*March 13, 2022(Thap POV) 'Thap... Anak...gising na anong oras na, ikaw talagang bata ka lunes na lunes di ka na naman papasok? Yung mga kapatid mo kanina pa umalis ikaw nakahilata pa jan." Yan ang bungad agad sa akin ng aking mama.
.
.
Sabagay sino ba namang magulang ang hindi magagalit alas 8 na ng umaga nakahilata pako sa kama. Si mama ang nagiging alarm ko tuwing umaga.
Sya nga pala ako si Thap Salvador .
....... 20 yrs old nako and nasa Senior High School, tingnan nio nalang yung Picture at kayo nadin ang humusga, 3 kaming magkakapatid at ung sumunod sakin si Fred Salvador

....17 yrs old, sabi ni Mama kamukhang kamukha daw nya si Papa noong kabataan pa nito, hindi man ganoon kaputi noon si Papa di tulad ni Fred na Mistiso, Matangkad, sakto lang ang kanyang pangangatawan, may dimples, makapal din ang kanyang kilay kaya hindi talaga maikakaila na magandang lalaki itong si Frederick haha yan ang totoong pangalan nya pero Fred kung sya ay tawagin sa school at dito sa bahay. Nakaka old daw kasi pag tinawag pa sya sa kanyang Full Name tingnan nio nalang din ang picture nya, at syempre ang bunso namin si Charles Salvador

....15yrs old. Noong umulan ng kagwapuhan at ka'Cutean mukhang magdamag naligo tong bunso naming kapatid. Nasalo nya yata bawat patak ng ulan. Kasi naman sa aming tatlo sya talaga ang mas may itsura. Tingnan nio nalang din yung Picture sige.. pagsawaan ninyo HAHAHA biro lang.
Magkakasundo kaming tatlo kaya naman walang naging problema samin si Mama pagdating sa Pag aaruga dahil sanggol palang si Charles ng iwan na kami ni Papa ,nabaril sya habang papauwi galing trabaho hindi namin nakamit ang hustisya dahil hindi namin alam kung sino ang may sala kaya Mahal na mahal namin si Mama at ngayong malalaki na kami, kami na ang nagaalaga sa kanya. Masakit man para samin ni mama ang pagkawala ni Papa subalit patuloy kaming namumuhay ng payapa at masaya.
'HALAAA. Mama bakit di mo ko ginising agad...may exam kami ngayon ugghh...sabi ko sayo Ma' gisingin mo ko nga maaga ee."
Mabilis akong bumalikwas sa aking pagkakahiga na halos magkandarapa nako sa pagmamadali,.. my gosh monday nga pala ngayon at may exam pa kami kay Ms. Belmomte. Anung oras na kasi ko nakauwi kagabi dahil birthday ng kaibigan kong si Night medyo masakit pa yung ulo ko dahil sa hangover.
"Aba? Bakit ako pa sinisisi mo ngayon, anong oras ka na naman umuwi kagabi aber?? At san nanaman galing yang peklat sa kilay mo ahh? Nako Thap siguraduhin mong nag aaral kang mabuti at di mo sinasayang ung pampaaral na pinaghihirapan ko nako ikaw tlagang bata ka".
Sagot sa akin ni mama habang nakapa meywang pa ito at sinesermonan ako.. sanay na akong masermonan ni Mama pero mahal kopa din sya.
"Sige na Mama lumabas ka muna at maliligo ako.. hmmmmm okey lang ba Ma pakilagyan nadin ng pagkain ung baunan ko Pleeeasee..." sabi ko kaya Mama "Kanina pa naka ready ang baon mo sa kusina bilisan mo na jan ah, pupunta lang ako sa tita mo. Bilisan mo jan kung ano nanaman gagawin mong bata ka"
.
.
binigyan ko ng napaka Cute na expression si Mama habang palabas ito ng aking kwarto. Tumango nalang si mama at dalidali akong nagtungo sa banyo at nagmadaling maligo, binilisan ko na ang paggayak dahil sobrang late na late na talaga ko. Sana papasukin ako ng guard hayss
.
.
.
.
.
Pagdating ko ng School as usual hinintay ko na naman ang second subject ko buti nalang close ko si kuyang Guard at pinapasok ako agad at buti nalang 3rd subject pa ang Exam namin.
Habang naglalakad ako sa Hallway papunta sa Room namin, bigla akong kinutuban sa nakita ko.... oo tama... sila ang dahilan kung bakit may pekas ako sa kilay at kasalanan nila kung bakit lagi akong nasesermonan ni Mama."Sineswerte ka nga naman... sa dami dami ng pupuntahan ko dito pa kita makikitang mokong ka.."
haysss eto na naman hinding hindi talaga ko lulubayan ng kumag nato... Sya nga pala si VANS DEL PRADO .
Maangas at kilalang siga sa aming school, madaming estudyante na ang napalipat nya ng school dahil sa takot at isa na ko don pero di nya ko mapapalipat ng school dahil di naman ako duwag syempre, at may kasama syang diko alam kung san mga pinaglihi ang mga kumag HAHAHAH.
Dahil may mga kasama nnaman sya syempre di ako uubra sa kanilang 4 hindi naman ako duwag pero takot ako. Kamahal mahal ng mga ginagamit ko sa mukha ko tapos gagasgasan lang nila. Kaya naman Mabilis akong tumakbo patungo sa aming room, mejo may kalayuan pa ito kaya naman walang habas akong nagtatatakbo para di nanaman maabutan ng mga mokong nayon.
Dahil sa bilis ng aking pagtakbo hindi ko na sila matanaw kaya huminto na muna ko sa isang gilid at syempre alerto ako dahil baka mamaya biglang sumulpot ang mga yon. Napasandal ako sa pader dahil sa pagod at sobrang hingal, kaya napapikit lang ako.... ng biglang may humila sa aking braso at laking gulat ko sila VANS na pala un, "patay wala na naman akong kawala sa mga mokong nato",
banggit ko sa sarili ko.
Kaya isang malakas na suntok sa aking sikmura at sumunod sa mukha ang pinakawalan ni VANS na dahilan ng pagkatumba ko.." Pinahirapan mo pa kaming mokong ka hahaha ano akala mo matatakasan mo kami hah? Pero jan ka nagkakamali , dahil pinagod mo ko eto sayo ughhh..."
isang malakas na pagsipa ang ginawa ni VANS kaya naman bigla akong napasigaw dahil sa sikmura ko ito tumama. Isang sipa pa sana ang papakawalan ni VANS ng biglang may pumito sa di kalayuan yun ay ung Guard at biglang nagpulasan ang grupo nila VANS at tumakbo sa kung saan. Inaasahan ko na tutulungan ako ni kuyang Guard subalit bigla nadin itong umalis .. Hirap akong tumayo dahil sa sobrang sakit ng sikmura ko pero pinilit ko padin para makalayo na din doon baka mamaya balikan pako ng mga yon. Pero may araw din sakin yung mga yun humanda sila..
Nang makatayo ako at kahit hirap sa paglakad pinilit kong makapunta sa Cr para ayusin at linisin ang sugat ko ,syempre always ready ako may dala akong First aid Kit dahil alam ko sa sarili ko na mangyayari ang ganung kaganapan.
Hindi ko na nakuhang mag sumbong kahit kanino dahil alam kong pag nalaman nila yon hinding hindi nila ko lulubayan at baka may madamay pa. Maayos na ko ng lumabas ako ng CR at tumungo na ko sa Room namin, tamang tama wala pa ung teacher namin na magpapaExam. Pagpasok ko ng Room namin agad akong sinalubong ni TIM at LEX,
... sila ang mga kaibigan ko pero hindi nila alam yung nangyayari sakin. Madalas kasi na hindi ko sila nakakasabay pumasok ganun din sa pag uwi.
.
.
.
"Pre, anu ba nangyayari sayo? Kundi ka late , hindi ka nakakapasok sa ilang subjects natin? May problema kaba? At saka bakit ganyan itsura mo? San kaba galing? Halika nga tumalikod ka ang dumi dumi ng likuran ng damit mo. Pre ahh may hindi ka sinasabi samin.
Pag aalalang tanong sakin ni TIM
.
.
"Pre wala to may inasikaso lang kasi ko kanina, saka nagpasama pa si Fred kaya nalate ako."Gusto ko mang sabihin ang totoo sa kanila pero ayukong dumating sa point na pati sila madamay. Hays mahirap talagang kalaban si Vans. Ewan ko ba wala naman akong ginagawa sa kanila kaya bat ako pa napagtuunan ng pansin non. Ee ang totoo diko naman kilala yung girlfriend nya. Baliw talaga yung lalaking yon.
======================================
*Pasensya napo kayo hahaha bago lang po kasi ako dito so, i need your support nalang po.* susubukan ko po na mas maging maganda at paninindigan ko po ang sinimulan kong istorya.. Happy Reading mga Ka Wappy!!!..
---
Please Dont forget to Comment, Vote and Share.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...