(Makalipas ang 2 araw)(VLAD'S POV)
Nandito ako sa hospital ngayon nag papagaling dahil sa tinamo kung sugat mula sa tama ng baril. Hindi padin ako makapaniwala na aabot kami sa ganon. 2 araw na ang nakalilipas pero sariwa pa sakin ang lahat, sobrang namimiss ko na sya. Hindi ko akalain na ganoon ang mangyayari kay Thap. Napakabait nyang tao, pero hindi ko akalain na may mga tao palang galit sa kanya.
Kakagising ko nga lang pala at alas- 8 na ng umaga. Hinihintay ko si Ate dahil tumawag sya sakin kagabi dadaan daw sya dito. Pero maya maya lang ay dumating na sya.
" Bro... what happened.. are you okey na? Nung tumawag sakin si Bryan sobra talaga kong nag worried sayo. And i call mom and dad kaya mamaya nandito nadin sila" saad ni Ate sakin. Umupo ito sa chair na katabi ng higaan ko. Inilapag nya ang dala nyang isang basket na prutas at isang box na diko alam kung pagkain ba yon o ano.
"Im fine ate.. and baka bukas makalabas nadin ako."sagot ko kay ate.
Ngumiti lang ako sa kanya.
Maya-maya ay dumating naman si Bryan na may bitbit ding paperbag actually pinakuha ko kasi sya ng pamalit kong damit sa condo at iba pang gamit ko ngayong araw, lalabas naman na ako bukas kaya hindi ko na pinadamihan." Hey Bro... kamusta na pakiramdam mo?.. ahhh hellow ate Sam. Kanina kapa ba?" Sambit ni Bryan at inilapag na ang mga gamit ko sa lamesa.
"Hmm hindi naman, halos kakadating ko lang din. Salamat sa pag asikaso sa kapatid ko ah. Buti nalang you'll be there for my brother.
O sya wait lang ah. Cr lang ako... maiwan ko muna kayong dalawa jan ah." Nag iinarte nanaman ang ate ko haha yun nga nagtungo na din sya sa CR ng kwarto ko."Btw, may kasama nga pala ko. Tinawagan nya ko kanina gusto ka daw nya makita. Teka tawagin ko may kausap lang sa phone kaya hindi ko kasabay pumasok."
Kasama?... ah baka si Hunter kasi hindi pa nadadalaw yong mokong nayon.
Kaya naman agad lumabas si Bryan para puntahan yung kasama nya sa labas.Di din nagtagal ay agad na pumasok si Bryan kasama si Hun.....
Thap??? Si Thap ang kasama ni Bryan...Akala ko umalis na sila... akala ko hindi ko na sya makikita... biglang nabuhay ang dugo ko.. akala ko iniwan na nya ko..
"Thap... ano ginagawa mo dito?... i mean hindi ka umalis" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko kayang umalis, hangga't hindi ka okey and Ggraduate pa ko noh. Pero pagkatapos ng Graduation babalik na kami sa Province. Tumawag lang ako dito kay Bryan para makisabay. Kamusta ka na pala, yung sugat mo? Sorry hah... pati ikaw nadamay.. alam kong ng dahil sakin kaya ka nandito." Paliwanag ko sa kanya.
Kita ko sa mukha ni Thap ang lungkot."Anu kaba, wala ito.. at saka wag mo ng isipin yon okey? Tapos na.. wala ng manggugulo sayo and nakipag ugnayan nadin ako sa Police na wala akong magiging problema dahil matibay ang ebidensya na binigay namin. Kaya wag ka ng mag worried okey."
Maya maya ay lumabas na si Ate Sam sa Cr. Nagulat pa sya dahil nakita nya si Thap.
"Siya nga pala, ahh Ate si Thap.... Ate sya ung lalaki sa ilog remember? Nung mga bata pa tayo.." pakilala ko kay Ate. Medyo nagulat pa sya dahil hindi makapaniwala na magkikita ulit sila nito. Matagal na panahon na hindi sila nagkita simula nung umalis kami sa probinsya.
"Phatt??? OMGad.. ikaw na yan.. How?? Pano kayo nagmeet together? Red ah.. hindi mo sakin sinabi na nagkita na pala ulit kayo? In a long long decades.." arteng saad ni Ate. Natawa nalang kaming tatlo sa tinuran ni Ate Sam.
Kasi naman simula nung nagkita kami ni Thap, hindi ko sa kanya nakwento lahat kasi naman madalang lang kaming magkita.."Hellow po ate, kamusta na po kayo? Akala ko po nakwento na sa inyo ni Vlad na nagkita po ulit kami."paliwanag naman ni Thap.
Nako eto na nga nagsama ang dalawang madaldal. Baka naman maOP na kami ni Bryan sa dalawang to."HMM.. Hindi nya sakin sinabi. Kasi naman madalang na kami magkita nito. Kung di lang dahil sa nangyari sa kanya hindi kami magkikita. Im busy person kaya yon. Btw.
Ang sabi ni Bryan sakin ikaw yung kinidnap right? What happened.. okey ka lang ba?" Kita mo tong Bryan nato. Isa din palang madaldal pati yon kinwento kaya ate. Eto namang si Ate ako tong nakaratay dito parang mas concern pa sya kay Thap hayss.. Tiningnan ko nga sya ng masama pero nginitian lang ako neto at nag peacesign pa.Pero kung nagtataka kayo kung ano ba talaga nangyari. Hmmmm
=====*Throwback
(SOMEONE'S POV)
Nung gabing naganap ang paghaharap ni Vans at Thap, inaakala nito na katapusan na nya, dahil sa tagpong iyon ay nakatutok na sa kanyang ulo ang baril na hawak ni Vans.
Napapikit na lamang si Thap at hinihintay nalang ang pagkalabit ni Vans ng gatilyo ng kanyang baril.
Hindi na halos humihinga si Thap sa pagkakataong iyon. Hinihintay nalang nya ang kanyang pagbagsak
Maya maya ay biglang pumutok ang baril....Subalit sa di inaasahang pangyayari. Bigla nalang humandusay sa lupa si Vans at nananatiling nakatayo si Thap. Hindi padin ito gumagalaw sa kanyang pagkakatayo dahil sa sobrang kaba at takot.
Dahan dahan nyang binuksan ang kanyang mga mata at tiningnan ang katawan ni Vans na nakadapa lupa at umaagos ang dugo mula sa kanyang ulo.
Dahan dahan din syang tumingin kung saan nanggaling ang putok ng baril.
Nakita nya si Vlad na nakatayo at akay akay ni Bryan. May hawak itong baril.na hanggang ngayon ay nakataas padin. oo tama kayo... si Vlad ang bumaril kay Vans..
Agad namang nagtungo ang dalawa sa kinaroroonan ni Thap."Hindi kita pwedeng iwan dito ng mag isa, hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo. Ayokong mawala ka sakin." Sambit ni Vlad. Bumitaw si Vlad kay Bryan at agad na lumapit kay Thap at mabilis nya itong niyakap.
Agad na tumulo ang luha ni Thap, hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Thap sa oras na ito..
Subalit ng mayakap sya ni Vlad at parang napaka safe nya sa pagkakataong iyon."Natatakot ako... akala ko mawawala nako... akala ko hindi na kita makikita.. hindi ko na makikita sila mama at mga kapatid ko... salamat sayo.. salamat sa inyo." Naghahabol padin ng paghinga si Thap.
"Wag kang mag alala, tapos na, wala na sya."
"Pero pano.. makukulong ka.. anu mangyayari sayo."
"Dont worry, hindi ako makukulong okey.. kaya tahan na hah.. ligtas kana. Bryan.. tara na.."
Subalit biglang bumagsak si Vlad, naghihina na din kasi ito dahil sa dugong nawala sa kanya dahil sa tama ng baril nito."Bryan , tulungan mo ko. Dalin na natin sya sa hospital. Madami nang dugo ang nawala sa kanya. Bilis..."
Agad na inakay ni Bryan at Thap si Vlad at nagtungo nadin ito sa Hospital...Pagdating nila sa hospital ay inasikaso na agad sila ng mga Nurses at Doctor. Dinala na din sa Operating Room si Vlad para tanggalin ang bala na tumama sa kanyang likod. Buti nalang hindi ito nakaapekto sa anumang organs at spinal chord nito.
"Bryan... ok lang ba.. umuwi na muna ko.. sigurado ako nag aalala na sakin sila Mama.. alam ko hindi ito yung oras para iwan ko si Vlad pero kailangan ko muna umuwi sa pamilya ko. Ayukong mag alala ulit sila." Paliwanag ni Thap kay Bryan habang naghihintay sa waiting Area.
"Dont worry ako na muna bahala dito.. babalitaan nalang kita kapag lumabas na sya ng ER. Gusto mo ipahatid na kita sa kaibigan ko para mabilis ka...
.aaaah Bro.. ok lang ba na ihatid mo muna si Thap, tapos pedi kana din umuwi muna." Pakiusap ni Bryan sa kasama nya.Pumayag naman ito at agad nading umalis ang dalawa para umuwi. Naiwan naman si Bryan sa hospital upang bantayan si Vlad.
*end of Throwback
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...