Pick Up 19: My Sweet Confession!

89.2K 2.5K 198
                                    

Dedicated to Jagmin Mansanas, dahil nanalo sya sa rebus kaninang madaling araw.. Congrats ulit.. Punta ako sa inyo ha, makiki-WIFI hahaha.. :*

------------------------------

Rea's POV

"Mylabs may sakit ka ba?" tanong ko, nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa bahay ni coach.. 

Di sya nagsalita, hindi din nya ako nililingon.. Pano ba di ako magiging assumera kung ganito naman lagi ang pinapakita at ginagawa nya?, tulad na lang ng bigla nyang paggulo sa buhok ko tapos ito, itong pagsundo nya.. mylabs ano ba talaga? Paasa lang ang peg? 

Mga ilang minuto pa ay nakarating din kami kayna coach, nandito na ang iba, mukhang kinuha pa nila ang mga kotse nila sa school, kasabay namin dumating si Tristan, may kasama sya, kung di ako nagkakamali kaibigan sya ni Greshel.. Mychiel yata ang pangalan nya.. 

Nginitian ko lang sya.. Akmang kukunin ko kay mylabs ang bag ko kaya lang nilampasan na nya ako at pumasok sa loob.. Ano bang problema ng lalaking yun bukod sa pagiging gwapo? 

Pagkapasok namin sa loob naabutan namin si Jason na nag pupush up, ano na naman ang trip ng taong yan? 

"Wengya ano na naman kagaguhan ginawa mo Dela Cruz?" pang aasar ni Kevin.. 

"Masama na bang bumati ngayon?" reklamo nya.. 

"Make it 200 Dela Cruz.." napatingin kami kay captain Shield.. 

"Pfft katwiran pa more hahaha.." nagtawanan ang jaguars.. Di ko sila gets.. 

"Ngayon lang kita nakitang nakasuot ng short.." napalingon ako kay Hannah.. Ngumiti ako sa kanya.. 

Nakasuot ako ng oversize tshirt at maong short and rubber shoes.. 

"Mas lalo kang gumanda Rea.." narinig kong komento ni Elvin.. 

"Salamat pero wala akong barya.." sagot ko.. 

"Ok lang, pag talaga ako di nakatiis liligawan kita.." tinaasan ko ng kilay si Elvin.. 

Nagulat ako ng padabog na lumabas si mylabs.. Hala, anong nangyari dun? 

"pfftt apektado ang gago.." narinig kong bulong ni Kevin.. 

Di nagtagal tinawag na kami ni coach, nilagay namin ang mga bagahe namin sa kotse nila at kami naman ay sumakay sa isang medyo may kalakihan na van.. Katabi ko si mylabs na nasa side ng window  nasa kabilang side ko naman si Jana at Jonathan.. 

"Ang daya.. dapat pala nagsama din ako ng isa sa mga girlfriends ko.." narinig kong sabi ni Elvin.. Nagsimula ng magbiruan ang jaguars pero wala sa kanila ang atensyon ko, kundi nasa lalaking tahimik na nasa tabi ko.. 

Galit ba sya? May nagawa ba akong mali? 

Bigla kong binawi ang tingin mula sa kanya ng bigla na lang syang lumingon sakin.. Teka, di naman ako basta basta natatakot sa tingin nya ah, pero bakit ngayon, bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba.. 

Naramdaman ko na hinubad nya ang jacket nya, at laking gulat ko ng ipatong nya yun sa hita ko.. Nang lingunin ko sya nakasandal na ulit ang ulo nya sa inuupuan nya at nakapikit ang mga mata.. 

Tumahimk na din ang ibang jaguars hanggang sa naging mapayapa ang byahe.. Ang daming tanong sa isip ko, at dahil dun medyo tinamaan na din ako ng antok.. Sinandal ko ang ulo ko sa inuupuan ko.. Bago pa ako tuluyang agawin ng antok naramdaman ko na may marahan na humawak sa ulo at sinandal sa balikat.. I smiled. Ano ba talaga ang totoo mylabs? Bakit ganyan ka? Di na nga ako makaget over sayo, nababaliw na din ako dahil sa mga pinaparamdam mo.. 

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon