LOVE & LIES EPISODE 6(2/4):

167 8 0
                                    


(VLAD'S POV.)

Anu ba 'tong ginagawa ko? Muntik ko ng hindi mapigilan ang sarili ko. Kasi naman halos magdikit na ang mukha naming dalawa, konti nalang magdidikit nadin ang aming mga labi. Nang matitigan ko ang kanyang mukha, halos hindi ko na mapigilan ang aking sarili, gusto kong halikan ang kanyang mga labi. Hindi ko alam pero unti unti na talaga kong nahuhulog sa kanya. Bukod sa mala anghel nyang mukha, ay malakas ang pag asa ko na sya nga yung hinahanap ko. Pero siguro kailangan ko pa ng patunay....
.
.
.
Buti nalang kumidlat ng malakas at bumalik kami sa kamalayan. Nagkalayo na ang aming mukha  at ramdam ko ang hiya na bumalot saming dalawa... nakita kong nagtalukbong sya ng kumot.. at hindi na humarap sakin....

.
."Im sorry hindi ko sinasadya, pasensya na." Yan nalang ang nasabi ko.
.
.
.
"Matulog kana....
Yan lang ang narinig ko mula sa kanya.. pagkatapos non  wala na.. 
Kaya nagpasya ako na mahiga nalang din
Subalit hindi nadin ako makatulog pagkatapos non. Hindi ko nadin sya matingnan kung gising ba sya o tulog na. Pumikit nalang ako at pinipilit na makatulog subalit hindi man lang talaga ko dalawin ng antok.

*****************************************

*Kinabukasan

(THAP'S POV.)
*7:00am
   *ringtone*
Nagising ako ng biglang nag ring ang Cellphone ko. Tumatawag si Tim anu nanaman kaya to'? As usual tuwing tatawag to may problema.

*via phonecall
"Hello? Tim wats up?"
.
.
"Kagigising mo lang noh? Ahmm... By the way, makakasama kaba mamaya?.... Lumabas labas ka naman minsan. Namimiss ka na namin... please" madramang saad ni Tim.
May sinet nga pala ang mga kaibigan namin. Sa isang bar malapit sa Plaza, hang out lang , minsan lang naman dahil malapit na kaming grumaduate ng Highschool.

"Sige sige, pupunta ko.. message mo nalang exact location ah.. kita kits nalang mamaya. Okey bye....."

*endcall
...di din matagal ang pag uusap namin ni Tim pinatay ko nadin agad, bago ko bumangon ay tumitig muna ko sa kisame ng aking kwarto. Bigla kong naalala na dito nga pala natulog si Vlad kaya agad kong tiningnan kung saan sya nahiga kagabi, subalit wala na sya dito. Mukhang maaga syang umalis. Pero bakit hindi nya ko ginising?.. haysss.....
.
.
.
Bumangon nako agad at inaayos ang kwarto ko. Paglabas ko ng kwarto ay natanaw ko si Charles at Fred na nakaupo sa terrace as usual abala nanaman sa kanilang daily routine kapag walang pasok. Si Mama naman nasa kusina nagluluto ng almusal...
Kaya bumaba na ako at pinuntahan si Mama.

"Good morning ma'," bati ko kay mama habang kumukuha ako ng baso at tubig sa ref.
.
.
"Kamusta tulog mo anak, mukhang maganda gising mo ah.. hmmmm.".
.
.
Nagtaka ako sa tinuran ni Mama kaya napatingin ako sa kanya habang umiinom ng tubig. Naalala ko na hindi nga pala nila alam na sa kwarto ko natulog si Vlad kagabi.
.
.
.
"Ma' alam ko yang iniisip mo, tigilan moko jan ma', alam ko yang tingin mo na yan". saad ko kay mama.
.
.
"Wala naman akong sinasabi anak' hahaha." at nakuha pakong tawanan ni Mama. "Oh sya umupo ka na jan tatawagin ko na ung dalawa,  at kumain na tayo. Magtimpla ka nadin ng kape mo. Wag masyadong matamis ah." sambit ni mama na may kasamang ngiting nakakabwisit.
.
.
.
Habang kumakain kami, napansin ko na nakatingin lang sakin ung tatlo.... 
.
.
"Ano????... Maaaaa.... tsk.. okey.... okey....
Fine.... pinatulog ko sya sa kwarto ko kasi bisita sya. Nakakahiya naman na doon pa sya patulugin sa sala. Ayun lang un..."paliwanag ko sa kanila. Para tumigil na mga nakakaasar na tingin at ngiti pa ang binabato sakin ng mga to eh'..
.
.
.
"Apaka defensive ng kuya ko Hahahah, wala naman kami sinasabi ee." saad ng kapatid ko habang humihigop ng kape.

"Wala nga, pero yang mga tinginan nio sakin nakakapikon talaga. Isa kapa Ma' ikaw nagpatulog sa kanya dito diba... tapos ngayon kakantyawan nio ko."
Inis na sabi ko sa kanila.

"Oy..oy.. wala akong ginagawa ahh. Yung dalawa mong kapatid yan pagalitan mo.."depensa ni Mama. "Sya nga pala nak, maagang umalis si Vlad, hindi ka na nya ginising para hindi na maabala yung pagtulog mo." paliwanag ni Mama sakin.
.
.
"Kailan daw sya babalik 'Ma?". Tanong ko.
.
.
"UYY, namimiss agad kuya? HAHAHAH".pabirong sambit nitong mokong na fred nato....
.
.
.
"Fred.... Naranasan mo na bang magdilim yang paningin mo?" Tanong ko
.
.
."Hindi pa naman kuya bakit?."sagot ni fred
.
.
.
.
"HALIKA DITO TUSUKIN KO YANG MATA MO NG MANDILIM YANG MGA MATA MO..."inis na banat ko sa kanya...

"OHHH.,nasa harap kayo ng pagkain... tigilan nio na yan.. "  sita sa amin ni Mama.
Kasi naman nakakainis ang aga aga.
.
.
Pero.... totoo, nang gumising ako kanina. Hindi na maalis sa isip ko si Vlad..
Anu ba nangyayari sakin ?.. bakit nagkakaroon nako ng Interest sa kanya..
At ung nangyari kagabi.... hinding hindi ko makakalimutan yon......

*****************************************

Pasensya napo mejo maulan lang dito kaya nawawala ako sa focus mag isip..
Pero babawi po ako sa susunod. Patuloy lang po aa pag Support.... Salamat

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now