako ngayon sa library, at pakiramdam ko may nakatutok sakin na limang aircon at lahat yun nakatodo sa lamig..

"Grabe, mas lalong silang gumwapo.."

"Sinabi mo pa, lalo na dahil nasa court sila.."

"ang hot nila tingnan, sayang, pinagbawal ng captain nila manuod ang mga estudyante during practice.."

"Kaya nga eh, pero crush ko talaga yung captain nila, di nagsasalita at ang angas ng dating..omeged.."

Narinig kong bulungan ng ilang mga estudyante na maagang nakatambay dito sa library..

Ang jaguars siguro ang tinutukoy nila.. Nabalitaan ko din na ngayon ang umpisa ng practice nila..

Bigla ko na naman naalala si Johnny.. At ang muling pagtulong nya sakin week ago..

Flashback

Nag aayos ako ng mga librong ginamit ng ilang mga estudyante..

KABLAAAAG!!

Nagulat ako sa biglang pagbagsak ng mga librong maayos na nakapatas sa book shelves kanina lang..

"Oooopps! Sorry, nadulas yung kamay ko.." napatingin ako sa tatlong babae, sila yung 2nd year students sa Accounting Department..

"Buti kamay mo lang yung nadulas.." sagot ko, at inumpisahang pulutin ang mga nagkalat na libro.. Muli ko yung inayos sa pagkaka salansan.. Pero di pa ako nakakatalikod ng muli na naman yung magpatakan..

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon