Joel's POV
"Yo! Jaguars!" napalingon kaming lahat sa bagong dating. Nandito kami ngayon sa bar ni Miller.
"Yo! Spencer!" bati din namin. Napatingin kami sa babaeng kaakbay nya.
"Bagong babae? Pang-ilan mo na yan sa loob ng isang linggo?" seryosong tanong ni Montereal.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng umalis si Rea, halos isang linggong nagkulong lang si Spencer sa unit nya, winasak pa nga namin ang pinto ng kwarto nya dahil ayaw nyang lumabas at kumain, natakot din kami sa posibleng gawin nya sa loob ng kwarto niya, kaya naman di namin sya iniwan. Hanggang isang araw nagising na lang kaming lahat na nakatawa na ulit sya. Pero bilang kaibigan, alam namin na ang tawang yun ay hindi kasiyahan kundi lungkot na nakabalot sa puso nya.
Naging babaero ang gago, isang linggo na syang papalit palit ng babae. Pero alam namin na hanggang sa pakikipaglandian lang ang kaya nya, dahil ang puso't isip nya si Rea pa rin. Ni hindi nga umaabot sa kama ang mga babaeng nilalandi nya.
Napapailing na lang ako, bakit sobrang kumplekado ng buhay pag-ibig ng tao?
"Pang bente?" di siguradong sagot ni Spencer kay Montereal. Naupo na din sila sa may table namin.
"Pare di naman--------"
"Hayaan nyo na ako mga tol" banas na putol ni Spencer sa sasabihin sana ni Montereal.
"Kinalimutan ko na ang babaeng yun, she's not even worth crying for" dagdag pa nya. Ininum ko yung alak na nasa baso ko. Napapailing na lang kami. Alam namin kung gaano kasakit sa kaibigan namin ang lahat.
Nagsimula na din kaming mag-inuman at hindi na namin pinag-usapan pa si Rea dahil alam namin na sariwa pa ang lahat para sa kaibigan namin.
Tumatawa kaming lahat, ganun din si Spencer, sana lang maghilom na ang puso ng kaibigan namin. Tiningnan ko si Miller, ganun din si Young. Kasama na siguro sa buhay ng tao ang masaktan ng sobra.
Nang mapansin kong medyo may tama na si Spencer, pasimple kong hinila yung kasama nyang babae palabas ng bar.
"Pasensya ka na miss but I think you should go," hinging paumanhin ko pagkalabas namin.
"Pay me," nilahad nya ang palad sa 'kin, walang pagdadalawang isip ko syang binigyan ng pera. Napabuntong hininga na lang ako ng umalis na yung babae. San ba nililimot ni Spencer ang mga babae nya? Sa kanto? Sa Divisoria? Wengya, wala man lang kadating dating, parang hinila nya lang sa kung saan yun ah.
Bumalik ako sa loob, kahit malakas ang tugtog nangingibabaw pa din ang kaingayan ng jaguars.
"At alam nyo ba tol? Winasak ng hayop na yan ang monitor tangina galit na galit yung may-ari ng computer shop Hahahaha!" utas ni Miller. Kung di ako nagkakamali ang pinag-uusapan nila ay yung pagdo-Dota daw nila ni Spencer tapos ng matalo si Spencer winasak yung monitor at CPU sa computer shop.
"Pasalamat kayo di nakarating kay captain ang balitang pagsundo sa inyo ni coach sa presinto," natatawang sabi ni Gibson.
"Hindi ka na mananalo sa 'kin sa susunod tarantado!" nakangising sagot ni Spencer kay Miller. Halatang may tama na ang mga gago.
Maya maya tumahimik kaming lahat ng mapansin ang bigla ding pagtahimik ni Spencer.
"May mali ba sa 'kin mga brad?" ayan na naman sya sa mga tanong nya, kung ano daw bang mali sa kanya at kulang sa kanya para iwan sya ni Rea. Sa loob ng dalawang linggo sa ganyan nagtatapos ang lahat pag tinamaan na sya ng alak, dahil kahit gaano pa nya itago ang lahat ng sakit, pag nawala na sya sa sarili dun na lumalabas yung sakit na kinikimkim nya sa dibdib.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...