LOVE & LIES: CHAPTER 12(4/4)
(THAP'S POV)
Nang kinagabihan ding yon sabay sabay na kaming nagtungo sa bahay nila Lex kung saan sya nakaburol. Nakakalungkot at masakit man para sa amin lalong lalo na kay Tim ang kanyang biglaang paglisan subalit hindi dito natatapos ang lahat. Kailangan naming tanggapin na wala na talaga ang kaibigan namin.
Nang makarating kami sa kanilang bahay ay naabutan na namin ang ilan sa aming mga kaklase at kaibigan namin. Agad naman silang lumapit sa amin at marahang niyakap si Tim ng mga ito.Hindi din nagtagal ay pumasok na kami sa loob ng bahay. Inalalayan ko agad si Tim dahil unti unti na itong nagiging emosyonal.
Lumapit na muna kami sa Mama ni Lex upang makiramay dahil sya lang ang nagbabantay sa loob at nasa Hospital pa kasi ang Papa nya at yung kapatid ni Lex, marahan ko nading inalalayan si Tim na maupo malapit sa kabaong ni Lex at Naupo nadin kami ni Vlad sa tabi ng magulang ni Lex."Tita,.sorry po ah, kung ngayon lang po kami nakarating ,sinamahan papo kasi namin si Tim ,sobra po syang nabigla at hindi makapaniwala sa nangyari kay Lex." Sambit ko sa kay Tita Lorraine.
"Akala ko panaginip lang ang lahat, ang saya saya pa naman nila kagabi nung tumawag sila sakin dahil sa wakas matutupad na yung pangarap nilang dalawa na magkaroon ng sariling negosyo. Pero di ako makapaniwala na sa ganitong paraan at ganito kaaga mawawala ang anak ko." Sambit ni Tita at simula na ring naging emosyonal.
Hinagod hagod ko ang likod ni Tita ng sa ganon maging magaan kahit papaano ang kanyang pakiramdam.
Maya maya lamang ay may lumapit sa aming isang lalake na nag aabot ng tinapay at mainit na kape. Nakakahiya man subalit kumuha nadin ako at inabutan ko si Vlad.
Mahigit isang oras na kaming nagkkwentuhan nila Tita Lorraine kaya naman napagpasyahan muna namin ni Vlad na lumabas upang puntahan ang iba naming mga kaibigan. Naiwan nadin si Tim sa loob na kanina pa tahimik kaya hinayaan na muna namin syang mag muni.
"Baka gusto mo na muna magpahinga at umidlip ka muna sa kotse, anung oras na din. Ako na bahala sa ibang mga kaibigan natin dito para naman may lakas kahit papano" Sambit sakin ni Vlad, actually medyo inaantok nako pero hindi naman ako pweding matulog dahil kasama kopa sila at alam kong kanina pa kami hinihintay ng iba naming mga kaibigan sa labas.
"Okey lang ako, puntahan nalang muna natin sila sa labas." Saad ko naman sa kanya subalit nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko pero hindi naman na bago sakin un dahil madalas nya itong gawin.
"Kung yan ang gusto ng mahal ko sige. Pero kung di mo na kaya ang antok sabihin mo lang ah para makapag pahinga ka muna sa sasakyan." Sambit ni Vlad sakin.
Nagtungo na nga kami sa labas at nandoon nga ang aming mga kaibigan, abala sa paglalaro ng baraha at di alintana ang antok at mukhang enjoy na enjoy pa sila sa kanilang paglalaro.
Lumapit ako kay Dan na syang bangka sa kanilang laro. Tumingin naman ito sakin at tumango.
"Oh Thap baka gusto niong sumali para maganda ganda ang laban. Medyo mahihina tong mga kalaban ko ee. HAHAHA"
saad ni Franz na isa sa aming kaibigan, kakauwi lang nya galing Sydney, Australia dahil nalaman nga nya na magbubukas ang Business ni Tim at Lex subalit ganito ang maabutan nya. Nang mahagip ng mata nya si Vlad ay laking pagtataka ko kung bakit ganun na lamang ang pagbabago ng kanyang tingin pero hindi ko nalang ito pinansin."Nako yan pa talaga ang hinamon mo ea alam mo naman na hindi yan naglalaro ng kahit anong sugal HAHAH. Vlad ikaw marunong kaba tara ng mawala yabang nitong Australiano nato HAHAHA"
sambit ni Dan na mukhang natatalo na hahaha, tama naman si Dan hindi talaga ko marunong ng kahit anong laro sa baraha. Basta ang alam ko lang manood kahit hindi ko naiintindihan kung ano yung mga pinag gagagawa nila HAHAHA. Nagulat nalang ako ng biglang umupo si Vlad malapit sa tabi ni Dan.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...