Johnny's POV
Nandito kami ngayon sa labas ng simbahan, ngayong araw ang kasal ni captain at Hannah. Tiningnan ko ang ilang bisita at ilang abay na naghihintay sa bride. Alas kwatro ng hapon ang umpisa ng misa.
"Wala pa ba? Di na mapakali si captain sa loob," napatingin kami kay Burns. Wala pa din kasi si Hannah.
"Baka nagbago na ang isip," biro ni Turner.
"Dun mo sabihin yan sa loob Turner, sa harap ni captain dali," pang-aasar ni Fisher.
"Gago edi, hinalikan ako ng kamao nun," sagot ni Turner. Nagtawanan lang kami.
Kanina pa kami agaw atensyon dahil sa kaingayan ng jaguars.
"Pag tayo ang kinasal sabay tayong pupunta ng simbahan ha, para makasigurado ako na di mo ako tatakbuhan," narinig kong sabi ni Young kay Freya. Napapailing na lang ako.
"Pwede ba! Tigil tigilan mo ako Rosmar ha!" napalingon naman ako kay Freeman at Jenny. Kanina pa sila nagbabangayan, di pa din sila tapos? Si Jenny nga pala, ay kapatid ni Dela cruz. Kakauwi lang nya galing korea. Pero pinipeste na agad sya ng gagong si Freeman. Malakas tama ng kaibigan ko sa kapatid ni Dela cruz. Para syang lalaking version ni Rea.
Bigla akong natigilan sa naisip. Damn! Pangalan pa lang nya may kung anong damdamin ng bumabangon sa 'kin.
"Dumating na ang bride, position na po lahat para sa entourage!" sigaw ng coordinator. Nagsimula ng humanay ang jaguars, katabi ang mga babae nila. Napabuntong hininga na lang ako. At hinihintay tumabi sa 'kin ang partner ko.
Pero halos tumigil ang buong mundo ko ng mapatingin ako sa babaeng tumabi sa 'kin.
"Reaaaa!!!" magkasabay na sigaw ni Greshelat Mychiel. Halos di ko na marinig ang sinasabi ng mga tao sa paligid. Totoo ba 'to? Nasa tabi ko sya ngayon? Dalawang taon, dalawang taon kong pinuno ng galit ang puso ko, pero ang makita syang nakatayo ngayon isang dangkal mula sa 'kin. Parang bula na naglaho ang lahat ng sakit at galit sa puso ko.
"Mr. Spencer!" bumalik lang ako sa katinuan dahil sa malakas na sigaw ng coordinator. Napatingin ako sa paligid, nakatingin na sa 'kin ang lahat ng tao. Tangina! Nakapasok na pala ang ibang jaguars sa loob naiwan akong tulala. Tiningnan ko ulit ang babaeng nasa tabi ko. Damn!
Inangat ko ang braso ko, agad din naman nyang pinulupot ang kamay nya dun. Saka kami nagsimulang maglakad paloob.Yung kakaibang pakiramdam tuwing magkadikit ang balat namin damang dama ko sa mga oras na ito. Ang gulo ng isip ko. Dapat galit ako sa kanya ngayon. Pero hindi yun ang nararamdaman ko kundi sobrang pangungulila sa kanya. Habang naglalakad di ko mapigilan na hindi sya titigan.
Nagkamali nga ba ako ng desisyon noon? Dapat nga bang pinakinggan ko sya? Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa mga sandaling ito. Halos di ko na namalayan na nakarating na pala kami sa may end spot ng aisle at oras na para maghiwalay kami.
May kung anong kirot sa dibdib ko ng bitiwan nya ako. Tumayo ako kung nasaan ang ibang jaguars.
"Pare ayos ka lang?" tanong agad sa 'kin ni Howard. Tumango lang ako bilang sagot. Dahil kahit ako sa sarili ko, di ko alam kung ayos ba ako.
Akala ko nalimutan na sya ng puso ko, tangina hindi pala. Dahil sya pa din pala ang sinisigaw nito. Dalawang taon! dalawang taon ng sakit at pangungulila.
Tahimik lang ang jaguars at hindi na nagkomento pa.
Nagsimula ang misa ng kasal. Pero sa buong misa nasa kanya lang ang atensyon ko.
Di na ako nakatiis, nilingon ko si Montereal.
"Pare, ano bang nangyari kay Rea 2 years ago?" bulong ko. Halatang nagulat sya sa tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...