Pick Up 32: Vacation Days (PART 3)

47.9K 1.6K 49
                                    

Jason's POV

Alas dyes na ng gabi pero di pa din dumadating si Rea at si Blake. Kanina pa di mapakali itong si Spencer, halos mabutas na ang granite na sahig nitong mansyon kakalakad nya.  At kanina pa din umuulan ng mura dito.

"Fvck!" mura na naman nya.

"Pare upo ka nga muna wengya nahihilo yung bayawak sa tiyan ko dahil dyan sa kakalakad mo tungunu" reklamo ni Gibson, pero isang matalim na tingin  lang ang natanggap nya mula kay Spencer.

Tiningnan ko ang eagles, nandito din sila at naghihintay.

"Spencer pare umaapoy ka na, pwede kalma ka muna? Baka masunog tayong lahat dito" biro ni Jax isa sa mga eagles. Pinakyuhan lang sya ni Spencer wengya hahaha.

Umakyat na sa taas si Don Herald Adaipmil kanina at mahigpit nyang binilin samin na hintayin na lang daw dito sina Blake. Wala kaming magawa kundi ang sumunod, langya yung tatay nga ni Hannah nakakatakot na, ito pa bang lolo nila? Baka bigla na lang kaming paulanan ng bala ng baril pag di kami sumunod.

Tiningnan ko si Greshel na nasa tabi ko.

"Pahinga ka na babe, kami na lang ang maghihintay kay Rea," bulong ko.

"Ok lang ako babe," she smiled.

"Pahinga na kayo princess isama mo na din ang mga kaibigan mo," napatingin kami kay Zach. Tinanguan naman namin ang mga girls, halatang napagod sila sa byahe. Di na tumanggi pa sina Hannah at umakyat na din sa taas. Hinalikan ko muna si Greshel sa noo.

"Goodnight babe, I love you,"

"Ang sarap itapon ni Dela Cruz,"narinig kong pang aasar ng jaguars. Napansin ko naman ang paglabas ni Spencer.

Pagkaakyat ng girls, napuno ng katahimikan ang buong living room. Walang ibang maririnig dito kundi ang harok ng gagong si Howard, walang pasintabi dito na talaga natulog sa sofa nakataas pa ang paa ng walangya.

Nagkatinginan kaming lahat ng makarinig kami ng tunog ng makina ng sasakyan. Nagpakiramdaman muna kaming lahat.

"Fvck! Ano bang problema mo Spencer?!"

Halos sabay sabay kaming napatayo at napatakbo palabas ng marinig namin ang boses ni Blake.

———————————-

Blake's POV

Pinatay ko ang makina ng sasakyan matapos ko itong iparada, kadarating lang namin ng hacienda inabot na kami ng gabi dahil nahirapan ako sa pagpapalit ng gulong, ang dilim kasi dun sa lugar kung saan kami naflatan. Nilingon ko si Rea, di ko napigilan ang pag guhit ng ngiti sa labi ko. Langya, kahit tulog maganda pa din. Mukhang napagod sya dahil ang lalim ng tulog nya. Gigisingin ko na sana sya, pero di pa man lumalapat ang kamay ko sa braso nya ay may bigla na lang humila sa'kin palabas ng owner at sinalubong ang gwapo kong mukha ng isang suntok.

Nalasahan ko ang dugo sa bibig ko.

"Fvck! Ano bang problema mo Spencer?!" galit na sigaw ko. Agad na dinaluhan nya ako at hinawakan sa kwelyo, halos magkasing taas lang kaming dalawa.

"Anong problema ko ha? Eh gago ka pala eh, kasama mo lang naman ang girlfriend ko, at anong gagawin mo sa kanya kung hindi kita hinila ha?!" nakatiim ang bagang na bulyaw nya.

Napangisi na lang ako sa sinabi nya.

Akmang uupakan nya ulit ako ng bigla syang awatin ng jaguars.

Tiningnan ko sya deretso sa mata.

"Aaminin ko, gusto ko ang girlfriend mo pare, pero hindi dahilan yun para pagsamantalahan ko sya tulad ng iniisip mo,"

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon