Pick Up 38: Love and Trust

43.3K 1.3K 53
                                    

Kaway! CITY COLLEGE OF LUCENA!!! ^__^

Hello kayna Jane, Ailene, Dhen, Mylene, Eva Joy, Elmer, Joseph at kay Mr.President ng 1A *kaway kaway* thank you so much for supporting Jaguars' kahayupan hahaha. Sana may natututunan kayo sa kanila, chos hahaha.. 

Eto na Wendy!! 

Enjoy Reading!

-------------------

Johnny's POV 

"Sa apartment mo ako matutulog para matulungan kita dyan sa mga gagawin mo," pahayag ko, nandito kami ngayon ni mylabs sa National Book Store sa mall  bumibili ng mga gagamitin nya. 

Tiningnan nya ako at nginitian tapos inabot nya sa 'kin yung hawak nyang glue at cutter.

"Kaya ko na yan Mr. Spencer," sabi nya at muling binalik ang atensyon sa paghahanap ng mga kailangan nya. 

"Sige na kahit umuwi na lang ako pagkatapos natin gumawa," sabi ko pa. Muli nya akong hinarap. "Sige na mylabs pumayag ka na," nag pout pa ako para mas effective. 

Napangiwi ako ng bigla na lang nyang kurutin ang pisngi ko. 

"Kala mo naman papayagan pa kitang umuwi sa dis-oras ng gabi," nakangiting sabi nya, biglang nagliwanag ang mga mata ko sa saya. Yes! makakasama ko ulit sya sa iisang bubong. Don't get me wrong, I respect her, more than myself, I just love the feeling being with her,yung tipong panatag ang puso ko dahil nasa tabi ko sya. Damn! Its gay but yeah I feel contentment whenever I'm with her. 

"Pero sa isang kundisyon," di pa rin nawawala ang ngiti nya, I smiled ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita ko ang mga ngiting yun. 

"Name it mylabs," I said. 

"Dun ka pa din sa sofa matutulog," sabi nya.. 

"Walang level up?" biro ko pero tiningnan nya lang ako ng masama. Di ko napigilan ang tawa ko. 

"Biro lang, kahit naman di mo sabihin, dun naman talaga ang pwesto ko, kaya wag na wag mo akong pagtatakaan na gapangin babae ha," I teased, pero isang hampas sa braso lang ang nakuha ko sa kanya at hinarap na lang ulit nya ang mga bibilhin. 

I smiled. Habang pumipili sya ng mga materials, kinukulit ko sya, ang sarap lang sa pakiramdam. Malapit na kaming mag 1 year pero yung feeling ko parang kahapon lang nya ako sinagot.

Hanggang sa counter nag aasaran pa rin kami habang nakapila. Biglang nawala ang ngiti ko ng masanggi sya ng isang lalaki. I clenched my fist. Akmang susundan ko yung lalaki pero naramdaman ko na may humawak sa laylayan ng damit ko.. 

"Maghulos dili ka mahal ko," nakangiting sabi ni Rea, biglang nawala yung pangka-inis ko dun sa sumanggi sa kanya. Hinapit ko sya sa bewang, ang ayoko sa lahat nasasaktan ang babaeng mahal ko. 

Ako na ang nagbayad ng mga pinamili nya, nagtalo pa kami pero sa huli ako pa rin ang nanalo, sinabi ko na lang sa kanya na ipagluto na lang nya ako ng adobo na may ketchup, paborito ko yun lalo na pag sya ang nagluto. 

Magkahawak kamay kaming lumabas ng NBS, sa kaliwang kamay ko naman ay ang mga pinamili namin. 

Lingid sa kaalaman ni mylabs may lihim na surpresa akong ginagawa, para sa celebration namin ng 1st Anniversary namin, and that is two days  from now. I smiled, gusto kong maging memorable ang 1st Annivesary naming dalawa. 

Bigla kaming napahinto sa paglalakad ng may isang gago ang humarang sa dadaanan namin. Tiningnan ko ng masama ang gagong si Blake, bigla akong nakaramdam ng pagka-inis sa way nya ng pagtingin sa babaeng hawak ko ngayon. 

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon