Pick Up 22: First M.U

65.1K 1.9K 75
                                    

Johnny's POV

"Mylabs asan ka na?" kausap ko ngayon si Rea sa phone, may usapan kami na magkikita ngayong araw. Sabado ngayon, at dalawang linggo na ang lumipas simula nung insidenteng naganap sa batangas. 

Nasa ospital pa rin hanggang ngayon si ms.manager good thing dahil may malay na sya, 1 more week pa daw bago sya tuluyang makalabas.. 

About naman kay captain, wala pa din kaming balita ganun din kay Jana. Wala syang kino-contact kahit isa samin, same with Montereal.. 

Pero dahil malaki ang tiwala namin kay captain, alam namin na babalik sya. Ibabalik nya din ang lahat sa dati.

[Teka mylabs, isang kanta na lang 'to..] napakunot ang noo ko sa sinabi ni mylabs. Kanta? San sya kumakanta? 

"Mylabs, sabihin mo sakin ang totoo? Nasaan ka?" tanong ko. Sa loob ng dalawang linggong lumipas, palagi na lang akong nagugulat sa mga raket ng girlfriend ko sa buhay.. 

[Nasa may lamay ako, kumakanta hehehe] sagot nya. Anak ng.. lamay? Ibig sabihin sa patay? Malamang kaya nga lamay di ba? 

"Mylabs naman, san yan pupuntahan kita.." sabi ko at agad na sumakay sa kotse ko. Nasa isang park ako kung san dapat kami magkikita, tapos malalaman ko na nasa lamay sya? Langya.. 

[Wag na mylabs, kaya ko na 'to hintayin mo na lang ako sa park] 

"Rea Snyder sasabihin mo sakin kung nasaan ka o ako mismo ang hahanap sayo?" nagbabantang tanong ko.. 

Agad kong pinatakbo ang kotse ng sabihin nya ang address. 

Naiinis ako! Naiinis talaga ako wengya, pwede naman wag na lang syang rumaket ng ganun at ipaubaya na lang nya sakin ang pinansyal na mga bagay at mag focus na lang sya sa pag aaral. 

Pero dahil si Rea Snyder sya, alam kong wala sa personality nya ang ipaubaya sakin ang mga bagay na tulad nito. Pero masisisi nyo ba ako? Girlfriend ko sya, siguro naman may karapatan ako na tulungan at damayan sya sa mga bagay bagay kahit  usapang pera pa yan. 

Wengya sa dalawang linggo namin, wala akong narinig sa kanya na gusto nya nito, gusto nya nun, di tulad ng mga naging girlfriend ko na gastos dito, gastos doon. Dapat ba akong magpasalamat dahil hindi gastador ang girlfriend ko? O dapat akong mainsulto dahil ayaw nyang tumanggap ng regalo galing sakin?

Di ko napigilan at nahampas ko ang manibelang hawak ko, tangna naman oh. 

Alam ko nagsisimula pa lang kami, pero di ba magandang simula na magtulungan kami sa lahat ng bagay? 

Nadatnan ko si Rea na naghihintay sa labas ng gate, sa bahay kung saan may lamay. Napansin ko agad ang dala nyang gitara. 

Bumaba ako ng kotse at nilapitan sya, kinuha ko ang hawak nyang gitara at pinagbukas sya ng pinto ng kotse. 

"mylabs.." tiningnan ko lang sya. Nung di ako tumugon ay sumakay na din sya. Nilagay ko sa backseat ang gitara at sumakay na din. Tahimik na pinaandar ko ang sasakyan.

"Mylabs galit ka ba?" tanong nya.. Galit nga ba ako? Ang tanong, may karapatan ba akong magalit? Oo boyfriend nya ako, pero pagdating sa mga raket nya pakiramdam ko wala akong karapatan na pakialaman sya.. 

Di ako nagsalita at nag focus na lang sa pagdadrive.. 

"Mylabs ano bang problema? Galit ka ba dahil sa di ko agad nag punta sa park? Mylabs magsalita ka naman oh, may nagawa ba akong mali?" tiningnan ko sya, pero agad ko ding binawi ng makita ang lungkot sa mga mata nya.. 

My Pick Up GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon