Rea's POV
"Water girl?" nginitian ko si Anthony.. Nandito kami sa gym. Ngayong araw ang laro nila, nauna na sa school na gaganapan ng laban sina coach kasama si Tina at Hannah, hinihintay na lang namin ang iba pang jaguars..
"Oo water girl, meaning ako ang magdadala ng tangke ng tubig nyo.." sagot ko.. Nagtawanan sila.
"Langya pwede namang assistant din tulad ni Hannah, bakit water girl pa?" tanong ni Xevier..
"Ok na 'to basta malapit kay mylabs ko.."
"Hanep sa fighting spirit Rea.. walang pagod?" tumango lang ako sa sinabi ni Tristan..
Tiningnan ko ang ibang jaguars.. Mukhang handa na sila sa laro mamaya.. teka, bakit ba wala pa ang iba?
Tiningnan ko si captain Shield, sa itsura nya ngayon aburidong aburido na sya..
Nagkibit balikat na lang ako at naglabas ng notebook at ballpen..
"Oh sino magpapa-cheer?!" sigaw ko.. Nagtiniginan silang lahat sakin..
"Ikaw Elvin magpapa-cheer ka? Bente isang sigaw sa pangalan mo, isang daan naman kapag may banner" sabi ko..
"Good morning.." napalingon kami sa nagsalita.. Biglang naging puso ang mga mata ko. Mylabs.. namiss kita langya..
--------------------
Johnny's POV
Maaga kami ngayon dahil maghahanda pa kami para sa laban mamaya. Wala akong gana ngayong araw at nung mga nakaraang araw pa, di ko na alam kung ano bang nagyayari sakin.
Naglalakad ako ngayon papunta sa jaguars Headquarters, binabagalan ko ang lakad ko kahit alam kong malapit na ako malate. Di ko alam pero parang may hinihintay ako na humarang sa daan ko. Damn! malapit na ako sa headquarters pero wala pa ding baliw ang humaharang sakin ngayon.
Tumuloy na ako sa loob,.
"Yo! Spencer, sabado na ngayon pero bakit biyernes santo pa rin ang mukha mo?" si Dela cruz yan lakas talaga mang asar ng gago.
Di ko na lang siya pinansin. Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa bag ko. Tapos nagpalit na din ako ng jersey, may meeting muna kami bago kami pumunta sa school kung saan gaganapin ang laban.
Teka asan yung iba?
Bago pa ako makapag tanong kay jason nakalabas na siya. Sumunod na din ako sa kanya papunta sa gym..
Pagkapasok ko sa loob.
Nakita ko si Rea may hawak siyang notebook at ballpen.
"Ikaw Elvin magpapa-cheer ka? Bente isang sigaw sa pangalan mo, isang daan naman kapag may banner" sabi niya.
Biglang gumaan ang nararamdaman ko. Nagkakulay ang paligid. Parang nagkaron ng mga puso. Ano ba to nakokornihan na ako sa mga iniisip ko. lumapit na ako sa kanila, wala pa din ang iba, nandito na si captain.
"Good morning" masiglang bati ko sa lahat.. Napalingon naman sila sakin.
"kanina lang biyernes santo ang mukha ngayon naman pasko.." epal ni Dela Cruz..
"good morning my labs" bati ni Rea, di ko alam kung ngingiti ba ako o ano? Namiss ko ang kakulitan niya. Hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung bakit nya ako iniwasan nitong mga nakaraang araw.
Teka bakit nga pala siya nandito?
"Anong ginagawa mo dito babae?" tanong ko.
"Ako na ngayon ang bago niyong water girl.." masayang sagot niya. Proud pa talaga siya ha. Ang hyper talaga nito..
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...