*Scene bago pumunta sa Eatery.
(VLAD'S POV)Tapos na ang ilang araw naming pahinga, and today back to Normal na lahat syempre back to school na nadin. Hayss. Ang daming nangyari ng mga nakaraang araw ,pagod na katawan, pagod pa utak. Mas lalong stress na dahil sunod sunod na exam ang nakaline up samin.
.
.
Pagdating ko ng Room namin start na ng klase, as always... late nanaman tayo.
"Mr. MENDEZ.. late ka nanaman.. umupo kana dahil alam ko naman na ang idadahilan mo." Soooo... hahaha sanay na si prof sakin hahah.
Kaya umupo nako sa chair ko, well discuss lang naman ang ginawa ni Ms. Agaton kaya kunyari nakikinig tayo pero ang totoo na discuss na samin last time inulit lang dahil ilang days din nag vacant.
.
.
.
.
Hanggang sa natapos ang ang 3 subjects namin this morning kaya Lunch time na..
So palabas ako ng Room namin ng salubungin ako ni Bryan at Hunter, wala ung isa naming kaibigan dahil hindi daw ito pumasok. Hindi kami mag ka room nila Bryan dahil nasa kabilang section sila. Pero parepareho kaming mga Freshman dito sa School.
.
.
"Ano bro, sa labas nalang tayo kumain. Medyo mahaba pa yung oras natin wala din kaming 1st subject this afternoon." Tanong sakin ni Bryan. So dahil kami din naman walang 1st subject dahil may emergency meeting daw sa faculty, ay napagpasyahan namin na sa labas nalang kumain. Mas masarap kasi ang mga foods sa labas ng School. Kaya mas pinili namin na sa labas nalang mag lunch.
.
.
.
"May alam ako guys malapit sa Highschool Campus sikat na kainan don." Anyaya ni Hunter.
.
.
.
."Nakooo.. ikaw alam ko na yang galawan mo may gusto ka nanamang silayan don. Hahah bro ah mahilig ka pala sa mga Highschool Chikas hahah"pabirong sabi ni Bryan.
.
.
.
.
"Nagkaasaran pa kayong dalawa e parehas lang naman kayong mahilig sa bata Hahahah"pabirong sabi ko naman.
.
.
Natahimik yung dalawa. At sabay pang tumingin sakin.
.
.
"Wooooww.. Kung makapagsalita ka naman ikaw nga kahit minsan wala kang naipakilala samin hahaha." Ahh. Bumabanat ka Hunter...
.
.
.
.
pero tama naman sila haha wala pa talaga kong naipapakilala sa kanila pero nagkaroon ako ng karelasyon noon di ko lang sa kanila sinasabi. Pero matagal na un wala na nga akong balita sa kanya ee. Pero sana wag na syang bumalik kasi ayuko sa babae ung desperada saka maarte.
."Pero kamusta naman kaya si Nicole ehem... " sambit ni Hunter ....hah? Bakit kilala ng mokong nato si nicole diko nga sa kanila pinapakilala yun kasi masyadong sensitive un kaya buti nalang talaga nakipag hiwalay nako sa kanya kahit sya mismo ayaw nya.
.
.
.
Well nandito na nga kami sa kainan na sinasabi ni Hunter. Mukhang masarap nga kumain dito kasi ang daming pumapasok. Ang dami ding mga Students from Highschool and other school. Mukhang sikat na sikat nga ito.
.
.
.
Nang pumasok na kami sa loob ay mukhang wala na kaming mauupan. Nilibot ko ang aking paningin upang maghanap ng pweding maupuan, ng makita ko ang familiar na mukha. Nasa dulo sila ng unang lane ng mga lamesa at upuan.
Tama... nakita ko na nga sya.. sya ung kaibigan ni Thap. Si Tim at Lex at... yung nakatalikod ay si..... Thap???.Sa di inaasahang pagkakataon, dito pa sa eatery na ito makikita si Thap, kasama yung kaibigan nya.
.
"Guys order na kayo, ahmf maghanap lang ako ng available na lamesa. Adobo ung sakin saka strawberry milk drinks." Paalam ko sa dalawa at inutusan ko nadin na umorder.
.
.
.
Habang papalapit ako di pako napapansin ng dalawa subalit nadidinig ko pinag uusapan nila.. "ako ba pinaguusapan ng mga to?.sabi ko sa sarili ko habang papalapit sa kanila.Dinig ko pa habang nag sasalita si Tim at kausap si Thap
"Pero kamusta naman yung nararamdaman mo ngayon? I mean ngayon na nagkita na kayo ni Red? Vlad ? Kahit sino man sya."
.
.
"Diko pa alam Tim, pero yung totoo, nung nalaman ko na lahat, masaya naman ako na makita sya, hindi lang ako makapaniwala and ang dami naman nang nagbago sakin. And i know na sa kanya din." Yun yung sinabi ni Phatt.Tama ba yung nadinig ko? Masaya sya na makita ako. So hindi sya galit sakin.
Gusto ko pa madinig ung pinag uusapan nila kaya buti nalang umalis na yung dalawang nakaupo sa likod nila. Hindi naman nila ko napansin na umupo malapit sa kanila dahil abala sila sa pag uusap. Pasensya na kung may pag ka tsismoso ako haha.
.
.
.
"Pero namimiss mo diba?, kahit hindi mo sabihin samin hanggang ngayon namimiss mo. Kilala ka namin, kaibigan mo kami, mas matagal mo kaming nakasama kaya bawat hibla ng buhok mo hanggang sa kaduluduluhan ng balat mo alam namin."
Yung ung narinig kong sinabi ni Lex. Inaabangan ko kung ano ung sasabihin ni Thap. Namimiss nya kaya ako. O namiss nya kaya ako. Noong magkalayo kaming dalawa.
.
.
"Yung Totoo?? Oo naman miss na miss ko sya.
( waaaah.. diko alam pero parang gusto kong ulitin yung sinabi nya na yon.. biglang bumilis ang tibok ng puso ko.)Pero sa ngayon masyado pang maaga para bumalik ang lahat sa dati. May mga sarili na kaming buhay. Hindi na katulad noon."
Ouch sakeet... biro lang.. alam ko naman na hindi ganon kadali na bumalik yung dati saming dalawa. Tama naman sya. Ang tagal ng panahon na nagkalayo kami at hindi ganon kadali na kalimutan nalang ang lahat.
.
.
.
Napatingin ako sa kina uupuan nila pero hindi ko alam kung natanaw ba ko ni Tim dahil parang nakatingin ito sakin at kumunot pa ung kilay nito.
.
.
"Anu yung sabi mo ulit ung una?? Pakiulit??? "
Muling tanong ni Tim... no way mukhang natanaw nga nya ko.. ngumisi pa ito ng muling tanungin si Thap..
.
.
.
"Ang sabi ko oo... miss na miss ko sya.. ano masaya kana..? Sambit muli ni Thap.
Kita ko na nagbulungan ung dalawa at biglang natingin sakin..
"Talaga ? Miss moko?...." yan agad ang lumabas sa aking bibig. Nagulat din ako sa nasabi ko. Pero nasabi kona wala nakong magagawa.
.
.
Mabilis na lumingon sakin si Thap. Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat at pagkabigla.
Natatawa naman ung dalawa nyang kasama."Vlad?" Natawa ko sa reaksyon nya, ang Cute cute tlaga nya kapag ganyan nagiging reaksyon nya.
Agad naman itong tumingin sa dalawa.
Dinig ko pa ang sinabi nito kahit mahina.
"Alam nio na nandito sya?" Sambit nito sa dalawa.
Natawa nalang ang dalawa at sabay tango tanda ng pag sang ayon ng mga ito.
"Kanina kapa ba jan?"tanong sakin ni Thap. Kaya tumango nalang ako. Kita ko sa mga mata nya ang Kaba. Halos lahat kasi ng sinabi nya nadinig ko. HAHAH"So namimiss mo ko? And hindi ka galit sakin?" Tanong ko naman sa kanya..
Ilang saglit lang dumating nadin ung dalawa kong kaibigan dala dala ang biniling pagkain.
"Bro, what's wrong ? may problema ba dito?" Tanong sakin ni Bryan.
.
.
.
"Nothing Bro, ahhh actually ahmm. I just want you to meet. Thap.." pagpapakilala ko dito. "Thap , Bryan and si Hunter ..mga kaibigan ko.. and si Lex and Tim friends ni Thap." ako na din nagpakilala sa kasama ni Thap. Naging Midiator pako ng dalawang to ah...======================================
To be continued
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...